ALLY'S POV
Saturday. May usapan kami ni DJ na magkikita dito sa mall tapos pupunta kami sa bahay niya. Magtutulungan kasi kami sa pagsagot ng mga problems namin sa major subject namin. Ang dami-dami naman kasi non! -.- 30 problems tapos ipapasa na namin sa Monday. Ang lakas ng sapak ng prof namin eh! Haaaay! 3pm pa lang. Iniisip ko kung nasa school pa ba si Dj pero feeling ko wala na kasi pang-umaga din yun ngayon eh! Hindi kami classmates sa NSTP class namin.
Usapan namin, dito kami magkita sa coffee shop sa may school. Tiningnan ko yung wrist watch ko. 3:09pm. Ang tagal naman nun. 3 ang usapan ha? Hmm.. Parang ita naman kausap!
Umorder muna ako kasi nagugutom na din ako. Sabi ni DJ, papakainin niya daw ako sa bahay niya pero nagugutom na talaga ako. -.- Kumakain ako nung biglang may pumasok na matangkad, maputi at mukhang masungit na lalaki sa coffee shop. Kilala ko 'to. Eto lang naman ang bestfriend-turned-suitor ko. -.-
"Ally!" lumapit siya sa table ko. Nagiging weird na 'tong si James ngayon. Ngumingiti na siya hindi kagaya dati na laging poker face. Baliw na yata 'to eh.
"James." Sabi ko naman. Nginitian ko din siya. Syempre, kahit naman suitor ko na 'to, best friend ko pa din siya. Pero awkward kasi talaga. -.- Pero syempre, kunware na lang normal ang lahat. KAHIT HINDI. -.- Hay!
"Waiting for someone?" Umupo siya sa harapan ko. Mukha siyang may lakad. Nakaporma siya ngayon, may shades na nakasabit sa shirt niya.
"Yea." Matipid kong sagot. Biglang may pumasok sa coffee shop. Sa wakas! Dumating na din siya sa wakas! Hay nako! Late! Chineck ko yung wrist watch ko at 3:17 pm na! Aba! Late na late!
Hinahabol niya yung hininga niya nung dumating sa table ko. "Sorry, late." Sabi niya tapos napatingin kay James. "Kasama mo siya?" Tinuro niya si James. Umiling ako pero biglang nagsalita si James.
"Aano kayo? Pwede ba akong sumama?" Napatingin ako kay James. What?! Sasama siya? Hello? Mag-aaral kaya kami.. Ano ba naman 'to!
"Mag-aaral kami. Magsasagot kami ng mga problems. 'Wag ka nang sumama." Nagulat sila sa pagkakasabi ko. Medyo hard kasi eh. Parang tinataboy eh sabi ko nga best friend ko pa din siya, 'di ba? Pero ano naman kasing gagawin niya don?! Mag-aaral kami. Alangan namang manuod siya ng tv edi hindi kami makakapagfocus, 'di ba?
"Sige na, Ally. Okay lang ba, pare?" DJ! UTANG NA LOOB! WAG KANG PUMAYAG! Ewan ko ba! Ang OA kasi talaga ni James ngayon. :3
"Kung okay lang kay Ally, okay na din sakin." Sabi ni DJ. Putek! Bandang huli ako pa yung magddesisyon! Ano ba dapat?!
"Sige na nga! Sumama ka na! Pero mag-aaral kami ha! Kapag na-bore ka, bahala ka sa buhay mo. Bawal mag-ingay dun! Bawal manuod ng tv! Hindi kami makakapagfocus!" Dire-diretso kong sabi sabay tayo at kuha ng bag. Sinundan lang nila akong dalawa. Nagpunta kami sa may parking lot ng coffee shop.
Huminto si Dj sa tapat ng isang red na kotse. "Sakay ka na, Ally." Lumapit ako sa kotse at saka pinagmasdan. Maganda. Mukhang pang mayaman talaga. Well meron din naman kaming kotse kaso kay Mommy 'yun eh. -_- Gusto ko nga matuto magdrive kaso ayaw nila kong turuan.
"May dala din akong kotse eh." biglang sabi ni James. Nawala sa paningin namin si James kanina kasi pala tiningnan niya yung kotse niya na nakapark sa kabilang side.
"Sabay ka na sakin, Ally." offer ni James. Shit. Kanino ba ko sasabay? -.- Putek naman.
"Kay Dj nalang ako sasabay. Sundan mo na lang kami." Binuksan ni Dj yung pinto ng kotse. Eh kung hindi naman dumating si James, kay Dj naman talaga ako sasakay eh. :3 Saka nakakahiya naman kay Dj. Grabe! Ayoko ng ganitong sitwasyon! Tssssss! -_____-
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...