"Ally Justice!" I missed him. Haaaaay. I hugged him.
"Hi, best friend. So, how are you?" I asked. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Kinuha niya yung mga bagahe ko at nilagay na sa kotse niya. Saka uli humarap sa akin.
"Mamaya na tayo magkwentuhan, okay? Get in." What's wrong with him? Hindi niya ba ako namiss? Aba, ang tagal ko ding nawala 'no! 2 years na ang nakalipas at parang wala man lang 'yun sa kanya. Ugh! Pasalamat nga siya kinakausap ko pa siya kahit lalaki siya 'no! Hmm...
Sumakay ako ng kotse niya. Nakakamiss din pala 'tong Pilipinas. Anyways, galing ako ng America. Dun ako nag-stay for 2 years. I left everything here and start a new life there. Pero naisip ko na din bumalik since mukhang naka-move on na naman ako sa nangyari. I am wiser and I am stronger na.
"So?" I started a conversation. Mukhang wala sa mood itong best friend ko. Ganito na ba ang pag-welcome ngayon sa Pilipinas? What the... -_-
Tumingin siya sa akin at saka nagsalita, "Kamusta ang byahe mo, Ms. Lopez?" I rolled my eyes. Nakakainis naman 'to. What did I do? Bakit na naman nagsusungit 'to? Didn't he miss me? FYI, ayaw niya kasi akong pauwiin dito sa Pilipinas. Sabi niya, mas mabuti daw na nandun ako sa America. Wala daw chismis at walang intriga. Mas peaceful daw ang buhay ko dun. The he*ll! Namimiss ko kaya sila. I mean siya. Paano naman kasi... Sa 2 years kong pag-stay sa America, twice niya lang ako dinalaw dun! Birthday ko lang. Sino ba naman kasing hindi maho-homesick, 'di ba? -___- Hmm..
"You're idling. What?" Naka-focus siya sa road. Ini-stretch ko yung arms ko at nag-inat-inat.
"Aaaaaahhhh! I'm sleepy. I'm so tired. Gisingin mo na lang ako kapag nasa bahay na tayo. Thank you, best friend! You're so bait talaga." Syempre medyo sarcastic yung sabi ko na mabait siya. Ayoko kasi magkwento sa kanya about sa byahe. Boring na topic 'yun. Matutulog na lang ako since nakakapagod naman talaga.
"I missed you, Ally." He finally confessed. Aba! Dapat lang. Haha. Pero syempre, nagpretend na lang ako na natutulog na ako kaya hindi ko na siya sinagot.
Anyways! I was rude. I forgot to introduce myself! *hands on my face* I am Ally Justice Lopez, 18 years old, since nasa America ako for two years, hindi pa ako nagccollege. Ngayon pa lang. I'll be taking BS Accountancy sa Unknown University. Ang mommy ko, nandito siya sa Pilipinas. She's so excited na nga na makita ako uli eh. Isa siyang fashion designer. Si Dad naman, nevermind. He's on London. Nandun yung business niya. I'm a momma's girl. Spoiled ako dun eh! Kapag tiningnan niyo ako, sabi nila, mukha daw akong masungit pero kapag nakilala niyo naman ako, masyado akong magulo. Malikot, childish ng konti saka masiyahin (daw). Lagi akong nakangiti but I don't know if my smiles are real or fake. Ha-ha! Sa mga pinagdaanan ko, I guess I deserve to be happy.
Ang kasama ko naman, ang best friend ko. Si James Andrew Perez. Since we were a kid, kami na talaga. No! What I mean is kami na ang best friends. You know. Best bud. Magkatabi lang kasi yung bahay namin. He's like a brother to me. Wala kasi akong kapatid eh. How sad. Anyways, dati, nag-confess siya sa akin na may gusto siya sa akin pero I rejected him. Ayoko kasing masayang yung friendship namin. And besides, he's all I have now.
After 1234567890-I-don't-know-minutes, I felt James's hands on my shoulders. "Grabe kang Lopez ka! Uminom ka ba ng sleeping pills? Bakit ang tulog-mantika mo? Nandito na tayo. Kanina pa kita ginigising. Bumubusina na nga din ako, wala! Walang epekto! Napano ka ba?" Ano ba 'yan! Ang ingay naman ni James. Nakitang natutulog yung tao eh. Pagod kaya ako! Ang tagal ng byahe 'no! Ugh! I want to sleep.
"Perez?" I flashed a smile. Pagtingin niya sa akin, mukhang nagets niya na agad ang ibig kong sabihin sa ngiti ko.
"Ayoko nga! Bigat mo na 'yan! Tingnan mo nga! Nagpunta ka lang ng America, naging baboy ka na!" Aba! Sa totoo lang, hindi talaga ako palakibo. Pero kapag kasama ko 'tong si James, sa kanya ko lang napapakita yung tunay na ako. Yung childish, malambing, malikot, magulo, sweet at masiyahing ako. Best friends. :)
"Please?" Nagpout pa ako para mas effective. Napangiti naman siya. Yes! I won.
"Oo na. Oo na." Tumalikod na siya sa akin at sumakay na ako sa likod niya. Yes! Naka-piggy back ride ako ngayon sa aking super best friend. Hihi! I missed this. Sobra!
"Ang bigat mo. Baboy!" Hinigpitan ko naman yung yakap ko sa kanya kaya medyo nasasakal siya. Baboy pala ha!
"Sinong baboy? Ha? Ha?" Hindi pa kami nakakapasok sa gate kasi umikot pa kami. Syempre, yung nakaharap na door ng car eh yung sa driver's kaya ayun. Umikot pa siya para lang i-piggy back ride ako.
"Aray ko naman, Lopez! Baka malaglag ka sa ginagawa mo eh!" Hahaha. Natatawa ako. Para siyang kamatis. Namumula. Aww. Baka nasasaktan na ang best friend ko. I pity him na. Hindi ko na hinigpitan yung hawak ko sa kanya.
Nung malapit na kami sa may gate, biglang tumigil si James. Syempre, napatingin naman ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. A familiar face. A bi*tch. I raised my eyebrows.
"Oh! So it's true. You're back, bi*tch!" Nakataas din ang kilay niya at naka-crossed arms pa. Aba! Ang lakas ng loob nitong babaeng 'to. Siya nga pala si Chloe. Chloe Margarette Lim. Ang bi*tch. >:)
Tiningnan ko siya from head to toe. "What brought you here, bi*tch? Checking if I'm still alive? Well, you're unfortunate 'cause I'm still breathing. And yes, I'm back. Did you miss me?" Pang-aasar ko pa. Kailangan ba pagkauwi na pagkauwi ko, siya agad ang makikita ko? Eto na ba ang simula ng pagharap ko sa nangyari sa past? Ugh. I should be strong.
-----
AUTHOR'S NOTE:
Si Ally po yung picture sa gilid. :) Check niyo na lang. →
Thank you for reading nga pala!
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Genç KurguNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...