Tulog na tulog na ang dalawa mong kaibigan samantalang ikaw ay gising na gising pa. Iniisip mo pa rin ang balita kanina. Handa ka na bang magpakita sa publiko? Handa ka na bang harapin ang mga isyung iniwan mo dito? Napabuntunghininga ka na lang dahil hindi mo alam ang sagot. Oo o hindi lang naman ang sagot dito pero napakahirap sagutin. Lumabas ka sa inyong kwarto at nilibot ang kabuuan ng bahay. Magsasama na sana kayo sa isang bahay noon pero bago nangyari yun, umalis ka ng bansa ng walang nakakaalam. Alam ng manager mo na si Boss Vic na aalis ka pero hindi mo pinaalam kung saan. Nakiusap ka sa kanya na kung pwedeng iwan mo muna ang showbiz. Ayaw ka sanang payagan dahil nasa tuktok ang iyong career pero mas nanaig sa kanya ang pagiging ama sayo. Ilang linggo ding sinubsob mo ang iyong sarili sa trabaho. Walang araw na ikaw ay nababakante. Hindi man direktang tinanong sayo pero alam mong alam niya na may pinagdadaanan ka. Sa bandang huli, nasabi na lang niya na siya na ang bahala sa trabahong iniwan mo. Laking pasasalamat mo sa kanya at dali-daling umalis sa bahay nito dahil yung araw din ang alis mo. Pinadalhan mo na lang ng mensahe si Yeng para sa lahat ng champions. Pabalik ka na sana ng inyong kwarto ng masulyapan mo ang pintuan papuntang basement. Nilibot mo ang buong basement ng may mahagip kang pamilyar na kahon. Nagulat ka na nandoon na ito. Naalala mo ang nangyari noong mga panahong iyon. Hindi mo maiwasan ang mapaluha at alalahanin habang isa-isang hinahawakan ang mga bagay na parehong may significance sa inyo- mula sa couple shirt niyo hanggang sa couple bracelet.
Yeng POV
Naalimpungatan ka ng wala sa tabi niyo ni Sarah. Lumabas ka para hanapin ito. Pinuntahan mo na sa living room, sa kusina, sa garden, sa pool area pero walang Sarah. Pati sa room na puno ng awards ninyo dahil baka nagrereminisce lang siya. Pero wala din ito. Paakyat ka na sa second floor ng bahay ng makita mong buhay ang ilaw papuntang basement. Dali-dali kang tumungo doon. Hindi ka nga nagkamali, nandoon nga si Sarah hawak ang isang kahon. Hindi mo mapigilan ang lumuha ng makita mong umiiyak si Sarah. Alam mong hanggang ngayon nasasaktan pa din si Sarah. Naaalala mo ang mga panahong nakatulala lang siya at tahimik habang nasa ibang bansa kayo. Matagal-tagal din bago niya kayo kinibo ni Shin. Dumating pa nga sa puntong nag-away ang dalawa. Hindi mo namalayan na naisip mo na naman ang araw kung kailan umalis si Sarah ng walang pasabi.Flashback...
Nasa ASAP Studio na kayong apat nina Erik, Christian at Mark para sa final rehearsal bago magsimula ang show mamaya. Hinihintay niyo si Sarah dahil may prod kayong lima kasama sina Angeline at KZ. Lumipas na ang isang oras pero no show pa rin si Sarah. Pabalik-balik na din sa kakatanong si Teacher Georcelle at Teacher Annie kung dumating na si Sarah. Kayo na lang ang hindi pa naka-rehearse at ang SOS ni Sarah na palaging inaabangan ng lahat. Napailing na lang kayo dahil hindi ito ang typical na gawain ni Sarah. Palaging on time si Sarah sa rehearsal pero ngayon, malapit ng magsimula ang show pero wala pa rin siya. Salitan din kayo sa pagtawag kay Sarah pero ring lang ito ng ring. Napagdesisyunan na lang ng ASAP Staff na ibahin ng konti ang prod niyo dahil mukhang hindi na dadating pa si Sarah. Kinalimutan niyo muna ang problema kay Sarah at nag-concentrate na sa show. Nasa dressing room ka na ninyo at naghihintay sa closing ng ASAP ng mahagip mo ang iyong iPhone. Dali-dali mo itong kinuha baka may text si Sarah sayo. At hindi ka nga nagkamali dahil meron kang message galing sa kanya.From: Sars
Maraming salamat sa lahat, Yenggay! Mahal na mahal ko kayong mga champions. Pakisabi na lang sa kanila. Salamat ng sobra talaga. I am grateful na nakakilala ako ng totoong kaibigan sa showbizness. ❤Ulit-ulit mo itong binasa pero ganoon pa rin ang laman ng mensahe. Dali-dali kang lumabas at pumunta sa backstage kung saan naroroon ang mga boys kasama ang ibang ASAP artists at ilang ASAP Staff. Kinakabahan ka dahil alam mong may problema base sa mensahe na natanggap mo mula kay Sarah.
"Guys, punta tayo sa condo ni Sarah ngayon. Dalian niyo!" Sabi mo sa kanilang tatlo.
Nagulat naman sila sa sinabi mo pero naka-recover naman agad at sumunod na sayo. Hindi mo na pinansin ang mga mukhang nagtataka sayo. Ang nasa isip mo lang ay dapat kayong makarating sa condo ni Sarah sa lalong madaling panahon. Nasa sasakyan na kayo ng ikwento mo sa tatlo ang mensahe ni Sarah sayo. At katulad mo rin, isa lang ang nasa isip nila, mukhang may hindi magandang nangyayari. Nagulat na lang kayo na sobrang tahimik at napakalinis ng unit ni Sarah na animo'y walang tao. Dali-dali kang pumasok sa kwarto niya at tiningnan ang closet niya. Nanlumo ka dahil wala na ang gamit ni Sarah. Iyon ang naabutan ng tatlo sa iyo. Katulad mo rin, napaupo din sila at tahimik na umiiyak. Nang mahimasmasan na kayo, pumunta na kayo sa living room. Namutawi ang katahimikan sa inyong tatlo. May uupo, may tatayo. Mayroon ding pabalik-balik pero si Erik na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"Ako lang ba ang nakapansin sa ibang kilos ni Sarah last week noong magkita tayo? Iba kasi eh. Iba ang kulit niya. Iba ang sweetness niya. Yun pala may balak na iwan tayo." Sabi ni Erik na di mapigilan ang pagsinghot.
"Napansin ko din na last month, sobrang tahimik niya pag magkasama tayo. At minsan lang kung magpakita sa atin. Di kaya magkasama sila ni Matt? Di ba nakabalik na dito si Matt?" Sabi naman ni Mark.
"Imposible yun Bro. Nakita ko kanina si Matt sa ABS eh. May guesting daw siya sa The Buzz. Yenggay, tawagan mo nga si Matt. Baka may alam siya kung saan pumunta si Sarah." Untag ni Mark sayo.
Dali-dali mong kinuha ang phone mo at dinial ang number ni Matteo. Pero napailing ka lang dahil patay ang phone niya.
"Naka-off ang phone ni Matt. Sasabihin ba natin kay Shin na umalis si Sarah?" Tanong mo sa tatlo.
"Sabihin mo na. Mas magagalit yun pag malaman sa iba." Sagot ni Christian sayo.
Lumayo ka muna sa kanilang tatlo at tinawagan si Shin na kasalukuyang nasa London para sa Miss Saigon West End Revival. Nakailang missed call ka na pero ring lang ito ng ring. Nasabi mo na lang sa kanila na baka nasa rehearsal pa. Napagpasyahan niyo din na umalis na doon sa condo at magbabakasakaling nasa Charbel si Sarah.
Hinayaan mo na lang doon si Sarah at bumalik na sa inyong kwarto. Naabutan mong si Shin na gising at mukhang nag-alala. Sinabi mo na lang dito na nasa basement si Sarah. Makikita mo din dito ang pag-aalala sa mukha nito pero hindi na kumibo. Bagkus, tinanguan ka lang.
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanficHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...