Isang linggo na din ang nakalipas. Hindi pa din kami nag-uusap ni James. Hindi siya dumadalaw sa bahay, hindi siya nagtetext, hindi niya sinasagot yung tawag ko, hindi kami nagkakasalubong o nagkikita sa school. Namimiss ko na siya pero wala eh. Hindi ko alam anong nangyayari sa kanya. Hindi ko pa din alam kung ano yung sinabi niya sa akin sa park nung huling gabing nagkasama kami. Nagtatampo kaya siya sa akin? Hmm.
Si Dj naman, eto kasama ko. Nandito kami ngayon sa canteen, kumakain. Lunch break kasi namin. Medyo nagiging close na din yata kami? Ewan ko. Napapadalas kasi yung pagsasama namin at pag-uusap. Syempre kasi updated siya sa buhay ko kaya ganun. Minsan gusto ko na nga gumawa ng bagong blog para hindi na niya malaman kaso wala pa din. Ayoko naman maggawa ng bago dahil lang may nakakita at nakabasa na ng blog ko.
Madami na siyang alam sa akin pero ako, wala pang alam sa kanya kundi ang pangalan niya at kung saan siya nakatira. Ni hindi ko nga alam kung ilan taon na ito! Whoa. Speaking of... Bakit hindi ako magtanong? Nice idea!
"Oy! Ilang taon ka na?" Napatingin siya sa akin. Binaba niya ang hawak niyang tinidor. Kumakain kasi siya ng lunch niya.
Bago siya sumagot, nagpunas muna siya ng bibig niya na walang dumi. Strange. "18." saka ngumiti ng abot-tenga.
REACTION KO: O.O
So ibig sabihin magka-age lang kami? Wow. All this time akala ko 16 lang siya kasi sa behavior niya. Hindi pala. Eh bakit ngayon lang 'to nag-college?
"What? Eh bakit ngayon ka lang nag-college? O bagsak ka? O nagshift ka?" Gulat na tanong ko. Kinuha ko yung bote ng mineral watter at saka uminom. Grabe. Hindi ko 'to inexpect. Ha-ha. Akala ko kasi talaga 16 pa lang siya. Kung may namamatay sa akala, patay na sana ako. LOL.
"Hindi ba halata? Mukha kasi akong bata kasi gwapo ako." Nag-pogi sign pa siya. The nerve! Ang taas ng self-confidence niya ha! Asa naman siya. Sa behavior niya kasi... 'Di ba?
"Sira! Kung umasta ka kasi para kang 16 year old." I rolled my eyes. Feelingero. Kapal ng mukha. Lagi kaming ganito. Magtatanong ako tapos walang kwenta sagot niya. Kaya lagi ko siyang nasusungitan eh. Wala kasi siyang sense kausap. Puro kalokohan.
"Magsungit ka pa. Hahahaha. Joke lang naman eh! Sungit mo! Eh kasi galing akong abroad kaya late na ako nakapag-college." Napatingin ako sa kanya. What? Coincidence ba 'to? Parehas pa kami ng reason kung bakit kami late nag-college. Tumaas yung balahibo ko sa kanya. Nakakatakot 'tong lalaking 'to. Baka naman super major stalker ko siya? Joke lang. Medyo feelingera din ako. ^.^V
"Saang bansa ka galing?" Nilagay ko yung kamay ko sa table. Yung parang gustong makinig sa magkkwento. Ganun. Basta. Hirap explain eh. Imagine'in niyo na lang.
"Secret!" sabay inom naman niya ng orange juice niya. Sh! Bakit ba nagtatanong pa ako. Puro naman kalokohan 'to. Yung itsura ko kanina na mukhang interesadong interesado malaman, naging ganito → (-___-) Nakakainis kasi. Alam niyo 'yun. Gusto mong malaman pero sasabihin SECRET. Sino bang matutuwa dun.
"Hala! Napikon ka na naman! Joke lang naman. Sa---" Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako.
"Whatever! I'm not interested, anyway." Inirapan ko siya. Kainis kasi. Kahit na gusto kong malaman kung saan siya galing, 'di na bale. Hindi na ako interesado. Kahit galing pa siya ng Pluto, wala akong pakelam.
"Sunget." narinig kong sabi niya. Hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at saka chineck kung may messages ba ako. To my surprise...
**
FROM: James
Punta ka ng field. May ginagawa ka ba?
BINABASA MO ANG
YOU'RE TOO LATE
Novela JuvenilNaranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging manhid dahil sa takot mong masaktan ulit? Pero paano kung siya na nga talaga? Paano kung siya na yung hinihintay mong magbabago ng paniniwala mong "Pare-pareho...