Pagkatapos nilang maghapunan, niligpit na nila ang kanilang mga ginamit. Hindi sila kumuha ng mga kasambahay dahil gusto nilang maging ordinaryong tao. Sila na mismo ang naglilinis, nagluluto at naglalaba. Nasa living room na silang lahat ng marinig nila ang pangalan ni Sarah sa TV Patrol.
"Sarah Geronimo, bumalik na nga ba ng Pilipinas?"
Usap-usapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang diumano'y pagbabalik bansa ng tinaguriang Beyonce of the Philippines na si Sarah Geronimo. Kasama daw ni Sarah ang kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Rachelle Ann Go at Yeng Constantino. Matatandaang tatlong taon na ang nakakalipas ng huling makita ng mga tao ang Popstar Royalty. Nasa kasagsagan ng isyu si Sarah noong bigla itong nawala sa showbiz. Maraming lumabas na balita patungkol sa kanila ni Matteo na kanyang ex-boyfriend ngayon. Kinumpirma mismo ni Matteo ang nasabing breakup bago ito lumipad patungong Italy kasama ang nakakabatang kapatid. Samantalang si Sarah naman ay nanatiling tahimik lang hanggang kumpirmahin ng ABS-CBN na hindi na ito nag-renew ng contract at sinabi din ni Mr. Vic Del Rosario, ang manager ni Sarah na humingi ng indefinite leave si Sarah Geronimo. Ngayong napapabalitang pagbabalik ng nag-iisang Popstar, ang tanong ng karamihan, babalik na ba siya sa mundo ng showbiz?Eto ang narinig mo sa report ni Phoemela Baranda sa Aquino & Abunda Tonight. Napatingin ka sa iyong mga kaibigan na noon pala'y nakatingin din sayo. Ilang minuto din ang namutawing katahimikan sa inyo ng biglang sunod-sunod ang beep ng cellphone ng tatlong lalaki. Sabay-sabay kayong mga babae na napatingin sa mga ito. Nararamdaman niyo na may kinalaman ito sa balitang kalalabas lang. Napapitlag ka na lang sa boses ni Christian na nagsalita.
"Marami ang nagtatanong kung nakabalik ka na Sars. Mostly mga kaibigan mo sa ASAP. Pinapa-confirm nila kung totoo ang balita."
"Ganoon din sa akin." Segunda naman nina Erik at Mark.
"Handa ka na bang lumabas sa publiko Sis?" Ani Yeng.
Blangko mong tiningnan si Yeng kasi hindi mo alam ang isasagot dito.
"Ano na nga plano mo ngayong andito ka na sa Pinas, Sars? Babalik ka na ba ng showbiz?"
Umiling ka sa kanya sabay sabing "hindi ko pa alam. Namnamin ko muna ang pagbabalik ko dito. Tsaka kakausapin ko pa si Boss Vic tungkol dito."
"Alam na ba ni Boss Vic na nakabalik na tayo?" Tanong naman sa kanya ni Shin na nakikiramdam lang.
"Hindi pa. Pag-iisipan ko muna kung babalik pa ako. Wag niyo na lang muna sagutin tutal hindi pa man nila nakumpirma na nakabalik na ako dito." Sagot mo rito.
Nag-usap pa kayo ng ilang oras bago kayo nagsipuntahan sa inyong mga kwarto. Although malaki ang bahay niyo, nanatili kayong magkakasama sa isang kwarto nina Yeng at Shin. Ganoon din ang mga lalaki. May extra room lang kayo para sa mga iba niyong mga kaibigan kapag napagpasyahan nilang mag-overnight. Indeed, ang bahay niyo ay para sa magbabarkada.
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanfictionHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...