"Ano ba kasi?" Okay, since first day, walang kwenta. Yung mga professor, nagpunta lang sa classroom para magpakilala at saka sabihin yung mga gamit na kakailanganin namin sa subject nila. Bukas na lang daw kami magreregular class. At ako, eto. Kinukulit nitong katabi ko. Ano ba kasing meron dito? O.o
"Ano bang gusto mo ha?" Humarap na ako sa kanya. Napatingin din sa amin ang mga kaklase namin since napalakas yung boses ko. Nakakairita na kasi eh.
"Ang sungit mo naman, Justice." Nang-aasar pa niyang sabi. Kanina, after ko pumunta sa canteen, nakasalubong ko 'tong mokong na 'to. Simula nun, kinukulit na niya ako uli. Argh!
"Pwede ba? 'Wag mo nga akong tawaging Justice!" Ang pangit kasi. Parang nanghihingi ng hustisya. Baduy. Saka isa pa, hindi ako sanay na tinatawag ng ganun. Ih!
"Eh ano itatawag ko sa'yo? Ally?" Napakunot naman yung noo ko don. Eh kasi mga ka-close ko lang at mga kakilala ko lang tumatawag sa akin nun. Eh hindi ko pa nga alam pangalan nito eh! Hmm. Nakakaloka naman itong lalaking 'to. ano bang balak niya? Ano bang trip niya? Bakit ba ako eh ang dami-dami naman naming kaklase! Sila na lang ang kulitin niya! >__<
"'WAG MO NGA AKONG TAWAGING ALLY! SAKA TEKA NGA MUNA.. BAKIT BA KILALA MO KO?! STALKER BA KITA HA?! NI HINDI KO NGA ALAM PANGALAN MO EH!" Ayan. Pinagtitinginan na naman kami. Eh pano naman kasi... Hay buhay naman! Bakit ba nandito ako sa klase na 'to! Ang lakas maka-BV!
"Pangalan ko ba? Hehe. Daniel. Daniel Jon Torres. Oh 'yan. Kilala mo na ako. Okay na, Ms. Lopez?" Ngumiti na naman ang loko niya! Haaaaaay! >__< Lord, please. 'Wag Niyo pong hayaan na makapatay ako. Please!
"I don't care! Tse!" Teka teka. 'Di ba gusto ko siyang makilala. Erase! Erase! Hindi ko pala siya gustong makilala! Gusto ko lang malaman kung bakit niya ako kilala! Nakakaloka kasi eh. Paano ba niya ako nakilala?! Haaaaaaay!
--
Sa wakas natapos na din ang class hours. Uwian na. Buti na lang din at parehas kami ng oras ng uwi ni James ngayon. May kasama ako at makakausap ako.
Nandito ako ngayon sa may bench malapit sa field. Tinitingnan ko yung naglalaro ng soccer. Ang cute nila. Kapag tiningnan mo, parang ang dali-dali lang mag-soccer pero hindi. Sana marunong din ako. Kaso hindi eh. Wala akong kwenta pagdating sa sports. -_-
"Ally!" Narinig ko lang na may tumawag sa akin kaya lumingon naman ako. Akala ko naman si James na. Yung magulong mokong pala. -_- Wala ba siyang balak tigilan ako?
"Umaano ka naman dito Mr. Stalker?" Umupo siya sa tabi na hingal hingal pa. Bakit ba kasi ganito 'to? Ang likot. (Well parang ako lang naman) Pero grabe siya. Siguro 16 pa lang to. Bata pa kaya ganito.
"Ikaw? Umaano ka dito? Emo ka? Hahaha." Ako? EMO? Yuck. I can't imagine. Teka, ako ang nagtatanong ah? Tapos ako yung tatanungin? Ano 'to? Lokohan?
"Ako yung nagtatanong. Hello?" I rolled eyes. Nakakainis kasi. Kukulitin na naman niya ako. Bakit ba ang tagal ni James? Tumingin ako uli sa field kasi hindi naman sumagot 'tong si Mr. Stalker. -.-
Maya-maya biglang nag-vibrate yung phone ko. Naka-silent mode ako ngayon kasi nasa school eh. Tiningnan ko naman yung phone ko para malaman kung sino yung nagtext.
**
From: James
Medyo matagal pa ako. Una ka na kaya?
**
Aww. Wala akong kasabay. Hmm. Hintayin ko na lang kaya siya? Maaga pa naman. 3pm pa lang. Ayoko pang umuwi. Nagccrave kasi ako ng cheesecake eh. :( Sino kayang pwedeng kasama? *ting* Okay, ilaw yan! -.- Eto kayang mokong na 'to? Para malaman ko na din pano niya ako nakilala.. Tama! Pero... hindi ako sumasama sa strangers! -_- Hindi naman siguro ako gagawan ng masama nito 'no? Think, Ally. Think!
"Ahhhhh... Sige, Ally." Tumayo si Mr. Stalker at ngumiti sa akin. Wala kasi akong kwenta kasama eh. Hahahaha. Pero bago pa siya magpaalam, nagsalita na ako agad.
"Pwede ka ba ngayon o uuwi ka na?" Nakatingala ako sa kanya dahil nakaupo ako at nakatayo naman siya. Para ko siyang sinasamba -_- Lol.
"Ha?" Nabigla siya sa tanong ko. Halata naman. Gusto ko kasi talaga ng cheesecake eh! Saka ayoko pang umuwi. Wala naman si Mommy. Akala ko naman magkakaron kami ng bonding ni Mommy since 2 years akong nawala. Hmm. Wala, ganun pa din pala. Workaholic pa din siya. Pero okay lang. Magkasama naman kami sa bahay kaso madalang kami magkita kasi minsan 'pag dumadating siya sa bahay, tulog na ako. Pagkagising ko naman, wala na siya. -__-
"Samahan mo naman ako. Gusto ko talaga ng cheesecake eh. Yung best friend ko kasi medyo matatagalan pa. Since kilala mo ko, gusto din kita makilala. Okay ba 'yun?" Napangiti naman siya. Tuwang-tuwa. Akala naman niya ililibre ko siya. >:) Asa! Kuripot kaya ako. Pero syempre, ako ang nagpasama kaya sige na nga! Ililibre ko na siya.
"Sige! May masarap na coffee shop malapit dito sa school. Sabi sakin ng pinsan ko masarap daw yung cheesecake dun eh." Masiyahin pala siya. Para siyang walang problema. Kapag tiningnan mo yung ngiti niya, parang feeling mo, napapangiti ka na din. Ang gaan ng buhay niya.
--
"Ang sarap ngaaaaa! Mukhang magiging regular ang pagpunta ko dito. Malapit na sa school, masarap pa yung cheesecake! Waaah! *u*" Awwww. Lumalabas yung tunay na ako. Ssh. Hindi ko mapigilan eh. Ang sarap kasi ng cheesecake! *u*
"Hindi ka naman pala masyadong masungit eh. Marunong ka din palang ngumiti." Nung pagkasabi niya nun, sumimangot na ako uli. Hahaha. Ewan ko ba. Nagiging pretender ako sa harap ng ibang tao. Gusto ko mang ipakita yung tunay na ako, natatakot ako. Ewan ko ba. Kasi kapag pinakita ko sa'yo yung tunay kong ugali, ibig sabihin nun, pinagkakatiwalaan na kita at ngayon, hindi ko alam kung ready na akong magtiwala uli. Ayoko kasing madisappoint uli. Ayokong masira na naman ang tiwala ko sa mga tao.
"May nasabi ba ako?" Sabi ni Mr. Stalker habang umiinom ng binili niyang milk tea. Hindi nga pala siyang pumayag na ilibre ko siya. Good! ^.^ Teka, ano nga uli pangalan nito? Nalimutan ko na. Tumatanda na yata ako.
"Ano nga uli pangalan mo?" Tumingin ako sa kanya. Pinagmasdan ko siya. May itsura naman pala siya eh. No, gwapo siya. Maputi, matangos ang ilong at ang ganda ng mata niya! *u* Awww. Erase! Basta okay naman yung ugali niya. Matangkad din siya.
"Daniel Jon. Tawagin mo na lang akong Dj." Okay. Daniel Jon... Dj. Bagay naman sa kanya yung pangalan niya.
"Eh bakit mo ko kilala?" Curious na curious kong tanong sabay inom ng milk tea ko.
"Ah.. Sa totoo lang.." Sobrang seryoso siya. Nakatingin siya sa akin ng diretso. As in yung parang totoong totoo yung sinasabi niya. "Fan mo ko." WHAT!? FAN?! HUH?! ARTISTA BA AKO?! FAN?! KELAN PA AKO NAGKARON NG FAN?!
Halos mabuga ko yung iniinom kong milk tea sa kanya. Naubo ako sa sinabi niya. Fan?! Huh?! O.O
"What?!" Kinuha ko yung baso ng tubig at uminom ng konti. Grabe naman kasi 'tong lalaking 'to. Fan?! What a joke.
"Fan. Reader." Reader? Uh-oh. Sa blog ko? Sh! So ibig sabihin nababasa niya lahat ng kadramahan ko sa buhay? O.o
"Sa blog ko?!" I asked. Kaya naman pala niya ako kilala eh. Reader? Gaaaah. So ibig sabihin alam niya din yung...
Ngumiti muna siya bago sumagot. "Yup!" at saka bumalik sa pag-inom ng milk tea niya. Wtf! Grabe naman 'to. Bakit naging classmate pa kita? Feeling ko tuloy nawala na ang privacy ng blog ko. Bakit kasi hindi ko pinrivate 'yun. Akala ko kasi walang nagbabasa eh. -____- Awww.
"So you mean...?" Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Psh. Feeling ko lumulubog ako sa kahihiyan dito. Grabe. -_______-
"Don't worry. You can trust me." Trust. Don't break it or I'll break you! I'm so dead. T.T
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...