"Sure ka bang kaya mo na?" Tanong ni James habang naglalakad kami papunta sa classroom ko. 1 week lang akong nakapagpahinga tapos eto na. Papasok na ako ng college. *sigh* Hindi ko alam ano yung kakalabasan. Hindi ko din sure kung kaya ko na nga ba. Balita ko kasi dito rin nag-aaral si Tray, Chloe at ang iba pa naming batchmates nung high school. Hmm..
I smiled at James. "Yes, of course! Ginagawa mo kong bata." Kinuha ko yung gamit ko sa kanya at saka naglakad paalis.
"Sure ka? Mauna na ako. Baka kasi ma-late ako. Itext mo na lang ako ha." Sabi pa niya. Daig niya pa si Daddy ha! Kung si Daddy nga, walang pakialam sa akin eh.
Nag-salute ako sa kanya at saka ngumiti uli. "Sir, yes, sir! See you!" Nagsimula na siyang maglakad paalis. Hotel and Restaurant Management ang course niya kaya dun siya sa kabilang building. Ako naman, Accountancy. Dito sa malaking building na 'to. Buti na lang malapit sa gate yung building ko. At least kapag late ako, konting lakad na lang.
Habang naglalakad ako, I saw a familiar face. "Hi, Ally. How's America?" Smiling like nothing happened, huh? Hindi ko siya pinansin at nag-diretso ako. Why should I waste my time on him? Sh.
"Ang sungit ha. Nag-America lang parang wala nang pinagsamahan." Nakangiti lang siya sa akin. As if may pinagsamahan nga kami. Magmula nung umalis ako papuntang America, wala na akong kinikilala dito except James.
Hindi ko siya nilingon. Naglakad ako papunta sa classroom ko. Masyado pang maaga para masira ang mood ko. Duh. Like hello? First day of school at sisirain niya agad? Tsh!
Nakarating na ako sa classroom ko. As expected, puro sila bata. Ako yata pinakamatanda dito. 18 years old tapos sila, 16-17. Sabagay hindi na din 'yun masama. Yung iba nagkkwentuhan, yung iba, nagccellphone or nagssoundtrip... Siguro yung iba magkakakilala na. Loner ako. :(
Actually, mahilig ako makipag-socialize DATI. Pero ngayon, medyo nawalan ako ng gana kasi... Uh! Nevermind. Basta. Mahirap magtiwala. Kung yung best friend ko nga, nagawa akong ilaglag at i-judge, ibang tao pa kaya? Hm.
Umupo ako sa chair na malapit sa may bintana. Maganda kasi yung view saka maaliwalas. Mukhang masarap mag-aral kapag ganto yung atmosphere. Kinuha ko yung earphones ko at nagsoundtrip. Masyado ba akong maaga? Eh di ba may orientation ek ek pa? Hmm...
Biglang may pumasok na lalaki. Nagmamadali. Alam niyo yung parang late na pero pagtingin niya na wala pa yung professor, napangiti siya? Para siyang bata. Tss. Tumabi siya sa akin. Napatingin ako sa kanya at pagtingin niya sa akin, ngumiti siya. As in wide smile! Creepy. -.- Ngumiti ako. Sarcastic syempre. I don't talk to strangers at ayoko din makipag-usap sa iba. Hay nako. Napapano ba ako? -.-
Nakatingin lang ako sa labas. Tapos biglang may humatak ng earphones ko kaya natanggal ito sa tenga ko.
"What the?!" Pagtingin ko, yung katabi kong ewan yung humatak. Ano bang klaseng first day 'to?!
"Kanina pa kasi kita kinakausap, hindi ka naman nakikinig!" Sabi pa niya habang nakangiti. Like duh? Bakit kami mag-uusap? Close ba kami? -.- Aish. Eto na. Nagsusungit na ako. Hindi naman kasi ako ganito dati. Super friendly ako eh. Ang hirap lang kasi talagang magtiwala kapag yung mga taong pinagkatiwalaan mo dati, sinira lang tiwala mo.
"Hindi tayo close. Bakit kita kakausapin?" Inagaw ko naman yung earphone ko. Kainis.
"Ang sungit mo pala sa personal, Justice." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Unang-una, masungit daw ako sa personal... So ibig sabihin nakikita niya ako sa picture or what? Pangalawa, he called me Justice? First time may tumawag sa akin nun ah! Mas sanay ako na Ally ang tawag sakin. Pangatlo, bakit niya ako kilala eh wala pa naman akong ID? Pang-apat... Wala na akong masabi so cancelled na ang pang-apat.
