"Sino yung kasama mo kanina? Manliligaw mo?" Nandito kami ni James sa bahay. Dito siya magdidinner kasi day off ng maid niya ngayon. Yung parents naman niya, nasa abroad kaya wala siyang kasama sa bahay. May kapatid naman siya kaso may asawa na kaya siya lang yung nandito sa Pilipinas. Alam ko may balak din 'to mag-abroad eh.
"Hindi 'no. Kaklase ko." sabi ko sabay agaw nung remote. Feeling niya na naman bahay niya 'to. Nilipat ko yung channel. Gusto ko manuod ng movie kaso wala akong maisip na magandang movie. -__-
"Kayong dalawa, halina kayo dito at kakain na tayo." Si Mommy. Himala nga maaga siyang umuwi ngayon. Siguro may problema 'yan sa work. Ganun naman kasi siya. Kapag may problema sa work, maaga siyang umuuwi para daw makapag-isip siya.
Tumayo na kami ni James at nagpunta sa kitchen. Syempre, ano pa nga bang gagawin namin dun kundi kumain. Si Mommy, tanong ng tanong about sa first day ko pero ako, tahimik lang. Ewan ko. Wala kasi ako sa mood. Medyo pagod din siguro kaya ganito.
"Wala ka ba sa mood, princess?" Yeah, princess yung tawag sa akin ni Mommy. Nag-iisa daw kasi akong anak. Ako daw ang prinsesa ng buhay niya. Sh. Corny.
"Hindi naman, Mommy. Pagod lang." Tumayo na ako. Pagod yata talaga ako. Dun na lang muna ako sa kwarto ko.
"Sa kwarto muna ako." Sabi ko at saka naglakad papunta sa may hagdan.
"Iiwan mo si James?" Pahabol na tanong ni Mommy. Nako! Sanay naman 'yan. Para na din 'yang nakatira dito samin kaya sobrang feel at home na siya. Saka parang wala din siya sa mood. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.
"Puntahan mo na lang ako sa kwarto kung may kailangan ka. I need some sleep." Hindi naman talaga ako inaantok. Gusto ko lang mag-isa ngayon. Kapag bv kasi ako, gusto ko ako lang. Kasi kapag may kasama ako, nasusungitan ko lang. Ayoko naman may madamay sa pagka-bv ko..
Pumasok na ako sa kwarto ko. Humiga saglit sa kama ko. Nakatingin lang sa ceiling. Hmm...
"Minsan hindi ko na din maintindihan yung sarili ko e. Pabago-bago ako ng mood." Hmmm... Minsan talaga nagsasalita ako mag-isa.
"Nakakapagod yung araw na 'to. Nakakainis kasi ang kulit ni Tray. Tapos dagdag pa si DJ. Nakaka-stress." Tumayo ako at kinuha yung laptop ko na nasa study table ko.
Magblog kaya ako? Eh kaso naman baka naman makita na naman ni Dj. Feeling ko tuloy kahit hindi pa kami masyado nagkakausap in person, kilalang kilala na niya ako. Kasi sobrang honest ako sa blog ko eh. Parang diary ko na 'yun. Akala ko naman kasi walang nagbabasa nun.
Kanina, tinanong ko si Dj kung paano niya nahanap yung blog ko. Hindi na daw niya matandaan. Tinanong ko naman kung may blog din siya. Wala daw. Syempre gusto ko ako din may alam tungkol sa kanya. Unfair yata yung siya, kilalang-kilala na ako pero ako, wala. Pangalan niya lang ang alam ko. -_-
Tiningnan ko yung readers ko. Wala naman kasi akong reader na Filipino kaya akala ko walang nakakabasa ng mga kadramahan ko dito. No sign of Dj! Wala siya sa mga reader ko. O baka naman inunfollow niya ako para kunware wala siyang blog. Tsh. Assuming!
Syempre, dahil nga sobrang wala ako sa mood, binlog ko na lang yung nararamdaman ko. Nilagay ko lahat. As in yung naramdaman ko nung nakita ko si Tray kanina. Sa totoo lang, namiss ko siya. Namiss ko yung mga pinagsamahan naming dalawa. Akala ko nga dati kami na nun forever eh. Hindi pala. Mali pala ako. Syempre nilagay ko din dun yung kay Dj. Yung first impression ko sa kanya saka yung tawag ko sa kanyang "Mr. Stalker". Nakakatuwa naman talaga siya. 'Wag lang siguro matatapat na badtrip ako kasi nako... Masusungitan ko siya!
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...