"Daig mo pa yung nalugi. Anong meron?" Humarap ako sa kanya at inirapan ko siya. -__- Wala na naman ako sa mood. Nakakainis kasi.
"Wala kang pakelam!" Nakapangalumbaba pa din ako. Ang tagal naman ng professor namin. Sana 'wag na siyang dumating. College Algebra ang subject namin ngayon. Sana 'wag na talaga siyang dumating kasi nagugutom na ako. 10am pa lang naman pero gutom na ako. Hindi kasi ako nag-breakfast eh. -__-
Iniisip ko pa din kasi yung kagabi. Hindi na kasi nagpunta ng bahay si James after niya akong iwan sa park. Hindi din nagrereply sa mga messages ko. Ang baliw talaga nun.
"Sungit! Akala ko ba okay na tayo?" Napatingin ako sa kanya with raised eyebrow. Parang ganito oh. ~_^
"Okay? Hindi pa tayo close." Nag-grin siya. Argh. Nakakainis naman 'to. Sabi ko naman na 'wag niya akong kukulitin kapag bv ako. Nako!
"Madami na nga akong alam sa'yo eh. Saka 'di ba sabi mo nga kagabi nakakatuwa ako e!" Ngumiti siya. As in wide smile! Aish! Nagbasa na naman siya sa blog ko! Sinasabi ko na nga ba eh! Kapag ako nainis, magddeactivate ako. Dejk! Hindi ko kaya 'yun 'no!
"Kapag ako nalaman ko kung paano mag-private, magpprivate ako!" Pananakot ko pa. As if naman matatakot siya. Hahaha. Ang mga stalker, gagawa ng paraan para lang makapang-stalk 'no! I know that! I was once a stalker. Waaaaht? Hahaha.
"Try mo. Akala mo naman makakapagtago ka pa sa akin." dagdag niya pa. Edi sige. Kabog niya na ang best friend ko sa dami niyang alam. *ting!* Hindi kaya nagseselos si James kay DJ kasi magkasama kami kahapon? Eh kaso bakit naman siya magseselos? Parang baliw naman kapag ganun. Ano ba 'yan... Naisip ko na naman tuloy yung kagabi. Baliw na yung si James.
Sasagutin ko na sana si Dj kaso biglang pumasok yung professor namin. Sh! Wrong timing.
"Good morning." Tumayo siya sa platform at saka nag-cross arms. Lalaki nga pala 'tong prof namin. He is... Uh... Uh... Ano nga uli pangalan? Hindi ko kasi sinulat pangalan niya kahapon eh. Hahahaha!
"Good morning, Professor Valerio!" Para kaming high school students -_- Ang pinagkaiba lang, sa high school, tumatayo kapag naggreet ng teacher. Dito, nakaupo lang. Parang ang rude pero wala. Ganito talaga.
"Anyway class, may bagong student na nalipat dito sa klase niyo. Ms. Lim?" Lim? Well hindi naman siguro siya si...
"CHLOE?!" O.O
"Hi, Ally." and then she grinned at me. -____-
-----
Great. Classmates kami. Oo nga pala. Sabay naming pinagplanuhan na mag-take ng Accountancy. Pero teka? 'Di ba dapat 2nd year na siya? Weird. Bumagsak?
Nandito ako ngayon sa canteen. A-L-O-N-E. Paano naman kasi si James, hindi talaga nagrereply. Problema ba nun? Nakakainis. Tapos kanina pa ako gutom kaya eto. Kumain na ako kahit na 30 minutes lang ang vacant ko. Mamaya pa kasi yung lunch ko. 1pm pa eh hindi ko na kayang tiisin. Haaay.
"Surprised?" Umupo siya sa harap ko at saka ngumiti. Fake smile. -_-
"What's up?" Sabi ko, kunwari walang nangyari at kunwari okay kami. Hmmm...
She just stared at me and it's irritating. Hindi ako makakain ng maayos! Nakakainis talaga. Haaay.
"Ally!" Savior! Joke. Buti dumating 'tong si Mr. Stalker. Iligtas mo ko kay Chloe! Ayokong ma-bv. I mean, ayoko madagdagan ang bv ko. Aish.
"Oy, Dj!" Ngumiti ako sa kanya. Siya naman, umupo sa tabi ko.
"Oy classmate!" Sabi naman niya kay Chloe. Kung pwede lang bulungan 'tong si Dj na 'wag kausapin si Chloe, haaaaay!
"Hi." bati naman ni Chloe sa kanya saka inabot ang kamay nito. Sige. Kayo na lang ang mag-usap. Aalis na lang ako.
Nag-shake hands sila at nag-usap na parang hindi ako nageexist. Ge! Ayos 'yan.
"Excuse me. Mauuna na ako." Tumayo ako at saka kinuha yung bag ko. Tumingin uli sa kanila at ngumiti.
"Sabay na ako sa'yo." Tumayo na din si Dj. "Una na kami sa'yo! Babye!" Sabi niya naman kay Chloe. Natatawa ako sa kanya. Yung tono niya kasi parang makulit na bata. Hahaha! Nangiti ako pero syempre hindi ko pinakita kasi... Wala lang. Hahaha.
Naglakad kami ni Dj pabalik. Nakatahimik lang ako. Siya naman, ewan. Hindi ko alam. Nakayuko lang ako eh.
"Siya yung best friend mo 'di ba?" Tanong niya habang nakatingin sa sapatos niya. Minsan ang awkward din nito kasama. Kasi ang dami niyang alam sa akin tapos ako wala akong alam tungkol sa kanya.
"Uhm, dati." Sabi ko. Umupo muna kami dito sa bench. 15 minutes lang pala ang tinagal ko sa canteen kanina? Wow. So may 15 minutes pa.
"Wala ka bang balak makipag-ayos?" Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin sa fountain.
"Bakit ako ang makikipag-ayos? Siya ang mali." Tumingin siya sakin at ako naman, umiwas ng tingin. Actually, medyo ang strange ng feeling makipag-usap sa kanya. Ang dami niyang alam. Parang feeling ko nga mas kilala niya pa ako kesa mas kilala ko ang sarili ko.
"You know what Ally... Life's too short. Dapat lagi lang tayong masaya. Dapat iwasan natin yung mga away at hindi pagkakasundo. Malay mo kasi bukas o sa isang bukas wala na yung taong 'yun. O kali wala ka na... Hindi mo maa-undo yung mga nangyari na pero pwede mo pang maayos." Ang seryoso niya. Nakatitig ako sa kanya. Siya, malayo ang tingin. Bakit ganito magsalita 'to? Para siyang may pinagdadaanan... Pero napaisip ako sa sinabi niya. May point kasi eh.
"So what do you mean?" Seryoso pa din siya. Bigla siyang tumingin sakin at ngumiti. Something's wrong with that smile.
"What I mean is 'wag mong sayangin ang oras. Malay mo pwede pang maayos yung sa inyo ni Chloe." Bigla siyang tumayo at nag-inat.
"Tara na nga! Bumalik na tayo. Baka ma-late pa tayo sa next class natin!" Tumayo ako at saka sumunod sa kanya. May serious side din pala 'tong lalaking 'to. Akala ko puro lang siya kakulitan at kalokohan. Akala ko puro lang ngiti at tawa ang ginagawa niya at sinasabi niya. May sense. May point. Saka medyo nakaka-curious siya. I feel like I want to know him more...
-----
AUTHOR'S NOTE:
Gusto niyo bang makita si Daniel Jon? Tingnan niyo yung picture sa gilid →→
Salamat sa pagbabasa. Vote vote din pag may time. XD HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...