"Anong sabi mo? Anong tawag mo sakin?" Tumingin ako sa kanya with a huh-look. O.o Srsly, medyo confusing itong lalaking 'to. Baka stalker ko 'to? Oh my gaaaa. So kung stalker siya, baka alam niya yung... Hindi naman siguro.
"Wala." Sabi niya lang at saka nilabas ang earphone niya at nag-soundtrip din. So ako, inagaw ko din like what he did.
"Seryoso? Tinawag mo ba akong Justice?" Tumingin lang siya sa akin at ngumiti tapos inagaw din yung earphone niya. Hmp! Ano ba 'tong first day na 'to! Nakakabaliw! -_-
Nung nagtext naman si Tray kay James nung nasa bahay kami, tinanong ko si James kung nagkakausap sila ni Tray. Sabi niya minsan lang daw. Magkabarkada kasi si James at Tray pero medyo nagkaron ng gap sa kanila since mag best friend kami ni James at ex ko naman si Tray. Syempre nagalit si James sa ginawa ni Tray 2 years ago. Pero I guess nagkaayos na sila at nagkapatawaran. Ako na lang yata ang hindi nagpapatawad. Well, he's not asking for forgiveness naman so why should I, 'di ba? Hmmm..
---
Pinapunta lahat ng freshman sa gym so ayun. Nagpunta naman kami. Eto namang si Mr-I-Don't-Know, medyo umiiwas. Siguro natatakot na tanungin ko siya. Mwahaha! Well well well. Sisiguraduhin kong makikilala ko siya bago matapos ang araw na ito. >:)
Ayun... Ang boring lang ng program. So, tumakas ako. Tinext ko na lang si James.
**
To: James
Perez, may klase ka ba? Sobrang boring dito. Nagugutom na ako.
**
Hindi siya nagrereply so I guess may klase siya. Haaay. Wala akong kasama so ako na lang mag-isa. Bahala na kung maliligaw ako dito. Hindi ko alam kung saan ang canteen. Sssh!
Kanina pa ako ikot ng ikot pero hindi ko makita. So napagdesisyunan ko na magtanong.
"Kuya, good morning! Saan po ba dito yung canteen? Bago po kasi ako." Pero bago pa magsalita si Manong guard, may nagsalita na mula sa likod ko.
"Samahan na kita." Si Tray. Ano ba 'to! Wala ba siyang klase? Peste. Feeling naman niya okay kami.
"No thanks." Sabi ko sa kanya at humarap uli kay Manong guard. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay at nilakihan ko yung mata ko na parang nagsasabing "Ano na, Manong?"
"Ah, nakikita mo ba 'yang building na 'yan? Sa dulo niyan, dun yung canteen." Tinuro ni Manong yung building na malapit sa may building namin. Peste. Nalibot ko na lahat pero hindi ako nagdiretso kanina dun tapos dun lang pala?! -.-
"Ah, thanks, Manong!" Saka ako naglakad papunta sa tinurong direksyon ni Manong. Tumabi sakin si Tray. Medyo naiirita na ako ha.
"Galit ka pa din ba sa akin?" I didn't bother to look at him. Sh! YES! Ano ba sa tingin niya? Ganun kadali 'yun? Ganun kadali para sa akin ang magpatawad matapos niya akong iwan dahil sa isang issue na hindi totoo?! Una, hindi siya naniwala sakin. Pangalawa, nakipag-break siya without knowing my side. Pangatlo, ginirlfriend niya ang best friend ko. Tss!
"I'm sorry, Ally. Sana naman maging okay na tayo? Sana bumalik yung dati." Hindi ko pa din siya tinitingnan. Basta nasa tabi ko siya. Naglalakad kasabay ko.
"You wish." 'Yan na lang ang nasabi ko at saka pumasok ng CR. Oo, sa canteen talaga ako pupunta. Pero since napadaan kami dito sa CR at gusto kong umiwas, pumasok na lang ako dito. Ang peste kasi. Nakakainis. Nakakairita. Fffff! Sa tingin niya ba ganun lang kadali 'yun? He wish.
-----
AUTHOR'S NOTE:
Late night update. :))))))
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...