Chapter 14

856 16 6
                                    

Matteo POV
Apat na taon na din ang nakalipas. Apat na taon na din noong nawala sina Mommy, Daddy at Giorgia. At heto ako ngayon naging magulang ni Paolo. Siya na lang ang naiwan sa akin kaya alagang-alaga ko siya. Nagdesisyon akong bumalik na lang sa Italy para doon manirahan at doon na din mag-aral si Paolo. Apat na taon na din ang nakalipas noong hiniwalayan ko ang aking mahal. Sobra ko siyang mahal pero kailangan ko ding hanapin ang sarili ko noon para sa kapatid ko. Sa loob ng apat na taon, wala akong ginawa kundi alagaan ang kapatid ko na kailangan pa ng kalinga ng mga magulang. Na-trauma siya masyado sa nakita niya pero bilib ako sa fighting spirit ni Paolo dahil pagkatapos ng ilang buwang pagmumokmok, balik normal na siya. May pagkakataon na nalulungkot siya pero nilalabanan niya yun. Habang ako naman, hindi ko alam kung paano magsimulang muli. Doble kasi ang sakit sa akin eh. Pero hindi ko ininda ang heartbroken ko, ginawa ko ang lahat para suportahan ang pangangailangan namin ni Paolo at ang kanyang pag-aaral. At pagkatapos ng mahabang panahon, balik Pilipinas na kami. Hindi ko pa sana gustong umuwi pero tama si Paolo at ayaw kong magtampo siya sa akin.

Flashback (1 month ago...)
Kakauwi ko lang galing sa opisina ng makita kong nakaupo si Paolo sa garden namin. Malalim ang kanyang iniisip kaya di niya napansin ang presence ko.

"Hello there lil bro! Kamusta ka dito?" Bati ko sa kanya.

"Hi kuya!" Bati niya sa akin.

"May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala po. Naisip ko lang kung hindi lang sana naaksidente sina Mama, Papa at Ate Giorgia, kompleto pa tayo ngayon. Namimiss ko lang sila." Naiiyak niyang sagot.

Nilapitan ko siya at inalo-alo. Siyam na taon pa lang si Paolo ngayon kaya naghahanap pa din siya ng kalinga ng magulang. Ilang minuto kaming sa ganoong posisyon pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"Kuya, pwede bang umuwi na tayo ng Pilipinas. Gusto ko na pong bumalik doon." Paolo said.

Natahimik ako sa sinabi niya. Gusto ko namang umuwi pero andito na ang buhay naming dalawa. Napahinga ako ng malalim bago ko siya sinagot.

"Pao, alam mo namang dito na ang buhay natin. Wala na tayong babalikan doon. Dito na lang tayo Pao." Sagot ko sa kanya.

"Kuya pleaseee... Balik na tayo doon."

"Paolo, NO! Makinig ka sa akin."

"Kuyaa... sige na!"

"Pag sinabi kong hindi, hindi!"

Umalis si Paolo sa tabi ko at pumasok na sa loob. Ilang araw na ang nakalipas pero hindi ako kinakausap ni Paolo. Palagi lang siyang nakakulong sa kwarto niya. Galit talaga siya sa akin sa hindi ko pagpayag na umuwi.

"Pao, kakain na. Baba ka na!" Tawag ko sa kanya. Hindi naman nagtagal at bumaba ito.

"Napag-isipan ko na ang sinabi mo sa akin. Bigyan mo lang ako ng isang buwan para i-turnover kay Ivan ang trabaho ko."

"Talaga Kuya? Uuwi na tayo?" Masayang sagot nito.

"Oo naman! Ayaw kong nagtatampo ang kapatid ko."

Bumalik ako sa kasalukuyan ng sabihin ng flight attendant na nasa Pilipinas na kami. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago bumaba sa eroplano. Marami ang nakatingin sa akin pero hindi ko ito pinapansin. Paglabas namin sa NAIA, nakita ko na ang sasakyan na binili ko bago dumating dito. Magho-hotel na lang muna kami. Bago kami umuwi ng Pilipinas, tinawagan ko si Mr. M kung pwede pa akong bumalik sa pagiging artista. And luckily, he said yes. Magkita na lang daw kami sa opisina niya sa Sunday.

Sunday
Papunta na ako ngayon sa ELJ Building para sa meeting ko kay Mr. M. Kinakabahan ako kasi after 4 years, babalik na ako kung saan nagsimula ang lahat. Kamusta na kaya siya? Nakabalik na ba siya? Nabalitaan ko kasing umalis siya.

Jonas calling...
Matteo: Bro, what's up? Napatawag ka?
Jonas: Bro, sumunod ba diyan si Sarah sayo?
Matteo: Ha? Hindi. Alam mo namang hiwalay na kami. Bakit?
Jonas: Alam ko naman yun pero kasi Bro yun ang lumalabas na balita ngayon.
Matteo: May problema ba diyan? May problema ba kay Sarah?
Jonas: Umalis si Sarah, Bro. Ayun sa balita, hindi alam ng mga kaibigan niya kung nasaan siya.
Matteo: What? Hindi magagawa ni Sarah yun.

Binaba mo ang tawag ng kaibigan mo at tinry na tawagan si Sarah pero naka-off ang cellphone niya. Gusto mo siyang hanapin pero mas kailangan ka ng kapatid mo. Walang isang segundo na naisip mo siya. Huli mo siyang nakita noong nakipaghiwalay ka sa kanya. At ang huli mong balita ay noong nawawala siya. At ngayong nasa Pilipinas ka na, maliit lang ang mundo niyo kung sakaling nandito na siya.

Pagdating mo sa building, marami ang bumati sayo at nakipagpa-picture. Pagkatapos noon dumiretso ka na sa office ng dating manager mo.

Matteo: Good morning Mr. M! :)
Mr. M: Matt! Welcome back. Kamusta ka? Kasama mo kapatid mo?
Matteo: Okay lang po Mr. M. Ay hindi po, iniwan ko sa hotel. Natutulog pa yun.
Mr. m: Ganoon ba. Siyanga pala, naayos ko na contract mo. Sa ngayon ang confirmed na trabaho mo ay ASAP. May welcome prod ka next Sunday. Okay lang ba?
Matteo: Okay lang naman po.

Marami pa kaming pinag-usapan ni Mr. M pero iniwasan kong mapag-usapan ang past lalo na kung tungkol kay Sarah. Hindi pa akong handang harapin siya. Palabas na ako ng building ng makita ko sina Shin at Kim pero hindi na ako nakipagkita sa kanilang dalawa. Nakabalik na pala si Shin mula sa London. Alam kong may kasalanan ako sa kanila dahil pinangako kong aalagaan at mamahalin ko si Sarah pero sinaktan ko lang siya.

------
Pasensya na sa update ko. Hindi ko talaga alam kung paano gawan ng POV si Matt. Medyo mahirap eh. Anyway, abangan ang pagkikita nila sa susunod na chapter. Goodnight!

One Great Love (AshMatt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon