It has been a month since then. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Grabe! Yung best friend ko na dati, natatakbuhan ko, naiiyakan ko kapag may problema, nasasabihan ko ng lahat-lahat, naging parang suitor ko na. Nakakapanibago. -__-
Thrice a week, nagpupunta si James sa bahay, may dalang kung anu-ano. Nung isang araw, may dala siyang roses. Last week, may dala siyang cake. Sabi ko naman sa kanya, ayokong masayang yung friendship namin eh. Hay buhay!
Eto namang si Dj, medyo weird. Minsan na lang nangungulit. Kung dati, makulit siya buong araw, ngayon, half-day na lang. Hahaha. Pero lagi pa din kami magkasama. Madami na siyang nalalaman tungkol sa akin pero ako, wala pa ding alam tungkol sa kanya. Nakakainis. >.<
"Hoy, Ally!" napatingin ako kay Dj. Nandito kami ngayon sa field. Vacant namin eh. Hindi naman talaga namin vacant. Wala kasi yung prof namin, absent daw. Major pa naman namin 'yun. :3
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Yung parang sinasabi ko, "What?" Ngumiti naman siya as malaking ngiti. Yung nakakalokong ngiti. -__- Eto na. Mangungulit na 'to.
"Are you thinking what I'm thinking, B1?" After niyang sabihin 'yun, natawa ako. Hahaha! Eh kasi ang corny! Hahahaha. Like duh! B1? B2? Remember that show? Banana's in Pajamas? HAHAHAHAHA. Nakakatawa talaga. Saka sa pagkakasabi niya kasi, nakangiti ng nakakaloko tapos nanlalaki pa yung mata. Hahahaha! Grabe.
"Bakit ka tumatawa?" sabi ni Dj. Nag-pout pa. Akala niya naman cute siya. Oo na nga! Cute na siya! Hahaha.
"Hahahaha! Wala! Wala! Ang luma naman ng line na 'yan! Hahaha! Banana's in Pajamas? Ohmy! Hahaha!" Natawa nadin siya sa akin. Para kaming baliw dun. Tawa kami ng tawa kahit ang corny. Hahaha.
"This is the first time." Napatigil ako at humarap sa kanya with a huh look.
"Na nakita kitang tumawa ng ganyan." Nagsmile siya sakin. Yung masayang smile. Yung smile na parang masaya siya para sa akin. Lumiit kasi yung mata niya sa smile na 'yun. Ang cute niyang tingnan ng nakangiti. Hindi ko pa naman siya nakikitang nakasimangot o nalulungkot eh. Pero seriously, ang cute niya tingnan.
Nginitian ko din siya. Oo nga, first time yata 'to. Kahit isang bwan mahigit na kaming classmates, hindi pa niya yata ako nakikitang tumawa ng ganon. Ang sama ko nga sa kanya eh. Lagi ko nalang siyang sinusungitan at tinatarayan. Buti nga hindi 'to umaalis eh. Siguro kung iba 'to, napikon na sa akin.
"Sorry nga pala, Dj ha." Tumingin ako sa field. Malayong tingin. Pero siya, ramdam ko na nakatingin siya sakin. Tahimik na nakikinig sa akin. Parang hinahayaan niya ako magsalita. Ganun.
"Kasi lagi na lang kitang nasusungitan.. Alam mo kasi.. Hindi ko na talaga alam paano pa ko magtitiwala sa lalaki.." Nag-sigh ako. Nalulungkot ako sa nangyayari. Gusto kong magtiwala uli kaso natatakot akong maiwan. Natatakot akong maloko. :(
"Alam ko..." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Ficção AdolescenteNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...