BETTER CHANGE

49 1 2
                                    

Dedicated to: thanks for following me :D

Ariana's P.O.V (Si Ana pa din po yan..)

"Ana..you'll be fine." nakangiting sabi sa akin ni kuya Yuann.

We're here in our house, kasama si Klein. Well, we're not going for school today. Susunduin kasi namin sina Mom, Dad , My older brother..kuya Calix and his wife and baby. Nagtataka siguro kayo kung ba't kasama si Klein ano? Si kuya Yuann kasi eh..pinasama siya. Kay Klein lang naman daw ako sumusunod. Hays, nakakahiya nga kay Klein eh. Pero si Klein naman, payag lang ng payag! Aba ang loko talagang um-absent ha. Hay. Pero mabuti na din yun, atleast may kasama ako diba?

"I will change." seryoso at cold kong sabi sa kanya.

Napakunot naman ang noo ni kuya, habang si Klein naman nakatingin lang sa amin. "Change? How?"

"Basta..i'll find it out." sabi ko.

Tumango lang ang dalawa. "Sir and Ma'am , tara na po.." napatingin kami sa driver. Hoo. Eto na. Aalis na kami. I missed them so much.

Buti na lang uuwi sila dito.

***

"Mom, Dad, kuya, ! I missed you so much!" yan langbang nasabi ko ng magkita kita na kami. Niyakap ko sila ng sobrang higpit.

Awww. Ang cute talaga ng baby ni kuya Calix. "Sige..Ariana! Panggigilan mo na naman ang baby namin. Na-miss ka niyan." sabi ni ate Sahara, wife ni kuya Calix. Napailing naman ako sa sinabi niya. Ang ganda pa din talaga ni ate Sahara. Bagay na bagay sila ni kuya. And oh, di ko pala nasabi sa inyo..ate Sahara is one of my bestfriend too. She's nice and she always adviced me, when i have  problems.

"Ariana..sino siya?" bulong sa akin ni ate Sahara habang nakatingin kay Klein.

Lumawak naman ang ngiti ko. "Bf mo ba?" mabubusisi niyang tanong. Shet mata ko naman ang nanlawak.

"Hindi no! Basta.. A friend of mine." sabi ko.

Tumango tango naman si ate Sahara. "Friend of mine... Weh? Baka , A special someone of mine! Yii! Ikaw ha! Ariana! Dalaga ka na!" pang-aasar sa akin ni ate Sahara.

Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko! Luka talaga si ate. "Ewan ko sayo ate!" sigaw ko sa kanya at nagpunta na kay Klein na katabi si kuya Yuann.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Ang cool pala ng porma niya ngayon, hehehe...naka v-neck siyang longsleeves tapos naka-jogger pants and then nike shoes. Wow! Cool!

Ako naman nakasupt lang ako today ng simpleng above the knee baby pink dress and rubber shoes. Ung syempreng rubber na bagay sa aking dress. "Oo naman. Sobra." sagot niya at saka ako pinisil sa ilong.

"Bagay kayo!" sigaw ni ate Sahara sa amin. Awww. Luka talaga.


*****

Nasa mall kami ngayon. Nasa isang mamahaling restaurant, well maarte sina mom and dad. Kumakain lang ako ng pasta kahit na nakakatamad. "How are you, Aria?" i gawked at my daddy.

Aria? Yes. Mommy, Daddy and kuya Calix call me Aria short for Ariana, while are Sahara calling me Ariana. "I'm fine dad." sabi ko at ngumiti. Sinungaling. Alam ko naman na hindi ako okay! And thats bullsh*t.

"Aria...ipakilala mo naman sa amin ang kasama mo." this time si mom naman.

Nginitian ko sila. "Mom, Dad, kuya and ate...i just want you to meet... A very bestfriend of mine, Klein." sabi ko sa kanila.

Halata ko na. Gusto nina mom si Klein. "Oh. Hi Klein. You can call me, Tita Alice." sabi ni mommy. "Call me, Tito Carlo." hirit naman ni daddy.

Actually, hindi naman masyadong formal sina mom and dad. Normal parents lang din, yung nga lang palaging busy sa works.

"Nice to meet you po, Tita Alice and Tito Carlo." nahihiyang sabi ni Klein. Aww, ang cute. Kamukha pa din no G.D hahaha.


"Ate Sahara here.." pagpapakilala ni ate Sahara sa kanya. "Hello po." sabi naman ni Klein.

"Ahh.. Siya si Calix. Di lang yan maimik! Hay, Calixto! Umimik ka naman! Panis na laway mo!" sabi ni ate Sahara. Sinamaan lang ng tingin ni kuya Calix si ate Sahara. Napatawa naman kaming lahat sa inasta ng dalawa.

Napaka-ganda talaga ng samahan ng dalawa. Hays. Sana... Ganyan din ako someday.

"Saharalangot manahimik ka!" sigaw ni kuya Calix. Hahaha. Asaran pa din ang dalawa eh.

"Minsan na nga lang naimik, masama pa ang nalabas sa bibig! Grr." sabi ni ate Sahara.

"O tama na yan!" sigaw ni kuya Yuann.

Tumawa na naman ang lahat. Kahit si Baby Cally (anak nila kuya Calix.) natawa na din.

"Eh ikaw naman, Yuann.. Do you have a girlfriend?" tanong ni ate Sahara.

Nabilaukan naman si kuya Yuann. Si ate talaga, basta basta na lang nagtatanong! "Wala! Grabe ka naman, 'te Sahara. Namimigla ka!" tatawa tawang sabi ni kuya Yuann.








Natapos na kaming kumain kaya naman lumabas na kami ng mall. "Aria... Sila Yuann at Klein na ang bahala sayo. Alam na nila ang gagawin nila, okay? Sumunod ka sa kanila ha." sabi sa akin ni mommy. Ha? Ang gulo naman. Anong sususnod? Anong gagawin?

"Uuwi na kami Ariana.. Galing jetlag eh.. Bye!" sabi ni ate Sahara.

Umuwi na nga sina mommy, daddy, ate Sahara and kuya Calix. Naiwan kami sa mall nina kuya Yuann and Klein.

"Let's go." sabi ni Klein.

"San?" tanong ko.

Hinila nila akong dalawa papunta sa..salon?

Anong gagawin ko dito..

Kinausap lang nila kuya yung babae at maya maya pa pinaupo na ako nung babae. Sinimulan ng gupitan at gumawa ng kaekekan sa buhok ko. Pagkatapos naman nun, minanicure pa ako tapos nilagyan ng make ups at kung ano ano pa. Hindi.naman ako naglalagay nito eh.

After 123456789 years! Natapos na din! Magdiwang! Ok..o.a na ko. Dahan dahan akong humarap sa salamin. Woah! Nagmukha akong tao! Unbelibebel! Woah! Napahawak ako sa mukha ko. Ang kinis sobra, tsaka pumuti lalo. Tapos..yung buhok ko kulay brown na wavy..

Lumabas ako sa salon at naabutan kong nakaupo sa bench sa labas sina kuya.

Naglakad ako papunta sa harap nila. Nanlaki ang mata nila na para bang nakakita ng multo. Hala? Nakakatakot ba itsura ko? "Ahh...Hi?" tae. Yan na lang ang lumabas sa bibig ko.

"Sis! Ang ganda mo!.. Cool!" sabi ni kuya Yuann.

Ayst. Tama na yan. Bola eh. "You're gorgeous." sabi sa akin ni Klein. Ang init ng mukhanko tsaka parang pinagpapawisan ako na ewan. Ang sarap sa pakiramdam pag galing sa kanya.

"T-thank you.." nahihiya kong sambit sa kanya.

Sunod naman nila akongbdinala sa female boutique. Sari saring damit ang ipinasukat at binili sa akin. Grabe ang dami nito.. Sa huli ang naging suot ko pa rin ay simple white dress with longsleeves and doll shoes. Binilihan nga din ako nina kuya ng high heels eh.

"This is what we called a better change." sabi ni kuya at nag apir pa sila ni Klein.

So this is the start of it...

Wait for my revenge... Shinelle, Lei and Jake...


"Call me, Aria starting for today." i said and then winked at them.


No more nobody..Ana!

_____________________________________________________________________________________

Author's Note:

Hoo. Malapit ng matapos ang story na to. Diba sabi ko naman sa inyo na short story lang to. Siguro mga 30 chapters.. Well.. Hahaha.. Kahit matapos po ito. Magkakaroon siya ng BOOK 2.

Iisip pa ako ng plot duon. Tsaka matagal pa yun. Hahaha.

Thanks for supporting.. I love you guys.. :)







BESTFRIENDzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon