ALLY'S POV
"Huy! DJ! Ano?! Tama ba yung ginawa ko?! Ano?! Sumagot ka naman! Huuuuuuuy!" Kakatapos lang ng klase namin ngayon. Papunta kaming mall ngayon, mamimili kami ng gamit para sa group activity namin. Kinukulit ko siya kasi hindi ko pa din alam kung tama ba yung ginawa ko kay James. Tapos yung mysterious note pa na natanggap ko sa locker ko. Aish.
"Ano ba 'yun? Ginawa mo tapos tinatanong mo kung tama." Aba? Nagkapalit yata kami ng ugali? Minsan napapansin ko na parang napapakita ko na kay Dj yung tunay na ako e. See? Hindi na ako masyadong masungit at kinukulit ko na siya. Haaaay! Iba na 'to ha. Nagtitiwala na ba ko? Ayy, wala namang masama magtiwala sa kaibigan. Kaibigan? Kelan pa? Hahaha. Ang gulo ko!
Pumasok na kami sa bookstore. Ano kayang problema nitong lalakeng 'to? Hahaha. Ako nalang ang mangungulit. >:))
"Oy Dj! Sa tingin mo, sino yung naglagay ng note sa locker ko?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. Siya naman, nakatingin lang sa mga books na nasa harap niya. Sige ha! 'Wag mo kong pansinin. Grabe! May menstruation ba 'to?!
"Uy! Ano bang ginawa ko sa'yo?!" Napalakas yung sabi ko kaya napatingin yung mga salesman & saleslady. "LQ yata..." narinig kong bulong nung isang saleslady dun sa isang salesman. Aish. LQ?! LOL.
Maya-maya, may nagsalita mula sa likod ko. "Ally? Ikaw pala 'yan. Sabi ko na nga ba ikaw yung sumigaw. Kilalang-kilala ko yung boses mo e. Kamusta?" Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka tumalikod sa kanya.
"Sinong kasama mo?" Napatingin ako sa kabilang book shelf pero nawala si Dj. Nasaan na kaya 'yon? Saka ano kayang nangyayari don? Hmm..
"Wala kang pakelam. Get lost." Naglakad na ako para hanapin si Dj. Nakakainis naman. Nakita ko pa yung Tray na 'yun. Pampasira lang araw. Aba! Galit na galit talaga ako sa kanya! Ang kapal ng mukha niyang umarte na parang walang nangyari! Aba, aba, aba! Hindi pwede 'yun! -.- Nakakaasar lang talaga.
Naikot ko na yung buong bookstore pero wala akong DJ na nakita. Iniwan ako? Wow! As in W-O-W talaga! -.-
"Sino bang kasama mo, Ally?" Umaano ba 'to, dito? Trip niya talagang sirain ang araw ko 'no? -___-
"Wala kang pakelam. Shuuu!" Sabi ko habang ginagalaw yung kamay ko na parang tinataboy siya. Aba naman kasi. Pakelamero!
"Para namang wala tayong pinagsamahan niyan." Napatingin ako sa kanya bigla at saka tinaas ng sobrang taas ang kilay ko. ABA?! Ako pa?! Hahahahaha! *sarcastic* Ako pa talaga?!
"ABA MR. TRAY BANZON! AKO PA NGAYON?! AKO PA YUNG KUNG UMASTA PARANG WALANG PINAGSAMAHAN?! WOW NAMAN! WOW TALAGA! GALING MO DIN, 'NO?!" Wala na akong pakelam kung pagtinginan kami ng tao. Ganito talaga ako kapag nadadala ako ng emosyon ko. -.- Nakakainis kasi.
"Ally, 'di ba napaliwanag ko na sa'yo... Hindi naman ako naniwala dun eh... Sak--" Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako agad. "Saka ano? Psh! Ewan ko sa'yo, Tray! Pwede bang lumayo ka nalang? 'Wag mo nalang ako lapitan? Iniwan mo ko 'di ba? O tapos ano 'to?" Tinalikuran ko siya at saka nagsimulang maglakad.
Bigla siyang sumigaw na naging dahilan ng pagtingin ng mga tao sa paligid namin pati ako, napahinto sa pagsigaw niya.
"ALLY JUSTICE LOPEZ! SORRY! SORRY DAHIL GAG*O AKO! SORRY DAHIL INIWAN KITA! SORRY KASI NATAKOT AKO! ALLY, MINAHAL KITA! AT HANGGANG NGAYON! MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA! MAGHIHINTAY LANG AKO HANGGANG SA MAPATAWAD MO KO! ALLY, NANDITO LANG AKO LAGI! I LOVE YOU SO MUCH!"
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
JugendliteraturNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...