Madaming tao sa gym. May mga babaeng nakatingin sa akin, may ilan naman na kinikilig sa gilid, may mga nagbubulungan habang nakatingin sa amin ni Dj, may narinig pa nga akong nagsabi ng "Oh my gosh, siya ba? Ew! 'Di hamak naman na maganda pa tayo dyan! Maputi lang siya eh!" May isa naman akong narinig na, "Ang swerte niya, girl! Ang gwapo kaya ni James! Pero cute din yung kasama niya! Pero sino ba talaga sa kanila ang bet nitong si girl?" Mas dumadami pa ang tao. Nakakailang.
Tumutugtog pa din ang Little Things. Hindi ko pa din makita kung nasaan si James. Nasa pinto pa din kami ng gym ngayon ni Dj. Bigla niya akong siniko sabay sabi ng "Mahal ka talaga ni James oh." Napatingin ako sa kanya at saka ngumiti naman siya. Siguro bilang lalake, alam niya na seryoso talaga si James sa akin. Ewan ko ba. Nahihiya ako sa nangyayari. O baka hindi lang ako sanay.
"Tara, tingnan natin si James sa loob." yaya ni Dj saka hinawakan yung balikat ko habang tinutulak ako papasok ng gym. Pagkapasok namin ng gym, ang ganda! Halatang pinaghandaan 'to ni James! O.o Sa stage, may nakaayos na instruments. Parang may banda. Pero hindi ko alam kung kasama 'to sa effort ni James kasi baka mamaya may program pala kaya may ganun. Pero kasi may nakalagay sa stage, "I FELL IN LOVE WITH MY BEST FRIEND ♥" Hindi ko alam kung kikiligin ba ako. Haaaay.
Bakit ganito? Bakit nga ba hindi ko bigyan ng chance si James? Bigyan ko kaya? Sayang naman yung effort niya? Pero kasi... Ready na ba ko? Ayoko kasi talaga! Natatakot akong maiwan sa ere. Natatakot akong maloko. Natatakot akong ma-fall kasi natatakot akong masaktan. Pero best friends kami 'di ba? Hindi niya ko sasaktan, 'di ba? Pero pano kung saktan niya pa din ako? Paano kung ipagpalit niya pa din ako? Hays! Ano ba 'tong mga iniisip ko?!
Maya-maya, biglang may nagsalita uli, "Ally, alam ko nandito ka na sa gym. Sana magustuhan mo 'tong ginawa ko para sa'yo. Sana maniwala ka na hindi kita sasaktan. Hindi kita iiwan. Chance lang naman ang hinihingi ko sa'yo. Kilala mo ko. Hindi ako gantong klaseng tao. Yung mga gantong effort, hindi ko naman ginagawa 'to e. Ngayon ko lang 'to ginawa. Sa'yo lang. Kasi alam ko na deserve mo na gawan ng gantong klaseng effort. Ally, ikaw yung babaeng hindi dapat saktan. Ikaw yung babaeng nirerespeto, minamahal, inaalagaan. Sabihan na nila akong bakla sa mga sinasabi ko pero ALLY MAHAL NA MAHAL KITA!" Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hinihintay ko nalang na marinig yung tunog ng alarm clock ko para malaman na panaginip lang 'to pero wala! Totoo talaga 'to. O.o
"Dj..." Bulong ko kay Dj. "Oh?" sagot niya naman sakin. Siomai! Hindi talaga ako nananaginip! -.-
"Anong gagawin ko?" Seryoso na may halong kaba kong tinanong sa kanya. "Kung ano ang tama." What? Kung ano ang tama? Ano nga ba ang tama? Hays!
"Anong tama?" pangungulit ko pa. Ano bang tama? "Ang ibig kong sabihin, kung ano yung gusto mo. Kung ano ang makakapagpasaya sa'yo." Nakatingin lang siya sa stage. Parang may iniisip siya e. Eto na naman yung kabilang side ni Dj.
"Paano kung yung gusto ko, makakasakit naman sa best friend ko?" Nakatingin lang ako sa kanya habang siya, nakatingin pa din sa stage. Magsasalita na sana si Dj kaso biglang may nagsalita na naman. "Ally, sana magustuhan mo 'tong mga kantang kakantahin nila para sa'yo." Biglang may umakyat sa stage na mga lalake at isang babae na sa tingin ko, banda sila sa school. Mga kaibigan siguro ni James.
Unang tinugtog yung Like Only A Woman Can tapos Just The Way You Are, Oh Darling, Beautiful Soul, Forevermore at You Are My Song. Anyways, acoustic band nga pala 'to! Hays. Mga gusto kong kanta pa yung tinugtog nila.
Maya-maya, nilapit ni Dj yung bibig niya sa tenga ko na parang may ibubulong. "Sundin mo yung gusto mo. Kung makakasakit ka man sa desisyon mo, at least, nasabi mo na agad. Wala kang pinaasa. Mas maaga, mas mabuti. Makakasakit ka pero ngayon lang 'yun. Ewan ko kung tama ako. Basta ang gawin mo, yung gusto mo at yung sa tingin mo tama. Sige, mauna na ko. Kita na lang tayo sa room." Maglalakad na sana paalis si Dj kaso bigla kong hinawakan yung kamay niya. Hindi ko yata kayang mag-isa? Dati kasi lagi kong kasama si James eh. Haaaay!
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Genç KurguNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...