CHAPTER 12: OH NO NO NO JAMES!

35 2 0
                                    

One week na din ang lumipas simula nung ginawa namin yung mga problems sa bahay nila Dj. Simula non, kung kumilos si Dj, parang walang nangyari. I mean parang wala akong tinatanong sa kanya. Sobrang normal niya samantalang ako, eto... Napaparanoid pa din sa kakaisip. Tinatanong ko naman siya tungkol dun pero puro kabaliwan naman pinagsasasabi niya. Like nung nasa room kami nung Oral & Diagnostic English subject namin.

**

"Oy, Dj!" pabulong kong sabi habang nakatitig sa white board. Syempre baka mapansin nung prof na nagsasalita ako dito. Buti nga wala kami sa Speech Lab ngayon eh. :3 Eto namang katabi ko, seryosong nakikinig sa prof.

"Oh bakit?" sagot naman niya ng pabulong din. "Yung picture..." hindi ko alam paano ko ba uumpisahan yung pagtatanong. Hindi talaga ako makatulog dun sa picture na 'yun eh. Paano ba? Hmm.

"Oh? Anong meron sa picture?" Sabi niya lang. Wtf? Anong meron sa picture? Bakit siya may ganung picture, 'di ba? Hays! Nakakainis naman 'to. Parang wala lang, ganon?

"Bakit may ganun kang picture? I mean... Kilala mo na ba ako dati pa?" napatingin na ako sa kanya. Siya naman nakatingin pa din ng diretso sa white board. Nakikinig sa professor.

"Ahh... Ganun pala 'yun." Geh hindi niya ako sinagot. May paganun ganun pala yun pa siya. If I know, ayaw niya lang pag usapan yung sa picture kaya kunware nakikinig siya sa prof.

"Bahala ka sa buhay mo!" Medyo napalakas yung pagkakasabi ko kaya napatingin yung prof namin sa akin. "What's your problem, Ms. Lopez? Why are you shouting? Ms. Lopez, Mr. Torres, are you fighting?" Tsh! Asar. Ayan tuloy. Peste naman kasi.

"No, sir." sagot ko naman sabay yuko. Eto naman kasing si Dj! Para tinatanong ko lang eh! -.-

**

Bakit kaya ayaw niyang mag-explain? Madami na siyang utang sakin na explanations ha! Una, yung pano niya nahanap yung blog ko... Pangalawa yung picture. Haaaaaaay.

PE namin ngayon. :/ Nakakairita kasi gymnastics. At dahil wala ako sa mood, hindi ako papasok -.- Yeah. Bad girl. Hmmm. 3 hours 'yun kaya magpupunta na lang ako sa mall. Wala yata akong makakasama kasi wala na akong gana kasama si James dahil nga sa panliligaw niya. Iiwasan ko muna din si Dj kasi hindi ko siya makausap ng matino. Nakakainis. -.- Ako na nga lang mag-isa. Kaya ko 'to.

Naglalakad ako papunta dun sa sakayan kasi wala yung driver namin ngayon. Umuwi sa probinsya nila kasi may sakit yung anak niya. Sana lang maging okay na yung anak niya. Habang naglalakad, feeling ko may sumusunod sakin... Lumingon ako pero wala naman pala.

Sh*t. May sumusunod talaga sa akin, nararamdaman ko. :3 Lumingon ako uli pero wala pa din akong nakita. Aish! Napaparanoid na ba ako o nababaliw o ano? Ano ba 'tong nangyayari sa akin? -.-

Sumakay na lang ako ng taxi kesa mag-jeep ako para mawala na yung feeling na may sumusunod sa akin. "Manong sa SM po." ayun. Pinaandar niya na yung taxi at ilang minutes lang, nasa SM ako. Nagpunta muna ako sa National Bookstore. Haaay. Eto na naman. Naisip ko na naman yung picture. Naniningin ako ng mga bagong books nung biglang naramdaman ko yung pagvibrate ng phone ko.

INCOMING CALL...

DJ Torres

Napansin siguro na nag-cut ako ng klase. Sinagot ko na lang...

"Hello?"

"Bakit ka nag-cut ng klase? Bad girl ka. Hahahaha." Aba't tumawa pa? -.- Lakas ng trip nito ah.

YOU'RE TOO LATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon