Sa sumunod na mga araw naging busy kayong magbabarkada. Ang mga boys sa kani-kanilang trabaho habang kayo naman ay sa pagpapaganda ng inyong cafe. May personal touch kayo sa lahat ng bagay doon. Pinasunod niyo ng konti ang mga designs katulad sa New Zealand pero mas pina-modern niyo pa ito. Isang buwan na lang at mag-oopen na kayo kaya todong-todo na ang preparasyon niyo. At dumating na din ang pinakahihintay niyo, makakalabas na kayong mga babae sa bahay. Magti-3 months na din kayong Team Bahay.
"Wooh! Sa wakas, nakalabas na din ako sa bahay." Sabi ni Yeng na natatawa.
"Hindi na preso ang Tres Marias!" Segunda naman ni Shin.
Tinawanan mo lang ang mga sinabi nito pero katulad nila, excited ka na rin.
Marami kayong ginawa sa Palawan. Halos lahat ata ng pwedeng gawing magbabarkada, ginawa niyo na. Ipinapakita lang doon na solid talaga ang friendship niyo. Sobrang saya mo dahil hindi ka binitiwan ng barkada kahit iniwan mo sila. Nagpapasalamat ka sa Diyos dahil sila ang naging kaibigan mo at naging pamilya. Hindi mo alam kung paano sila mapapasalamatan. Uuwi na kayo sa Manila bukas kaya sinusulit mo ang bakasyon ninyo. Nakaupo ka sa buhangin habang tanaw-tanaw ang mga tala sa taas ng biglang may tumabi sayo, ang Kuya Christian mo.
"Kuya, thank you sa pagplano ng bakasyon na to ha? Ang ganda dito. Nag-enjoy ako ng sobra." Sabi mo dito sabay hilig ng ulo sa kanyang balikat.
"Ano ka ba, wala yun! Masaya ako na nag-enjoy kayo. Lalo na ikaw. Ngayon lang namin ulit narinig ang malutong mong tawa, ang mga ngiting abot mata at ang pagiging arte bata mo. Mahal na mahal ka naming lahat. Huwag mong kalilimutan yun, ok? Andito ako para sayo. Andito ang barkada." Madamdaming sabi ni Christian sayo.
Hindi mo maiwasang maiyak dahil
sa sobrang galak na ganito sila sayo. Hindi mo na nasagot ang sinabi niya bagkus isinubsob mo na lang ang mukha mo sa dibdib nito. Umiiyak ka dahil naalala mo ang sakripisyong binigay nila para sayo lalo na sina Yenggay at Shin na iniwan pa ang career para sayo. Iniwan mo na pero hinanap ka pa rin nila. At hindi sila napagod hintayin ka kung kailan ka maging okay ulit. Talagang grateful ka sa kanila. Hindi mo namalayang nakalapit na pala sa inyo ang ibang barkada na ngayon ay nakayakap na sa inyo. Hindi niyo alam kung gaano katagal kayong nagyayakapan."Ano ba yan! Ang emo naman natin." Sabi mo sa kanilang natatawa habang pinapahid ang mga luha sa mukha mo.
"Basta Sars, andito kami palagi para sayo. Kahit ilang beses ka pang aalis ng walang paalam, hahanapin at hahanapin ka pa rin namin. Ganoon ka namin kamahal. Pero wag mo ng uulitin pa, nakakasira ng ulo eh." Sabi ni Shin.
"Thank you. And don't worry hindi na ako aalis. Promise ko yan! Hindi ko na kayo bibigyan ng problema at sakit ng ulo. Babawi ako sa inyo." Pangako mo sa kanilang lahat.
Marami pa kayong pinag-usapan hanggang sa maalala mo na may dapat ka pang sabihin sa kanila.
"Ahm guys! May sasabihin pala ako sa inyo. Babalik na ako sa showbiz. Nagkausap na kami ni Boss Vic. Tumawag ako sa kanya last week. Utang ko sa kanya ang lahat, alam niyo naman yun. Tsaka hindi naman kasi ako nagquit, indefinite leave lang. Three years na leave sa showbiz. And I owe my colleagues sa showbiz an explanation, mga fans ko din. A week after ng grand opening ng cafe natin ang contract signing ko sa ABS-CBN. Ganoon din kayo sis, alam kong miss niyo na ang pagpeperform. Inayos na din ni Boss Vic ang mga contract niyo." Mahaba mong litanya dito.
Niyakap ka ng kaibigan at sinabing suportado nila ang desisyon mo. Pagkatapos ng nakakaiyak na pag-uusap niyong magbabarkada, nagtuloy na kayo sa tinutuluyan niyo para maghanda sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanfictionHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...