Ang tahimik ng paligid. Nakahiga lang ako ngayon. Nakatingin sa ceiling ng kwarto ko, yakap ang paborito kong unan. Hindi ako makatulog. Napatingin ako sa orasan na nasa table ko. 12:08 am na. May pasok pa ako bukas. I mean mamaya. Saturday na. Hindi ko pa din kasi maisip kung tama ba yung ginawa ko kanina. Tama ba? Haaaaaaay. Hindi ko alam.
Pinikit ko yung mga mata ko. Inisip ko yung mga nangyari kanina. I found myself standing in the field with James, Chloe, Dj and other students. I can hear the laughter and the noise. Hmmm.
Nasa utak ko pa din yung nangyari kanina. Kahit gusto kong idilat ang mga mata ko at isipin na panaginip lang 'yun, hindi ko magawa. Hindi na mababago ang nangyari na. Sssshhh.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Umupo sa upuan sa may table at binuksan ang laptop ko. Nag-sign in ako sa blog site at saka nag-blog...
**
What a surprising day!
Pinapunta ako ni James sa field kanina (kahapon dahil Saturday na)... Matagal din kami hindi nagkausap at hindi nagkita. Mga one week siguro? Hindi ko din sigurado. Para sa akin matagal na 'yun. Best friend ko 'yun eh. Halos magkapalit na nga kami ng mukha kasi lagi kaming magkasama. Kaso bigla na lang siyang hindi nagparamdam sakin after nung nangyari sa park. Hindi ko nga alam ano nangyari nun. Basta may sinabi siyang word na hindi ko narinig tapos umalis na siya. Haaaay.
As I've said, pinapunta ako ni James sa field. I thought makikipag-ayos na siya sakin pero nagulat ako kasi sabi niya, "I don't want us to be best friends." Masakit. Nagulat ako. Ayoko talaga ng feeling na iniiwan o naiiwan. Lalo na kung si James. Para ko na siyang kapatid eh. Sobrang importante siya sa akin. Siya yung naging kakampi ko nung *alam niyo na*. So after nung pagddrama ko, hinarap ako ni James sa kanya. I was surprised to see 9 people with bond papers glued on their uniform with the words, "'Cause I want us to be more than that." Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I don't want to reject him kasi parang nakakahiya naman. Nag-effort siya! Knowing James, hindi siya mageeffort ng ganyan sa isang babae. I must be pretty special! Aww.
What I did was whispered in his ears and said, "Pwede ba tayo mag-usap? Dun sa mas private?" Hindi ko na siyang hinintay sumagot. Hinatak ko siya paalis sa mga tao at dinala siya sa coffee shop malapit sa school. "Hindi ko gustong i-reject ka, James. You know how special and important you are to me. Kaso hindi ko yata kayang isugal yung friendship natin kapalit ng isang relasyong walang kasiguraduhan. And besides, alam mo na takot pa ako sa relationships. Takot akong magtiwala dahil takot akong masaktan! It's not that I don't trust you. It's just that I don't know if I can still believe that a guy cannot break my heart." Nagtuluy-tuloy ang pagsasalita ko nun. Hindi ko alam kung nasaktan ba siya sa sinabi ko or what. Hindi ko malimutan 'yang mga nasabi ko kasi paulit-ulit ito sa isip ko. Iniisip ko kung tama ba yung pagkakasabi ko o naoffend ko ba siya. I really don't know.
After that, tumahimik lang si James. Silence took place. After i-don't-know-how-many minutes, tumingin siya sa akin... "I won't break your heart. I promise." "Promise is such a big word, James." Hindi ko alam pero bigla na lang 'yan lumabas sa bibig ko. Nakita ko siyang nag-smirk. "I won't give up." Bigla siyang tumayo at saka iniwan na naman akong mag-isa.
Hindi ko alam kung anong meron sakin. Bakit nagustuhan ako ng best friend ko? Si Tray nga, iniwan ako eh. Tapos siya, nagustuhan ako? Sa kabila ng... Haaaay. It was a very surprising day! Tsh.
**
Magsisignout na sana ako para itry kung makakatulog na ako kaso bigla kong naalala yung comment nung nagpunta kami ni James sa park... Remember? Yung dahil matagal mag-load, hindi ko na nabasa.
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...