(AN: dedicated to PoetLiterati
Thank you readers :) )XMyWholeOthaworld
SYDNEY POV
First day ng bakasyon ko today. Aware ako na lagpas 9am na pero pagulong gulong pa din ako sa aking kama. Biglang nag ring ang phone ko.
Haven Villanueva calling...
"Hello?" I answered the call
"Goodmorning, Sydney!"
Bigla kong naalala, someone used to greet me goodmorning every day. Ohwell, past is past.
"Goodmorning, Haven."
"Bihis ka dali." Sabi niya
"Ano?"
"Wag kang bingi, bata. Bihis na." She chuckled
Tinawag nya akong bata?
Ilang minuto nya akong kinulit sa phone call. Napilitan din ako at naligo na ako. Ano ba kasi trip nitong Haven na 'to?
Nagkita kami sa harap ng campus ko dahil hindi nya alam kung paano ako susunduin sa bahay. First time ko dn napasok sa sasakyan niya. Pag pasok ko sa passenger sear niya ay agad nya akong hinalikan sa pisngi.
Naka loose shirt sya na white at shorts.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
"Sa Avila sports center." Sagot niya.
Bakit parang nagbabalik ala-ala ako today? Avila sports center? Doon ginanap ang isang volleyball game na pinuntahan namin noon at di kalayuan sa naturang sports arena na yon ay nangyari ang first kiss ko.
"Ano meron?"
"Manunuod ka ng basketball game ko." She glanced at me with a smile. "Come on, Sydney! Nasa daan naman na tayo eh. Please tell me you want to watch my game! Please?"
Ang kulit din pala netong si Haven na ito eh. "Ayst. Oo na. Oo na."
Medyo awkward ako sa tabi niya dahil hindi naman kami talaga ganon kaclose. Pero sinubukan nya ang lahat ng makakaya niya para maging komportable ako sa kanya. Kinamusta nya ang kung ano ano. Maya maya ay nagplay sya ng music at sinabayan niya ang stereo nya. Hahaha! With feelings pa niyang kinanta ang "Blank space" ni Taylor Swift.
Dumaan kami sa parking lot ng sports arena. Sa parking lot ay nagwawarm up ang mga players na naka navy blue na university jacket. Bumaba si Haven.
"Haven girl! Late ka! Bihis ka na!" Sabi nung isang sobrang tangkad na babae na nakasports bag.
"Tara, Sydney." Inaya ako ni Haven sa quarters at agad syang nag unbutton ng white button up top niya. Nanlaki ang mga mata ko pero tinawanan nya lang ako.
"Gusto mo labas muna ako?" I asked her.
"Hahaha! Okay lang, dito ka lang." She winked at me. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Nagbihis na sya at maya maya ay naka jersey uniform na sya. Ihinatid niya ako sa ringside ng court. Worried ako dahil hindi naman ako basketball fan. Pakiramdam ko ay magisa akong manunuod, marami pa namang tao sa sports arena. Magmumukha lang akong loner noh!
"Sydney!!!"
Agad akong napatingin sa papalapit na babaeng tumawag sa pangalan ko. Si Jana at Taki lang pala. May dala silang mga blue na balloon sticks.
"Kamusta ka na?! Long time no see! Bakit parang gumaganda ka lalo!" Sabi ni Taki.
Naupo silang dalawa sa tabi ko. Nasa kanan ko si Taki at kaliwa ko naman si Jana.
BINABASA MO ANG
Way back home (TBTIEH) On going
RomanceWARNING: pakyu sa homophobics. This is a lesbian/girltogirl story. Maybe we will meet again Next time, there is a new moon I will be walking around In the pouring rain We will meet again under the perfect sky We will meet again in the righ...