"Oy! Bakit ba kasi ganun yung babaeng 'yun? Hindi maka-move on! Uuuuuy!" Nandito kami ni James sa living room, nagmmovie marathon. Hinahampas ko siya ng pillow. Nakakainis kasi. Bakit ba ganun si Chloe?! Nakakainis talaga. 'Di ba dapat nakalimutan na nila yung nangyari? Nakakainis! Hmp!
"HEY! HINDI MO BA AKO PAPANSININ, JAMES ANDREW PEREZ!?!" This time, tumingin na siya sa akin with a poker face. -__- Si James kasi, madalang 'to ngumiti. Kapag ngumiti, sandali lang. Parang baliw. Sobrang opposite kami niyan eh. Kung ako, madaldal at malikot, siya tahimik at prim and proper. Ano daw? Hahaha.
"What?" O.O Oh nose. Take note! Mabilis din siya mairita. >:))))
"Eh kasi naman.. Bakit ba ganun sakin yung EX mo?!" Oo. Ex ni best friend si Chloe. Ex din ng ex ko. Ex siya ng bayan! Lol! I'm so mean.
"Aba malay ko! Kami ba? Bakit ba ako yung tinatanong mo? Saka bakit ka ba apektado dun sa babaeng 'yun? Akala ko ba kaya ka umuwi kasi okay ka na? Kasi nakamove on ka na? Eh bakit apektado ka na nakita mo si Chloe? Natatakot kang ipaalala niya yung nangyari dati?" Ayan na. Sunud-sunod na yung salita niya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Naka-move on na nga ba ako? Sa totoo lang, sa bahay at sa harap lang ni James ako nagiging totoo. Sa kanila ko lang naipapakita yung tunay na ako. Isa akong pretender sa labas ng bahay at sa harap ng ibang tao. Okay na nga ba talaga ako o sinasabi ko lang na okay ako pero hindi pa naman talaga?
Natahimik ako sa sinabi niya. Inakap ko lang ang pillow na kanina, pinanghahampas ko sa kanya. Sensitive pa nga ako kapag pinag-uusapan ang nakaraan. Sensitive pa ako kapag nababanggit ang 'past'.
Maya-maya, naramdaman ko na lang na yung kamay ni James, nasa ulo ko. Nilalagay niya ang ulo ko sa balikat niya. Alam na niya. Gets na niya ang nararamdaman ko.
"I thought naka-move on na ako. I thought okay na ako." Umiiyak na ako. Ganito naman lagi. Kapag naaalala ko yung nangyari dati, wala akong ibang magawa kundi umiyak. Ang pinagkaiba lang, ngayon, nandito na si James para i-comfort ako. Dati kasi, sa kwarto lang ako lagi. I don't have friends there. Kapag nag-uusap kami ni James sa Skype, nagpapanggap ako na okay na para payagan niya na akong umuwi dito. Malakas kasi siya kay Mommy eh. Kapag sinabi niya kay Mommy na 'wag muna ako pauwiin, hindi muna ako nun papauwiin. Hmm..
"James, alam mo naman yung nangyari 'di ba? It wasn't me. Edited 'yun! Hindi *sob* ako *sob* 'yun." Grabe na ang iyak ko. Siguro kailangan ko din talaga ilabas lahat ng 'to. Ilabas ang lahat sa isang taong nag-aalala sa akin. Sa isang taong nagmamahal at nagpprotekta sa akin. T_T
"It wasn't you. It wasn't your fault too. You were young. You weren't using your mind. Ha-ha." Ang sarcastic ng tawa niya. Medyo masakit marinig na sabihin niyang hindi ko ginamit ang utak ko nun pero totoo naman. Kung nakinig lang ako kay Mommy... Kung sinunod ko lang si Mommy... T_T
"Akala ko kasi... Akala ko mahal niya ako." Nasabi ko na lang habang umiiyak pa din. Pinatay ni James ang tv at humarap sa akin. He cupped my face.
"It was over, okay? You made a mistake, yes. But you can't undo what had happened. All you can do is learn from your mistake, move forward and continue living your life." Seryosong seryoso siya. Yung mata niya, halatang concern na concern. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Ang sakit pa din sa dibdib. Kapag naaalala ko yung araw na umalis ako ng Pilipinas, sobra akong nalulungkot. Iniwan ko ang lahat dahil sa nangyari. Nilayuan ako ng mga tao dahil dun. Ang tanging naiwan sa akin ay si James - ang best friend ko.
"Tama na." He wiped my tears and smiled at me. Dahil sa ngiti niya, medyo naging okay ang pakiramdam ko. At least, nalabas ko sa kanya. Ang hirap-hirap kasi ng sinasarili mo yung nararamdaman mo. Wala naman akong ibang masasabihan nito dahil wala na akong best friend. Wala na si Chloe. Yes, si Chloe ang girl best friend ko. Pero after nung nangyaring 'mess' nung 16 ako, iniwasan na niya ako. Siya pa ang kauna-unahang nag-judge sa akin. Siya pa ang nagpakalat ng nangyari. Actually namimiss ko na siya. Namimiss ko na yung dating Chloe.
"Kukuha lang kita ng tubig. I'll be back." Umalis si James at pumunta ng kitchen para kumuha ng tubig. Wala nga pala si Mommy. May work siya ngayon, sabi ni James, sinabi daw sa kanya ni Mommy na mamayang gabi na lang kami magkita. Akala ko pa naman excited siyang makita ako. Pero okay na din at least nagkaron ako ng time mag-open up kay James.
Biglang tumunog yung phone ni James. "James! May message ka!" sigaw ko pero hindi siya nag-respond. Kinuha ko yung phone niya at tiningnan yung message niya. I was shocked.
**
From: Tray Banzon
Bro, I heard that she's back.
**
What the? Alam na niya? Ang bilis naman! Ang bilis naman magpakalat ng balita ni Chloe (?) I think... News travel so fast! -_-
------
AUTHOR'S NOTE:
Si James Andrew Perez po ay nasa side. Check niyo na lang. :) →
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...