Nakalipas ang ilang araw at hindi na nila pinag-usapan ang nangyari. Trabaho-cafe-bahay. Iyon ang routine nila araw-araw. Hindi maiwasan ng barkada ang mag-alala kay Sarah pero ipinakita naman ng huli na okay siya.
Si Matteo naman ay nakapag-adjust na din sa buhay niya. Back to normal na ulit. Hindi niya maiwasan isipin ang taong hanggang ngayon ay mahal na mahal niya.
Matteo POV
Kararating lang niya galing sa photoshoot ng isa niyang endorsement. Naabutan naman niyang tulog ang kapatid sa sofa. Nakatulugan na niya ang panonood ng TV. Nilipat niya ito sa kwarto para makatulog ito ng maayos. Nagprepare na lang siya ng kanilang dinner. Hinahain niya ang kakainin nila ng dumating si Paolo."Good evening, Kuya!"
"Hey lil bro! Dinner na tayo."
"Okay po."
Tahimik na kumakain ang magkapatid. Iniisip pa din ni Paolo ang nasabing interview ng kanyang Kuya.
"Kuya?" Tawag ni Paolo kay Matt.
"Yes?" Sagot ni Matt habang nginunguya ang kinakain.
"Totoo po ba?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Paolo sa kanya.
"Yung alin?" Curious na tanong ni Matt.
"Totoo po bang ako ang dahilan kung bakit naghiwalay kayo ni Ate Sarah?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Paolo sa kanyang Kuya.
Natigilan naman si Matt sa tanong ng kapatid. Hindi niya inaasahan na matatanong siya ng kanyang kapatid sa naging relasyon niya kay Sarah noon. Napabuntung hininga siya ng malalim.
"Pao, hindi. Hindi ikaw ang dahilan. Huwag na huwag mong isipin na ikaw ang dahilan. Okay?" Sagot ni Matt habang inaalo-alo ang kapatid.
Hindi maiwasan isipin ni Matt ang naging pag-uusap nila ni Paolo. Nakalipas na ang apat na taon pero malaki pa din ang impact ng hiwalayan nila ni Sarah sa mga taong nakapaligid sa kanila at sa mga taong sumsuporta sa kanila at nagsubaybay sa kanilang relasyon. Nasa terrace si Matteo hawak-hawak ang singsing na binigay niya noon sa dalaga. Naisip niya ang nakaraan kung saan masaya ang puso nilang dalawa. Naisip niya ang mga araw na kasama ito. Napangiti siya ng maalala ang isa sa pinakamasayang araw nila bilang magkasintahan.
Flashback - 6 years ago
Madaling araw na pero nagfi-facetime pa din ang dalawa. Hindi nila alintana na may flight pa sila papuntang South Korea. Iyon ang pinili nila para doon icelebrate ang ikalawang taon nila bilang magkasintahan. Pinapayagan na si Sarah umalis ng bansa na siya lang mag-isa.
"Lovey, tulog na tayo. Antok na ko." Sabi ni Sarah na panay hikab na.
"Awwe. Antok na baby ko. Sige lovey, tulog na tayo. See you bukas! Excited na ako. I love you so much, lovey!" Sagot naman ni Matteo.
"I love you too, lovey! Thank you. Goodnight mahal!" Sabi naman si Sarah at nagflying kiss kay Matteo bago pinatay ang iPad.
Enjoy na enjoy si Matteo at Sarah sa naging bakasyon nila sa Korea. Pasyal dito, pasyal doon. Kain dito, kain doon. Siyempre hindi mawawala ang picture dito at picture doon. Masayang-masaya sila dahil nakasama nila ang isa't-isa.
Huling gabi na nila doon at naisipan ni Matteo i-surprise ang kasintahan. Pinakiusapan niya ang manager ng hotel kung saan sila namalagi kung pwede siyang magset up sa rooftop nila. Pumayag naman ang mga ito. Pagkatapos maiayos ang dapat ayusin sa taas. Tinawagan niya ang kasintahan.
"Hi Lovey!"
"Lovey, ikaw pala. Nasaan ka? Hindi ba tayo lalabas ngayong gabi?"
"Nope lovey! Papunta ako diyan sa room mo."
"Oh okay."
Makalipas ang ilang minuto...
Tok.. Tok.. Tok..
Binuksan ni Sarah ang pintuan at napanganga dahil naka three-piece suit ang kasintahan.
"Ang gwapo naman ng Lovey ko. Teka, bakit ka nakaganyan ha?"
"Pwede ka bang i-date ang most beautiful girl in the world?"
"Ahruuu.... Pasok ka muna lovey. Bihis lang ako. Sana sinabihan mo ako para nakaayos ako ng maaga." Sabi ni Sarah habang nagpa-pout.
"Ang cute-cute mo talaga! Pa-kiss nga ako." - Matt.
Ang dapat na smack na kiss ay naging 3 minutes. Kung hindi pa kinurot ni Sarah si Matteo ay hindi pa ito titigil.
"Araaay ko Lovey! Napaka-brutal mo talaga." - Matt.
"Heh! Give me 30 minutes. Magprepare lang ako." Sabi ni Sarah.
"Take your time, Lovey." Sigaw ni Matteo kay Sarah na nakapasok na ng kwarto.
Makalipas ang tatlumpung minuto, lumabas na si Sarah. Suot-suot ni Sarah knee-length white dress. Pinaresan niya ito ng 5-inches white YSL heels.
Napatulala naman si Matteo sa kagandahan ng kasintahan. Hindi niya napansin na nasa harapan na niya ang kasintahan at kanina pa kinakausap.
"Earth to Matteo! Hooooooyyyy......" Tawag ni Sarah kay Matt.
"Huh? Ang ganda-ganda mo Lovey." Sabi ni Matt after makarecover sa pagkatulala at hinalikan sa pisngi ang kasintahan.
Tumuloy na ang magkasintahan sa nasabing dinner date nila. Habang sakay ng elevator, panay naman kulitan at kwentuhan ng dalawa. Hindi nawawala ang paghalik-halik ni Matteo sa ulo ni Sarah habang si Sarah naman ay panay hampas kay Matteo. Hindi namalayan ni Sarah na papunta sila ng rooftop. Nagulat ito ng bumukas ang elevator at nakita ang nakahandang surpresa para sa kanya.
Napuno ang rooftop ng nakakalat na petals ng iba't-ibang bulaklak. May nakakalat ding balloons at pictures ng dalawa.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Matteo habang iginigiya ang kasintahan papuntang mesa.
"Yes. Sobra. Ang ganda-ganda Lovey! Thank you." Ani naman ni Sarah sabay yakap at halik sa kasintahan.
Binigay naman ni Matteo ang isang bouquet ng tulips kay Sarah. Nagpasalamat naman ito at nagtuloy na sila upang kumain. Panay kwentuhan naman nila ng kung ano-ano hanggang di nila namalayan na ubos na pala ang dinner nila. Pumailanlang ang napakagandang musika at di ito pinalampas ni Matt para makasayaw ang girlfriend.
"Can I have a dance with my beautiful girlfriend?" Tanong ni Matt habang inaabot ang kanyang kamay.
Sa kalagitnaan ng pagsayaw biglang lumuhod si Matt sa harap ni Sarah. Nagulat naman ang huli sa ginawa nito
"At times I used to wonder how it has happened in my life, how I met you in my life. The turning point in my life is meeting you. You are my life, my happiness, my joy. Without you, life will be so dull and boring I’m so thankful to have you in my life. This ring symbolizes my intent to marry you some day, and one day I'll replace it with an engagement ring and a wedding band. Lovey, will you accept this promise ring?" Sabi ni Matteo kay Sarah habang nakaluhod. Nanginginig at nauutal ito habang nagsasalita.
"With all my heart, Love. Yes.. yes.. yes!!" Sagot naman ni Sarah habang naiiyak sa kaligayahan.
Tumayo naman si Matteo at nilagay sa palasingsingan ni Sarah. Nagyakapan ang dalawa habang may mga luha ng kagalakan sa kanilang mga mata.
"I love you, Lovey. Thank you.. Thank you so much!" -Matt
"I love you too. Happy anniversary, Love!" - Sarah
"Happy anniversay, Love!" - Matt
At sinakop ni Matt ang mapupulang labi ni Sarah.
End of flashback
Hawak-hawak ni Matt ang singsing na yun. Ibinalik iyon ni Sarah sa kanya noong nakipaghiwalay siya dito. Sabi nito hindi na daw ito mararapat pang nasa kanya pa ito. Wala namang nagawa ito kundi tanggapin. Nakatulugan na ni Matt na hawak-hawak ang singsing.
-----------------------------------------------------------
Till next update guys!
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanfictionHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...