DJ'S POV
Nagpunta kami ni Ally sa coffee shop kanina. Boring kasi wala kaming klase sa major namin. Nakatambay lang kami sa field bago kami kumain tapos nung nagiging seryoso na yung usapan namin, niyaya ko siya sa coffee shop. Dun sa coffee shop na malapit sa school. Nagustuhan niya kasi dun eh. Sabi ko ililibre ko siya. Ayun! Ang bilis naman niyang tumayo! Hahahahaha. Nakakatawa ang babaeng 'to. Basta libre. Mabilis pa sa alas kwatro!
Nung nasa coffee shop kami, seryoso padin yung topic namin. Hindi na naiwasan ng kakulitan ko kaya ayun, sinasagot ko na lang yung mga tanong niya.
*Flashback*
"Ang sama ko ba?" huminto si Ally sa pagkain ng cheesecake na paborito niya. Oo, paborito niya 'yan eh! Pero bakit parang hindi siya tumataba? Tumingin ako sa kanya. Bakit naman niya natanong 'yun?
"Masama? Bakit naman masama?" Hindi ko siya tiningnan. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain at saka hinintay siyang magsalita at magkwento.
"Kasi hindi ko kayang bigyan ng chance ng best friend ko. Kasi hindi ko pa kayang magtiwala sa mga lalaki pagdating sa love. Kasi hindi ako marunong magpatawad. Ang sama ko ba?" After niya magsalita, nakita kong medyo naging malungkot yung mukha niya. Tsh!
"Hmmm... Hindi naman masama." nagpause ako saglit. "Bad lang. Hahaha! Joke!" Sabay tawa. Gusto ko lang talagang ibahin yung mood niya. Ayoko kasi siyang makitang malungkot ulit. Inirapan niya ko nun. Okay lang. Sanay na din naman ako sa babaeng 'to. Isang bwan na kami magkaklase pero masungit pa din sakin. Hindi ko nga alam kung kaibigan niya na ba ako e. Tsk!
*End of flashback*
Pagkatapos naming pag-usapan yung kay James, nagulat ako kasi bigla niyang tinanong kung paano ko nalaman yung blog niya. Sasabihin ko na sana kaso biglang dumating si Chloe kaya naputol yung sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat ko na nga bang sabihin 'yun pero dahil hindi natuloy, sa tingin ko, hindi pa 'yun yung tamang oras.
2 years ago, nasa States ako. Nung time na 'yun, may nalaman akong tungkol sa akin. Nakakalungkot na balita tungkol sa akin. Isang araw, naisipan kong umalis ng bahay mag-isa. Nagpunta ako isang coffee shop dun. Gusto kong mapag-isa nun. Gusto ko ngang magpakamatay nung mga oras na 'yun kaso hindi pwede. Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko at para sa pamilya ko. Umupo ako sa isang couch sa dulong gilid ng coffee shop. Vintage yung itsura nung coffee shop na 'yun. May mga old photographs, may iba't ibang klase ng bote na naka-display, may mga antique din. Ngayon lang ako nakapunta dito kasi medyo malayo sa tinitiran namin.
Umorder na ako. Habang naglalakad ako pabalik dun sa table ko, bigla akong napatingin sa isang babaeng nakayuko sa isang pandalawahang lamesa. Nagsusulat siya at sa tingin ko, umiiyak siya? Hindi ko sigurado. Nung makabalik na ako sa table ko, tinititigan ko pa din yung babae. Maputi siya, may brown na buhok, payat lang. Hindi ko nakikita yung mukha niya dahil nakayuko siya. Dumating na yung order ko. Habang iniinom yung espresso, nakatingin pa din ako dun sa babae. Hindi ko siya type! Medyo naccurious ako kasi para siyang umiiyak. Gusto ko mang lapitan para tanungin kung anong problema, baka isipin niya pang pakelamero ako kaya 'wag nalang.
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...