Chapter 16

2K 25 8
                                    

Sarah POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa araw na ito. After four years, andito na siya ulit. Andito na ulit si Matteo. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko---matuwa, magalit o malungkot. Pero isa lang ang sigurado ako, siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Mahal na mahal ko pa rin si Matteo Guidicelli. Apat na taon na ang nakalipas pero siya pa rin. Marami ang nagtangkang manligaw sa akin pero hindi ko maramdaman yung spark sa kanila. Ngayon, alam ko na. Sabay buntong hininga ng malalim na naging dahilan para mapatingin ang barkada sayo.

"Okay ka lang, Sars?" Tanong ni Christian sayo.

Tinanguan mo lang siya at sumandal sa bintana. Nakatingin lang ang iba sayo pero hindi na umimik. Pagdating sa bahay, kanya-kanya kayo ng gawain. Pero ikaw mas pinili mong mag-swimming. Samantala, ikaw naman ang pinag-uusapan ng iyong barkada.

"Okay lang ba talaga si Sarah?" Untag ni Mark kina Christian, Erik at Yeng.

"Sa tingin mo okay lang siya, eh nandito na si Matt. Syempre hindi." Sagot ni Erik.

"Eh wala na naman sila ni Matt." Sabi ni Mark.

"Wala na nga sila pero si Matt pa rin ang nilalaman ng puso niya." Sagot ni Yeng.

Erik POV
Tumahimik na lang kayo sa sinabi ni Yeng. Dahil alam niyong may katotohanan ito. Araw-araw niyong kasama si Sarah at napaka-transparent pa. Ilang beses niyo itong nakitang natutulala at walang imik. Bumalik na lang kayo sa kasalukuyan ng magsalita si Shin.

"Oh, bakit kayo lang nandito? Nasaan si Sarah?" Tanong ni Shin.

"Swimming." Tipid na sagot ni Christian.

Hinayaan niyo na lang muna si Sarah at tinuloy niyo na lang ang kwentuhan niyo. Pinag-usapan niyo na lang ang pagbabalik ni Matt sa bansa at ang nangyari sa ASAP kanina.

"Bakit kaya napagdesisyunan ni Matt na umuwi na dito noh? Matagal na panahon na din ang nakalipas. Akala ko nga doon na talaga maninirahan yun eh." Sabi mo sa barkada.

"Kayo magkausap ni Matt kanina, di mo tinanong?" Si Mark.

"Hindi eh. Ang pangit namang tanungin ko siya na Oh Bro! Bakit kayo bumalik dito?" Sagot ni Erik.

"Bitter lang Kuya? Hahaha! Pero oo nga noh? Bakit kaya?" Sagot naman ni Yeng.

"Pero infairness, ang gwapo pa din ni Matt tsaka si Paolo, ang laki na niya. Sobrang gwapo din." Christian said.

"Pinagpantasyahan nga yan ni Yenggay eh. Hahaha!" Shin told them.

"Uy Ate Shin! Walang ganyanan. Naku-cute-an lang ko kay Paolo." Depensa naman ni Yeng.

"Yenggay lubayan mo yung bata. Maawa ka. Gagawin mo pa siyang yayo pag matanda ka na." Dugtong mo dito.

Napuno ng halakhakan at harutan ang hapon niyo. Natapos na kayong magkwentuhan at magmeryenda, hindi pa din umaahon si Sarah sa swimming pool. Kaya napagdesisyunan mong puntahan ito sa pool.

"Sars, meryenda ka muna. Kanina ka pa diyan." Tawag mo sa kanya.

Hinayaan mo munang maubos niya ang kanyang kinakain bago mo siya kinausap.

"Okay ka lang, Sars?"

"Okay lang po ako Kuya." Sagot ni Sarah sayo.

"Alam mo Sars matagal na tayong magkaibigan. Sabay tayong nangarap. Alam ko kung may problema ka or wala. You can tell me everything." Pag-oopen up mo dito.

Lumipas ang ilang minuto at namutawi ang katahimikan sa inyong dalawa. Hinihintay mong magsalita si Sarah habang siya naman ay malayo ang iniisip.

-------
Hi guys! I know its been ages since my last update. I was busy in school last March. I was also busy voting on Big Apple Music Awards. I hope you also vote Sarah on BAMA. It will be an honor if we can get the trophy. Lets help each other to win. I can't promise that I will update regularly. But rest assured, I will complete this. Thank you for supporting my fanfic! 😊

One Great Love (AshMatt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon