Shin POV
Pagkatapos mong marinig ang sabi ni Yeng sayo. Hindi mo maiwasang maalala ang nangyari three years ago. Umalis ka noon ng Pilipinas para i-pursue ang career mo sa London. Kinakabahan man pero ginawa mo pa rin dahil na din sa suportang ipinakita sayo ng iyong mga kaibigan. Abot kamay mo na ang iyong pangarap pero may mga bagay sayo na mas importante kaysa kasikatan.Flashback-- 3 years ago (London)
Kakatapos lang ng rehearsal mo sa Miss Saigon West End Revival ng makita mo ang 30 missed calls galing kay Yeng. Nagtataka ka kung bakit ganun karami ang missed calls mo sa kanya. Minsan lang tumawag ng ganoon karami si Yeng kaya alam mong may problema doon. Kaya napagdesisyunan mong magreturn call pagbalik mo sa unit na tinitirhan mo doon.To Yenggay:
Sis, just done with my rehearsal here. I am going home now. I am bit worried with your 30 missed calls. I know there is a problem there. Wait for me. I will call you back.Dali-dali kang umalis sa kung saan kayo nag-rehearse at umuwi na sa condo unit mo. Pagdating mo doon, dali-dali mong dinial ang numero ng kaibigan.
"Hello sis!"- Bati mo agad sa kabilang linya.
"Si--ss! Si Sarah."- Umiiyak na bati sayo ni Yeng.
"Yenggay, anong nangyari? May nangyari ba kay Sarah? Teka, umiiyak ka ba?"
"Umalis si Sarah. Hindi namin alam kung saan siya pumunta. Nagbakasakali kami sa Charbel pero wala din doon." Humihikbing sagot ni Yeng sayo.
"Baka naman may pinuntahan lang. Wala namang pupuntahan si Sarah. Baka nasa bahay natin."
"Nandito kami ngayon sa bahay, wala din. Dinala na namin ibang gamit ni Sarah dito. Yung naiwan niya sa condo. Wala doon mga damit niya kaya alam kong umalis siya. Tsaka nagtext siya sa akin eh, nagpapasalamat na animo'y magpapaalam." Sabi ni Yeng.
Napahawak ka na lang sa iyong ulo dahil mukha ngang umalis si Sarah. Naalala mo nga na sa mga nakaraang linggo, madalang kung magparamdam sayo si Sarah. Alam mong may tinatago na namang problema ang kaibigan. Bumalik ka sa kasalukuyan ng marinig mo ang boses ni Christian. Tinatawag si Yeng na si Matteo na daw nakasalang. Mukhang guest si Matteo sa The Buzz kaya hindi mo na muna binaba ang telepono bagkus nakinig ka na lang. Matapos ang pakikinig sa buong interview ni Matteo, isa lang ang hindi maalis-alis sa iyong utak.
"Yes. Sarah and I had broken up last month."
Paulit-ulit yun sa ulo mo. Dahil sa narinig, dali-dali mong pinatay ang tawag kay Yeng at pumunta sa kwarto. Inayos mo ang iyong mga gamit sa iyong bag. Pagkatapos mong masiguro na wala ka ng naiwan, nagpa-book ka ng flight papuntang New Zealand. Pati na din ang flight ni Yeng, inayos mo na. Alam mong nasa New Zealand si Sarah ngayon dahil isang beses na nagkukwentuhan kayo, nasabi niyang gusto niya sa tahimik na lugar katulad ng New Zealand. Ngayong nalaman mo na may problema siya, alam mo na doon siya pupunta. Papunta ka na ng airport ng maalala mo si Yeng.
"Sis, mag-ayos ka ng mga gamit mo. Magkita tayo sa New Zealand. Ayos na flight mo. Mauuna ang dating ko doon. Hihintayin kita sa airport. Papunta na akong airport ngayon." Bungad mo agad sa kabilang linya.
"Teka? New Zealand? Anong gagawin natin doon? Di ba may rehearsal ka pa diyan?" Gulat namang sabi ni Yeng sayo.
"Mas importante sa akin si Sarah, Yeng! Sige na, andito na ako sa airport. Magkita na lang tayo doon. Ingat ka sis! Paki-Hi ako sa boys." Paalam mo na lang dito.
Hindi nagtagal at tinawag na din ang flight mo. Pagkaupo mo sa eroplano, binuksan mo agad ang iyong facebook at twitter. Magbabakasakali kang baka may message si Sarah sayo o di kaya'y online ito. Napailing ka na lang ng makita mong deactivated ang dalawang account nito. Hindi mo maiwasang mapaluha dahil sa pag-alala sa kanya. Nakakabatang kapatid mo na siya kung ituring. Pareho kayong nanalo sa singing contest. Magkasama sa lahat ng concert tour abroad. Hindi naging hadlang ang pagkukumpara sa inyo ang pagkakaibigan niyo. Naalala mo ang mga panahong magkasama kayong nagtatawanan, nagkukwentuhan at nagsha-shopping. Bumalik ka lang sa iyong ulirat ng sabihin ng flight attendant na nasa New Zealand na kayo. Hinintay mo si Yeng sa coffee shop ng airport. Makalipas ang tatlong oras ng makita mo siyang papalapit sayo.
"Sis, sorry kung pinamadali kita. Naalala ko lang kasi ang pag-uusap namin ni Sars tungkol dito eh. Magbabakasakali na lang tayo na makita natin siya." Sabi mo sa kanya.
"Naiintindihan ko, Sis. Alam kong nag-aalala ka din at alam kong nangako ka kina Tita na hindi mo pababayaan si Sarah. Susunod din ang boys dito." Sagot naman ni Yeng.
Tumango ka na lang sa kanya at sinabing magpahinga na lang muna kayo sa malapit na hotel doon at bukas niyo na sisimulang hanapin si Sarah.
End of Flashback...
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanfictionHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...