Pagdating niyo sa bahay, dali-dali kayong nag-impake dahil pupunta kayo ng Singapore para masulit ninyo ang isang linggong bakasyon na binigay sa inyo bago kayo babalik sa magulong mundo ng showbiz. Lahat ng magagandang puntahan sa Singapore ay pinuntahan niyo. Last day niyo na doon at napagdesisyunan ninyong magpahinga na lang sa tinutuluyan niyong hotel. Habang abala ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa, ikaw naman ay mas piniling pumunta sa balkonahe ng inyong room. Iniisip mo pa rin ang sinabi sayo ni Boss Vic.
Mark POV
"Meryenda timeeee!!!!" Sigaw mo sa kanila.Nagprepare ka ng apple pie, mini pizzas at buko juice. Masayang kumukuha ng pagkain ang barkada ng mapansin mong wala si Sarah.
"Nasaan si Sarah?" Tanong mo sa kanila.
Natigilan naman ang lahat sa tanong mo pero si Shin na mismo ang nagsabing nasa balkonahe si Sarah. At hayaan niyo na daw muna siya doon. Alam mong magulo ang utak niya dahil na rin sa sinabi ni Boss Vic sa kanya.
"Sars..." Untag mo sa kanya sabay abot dito ng isang slice ng apple pie & mini pizza at buko juice.
"Kuya, ikaw pala. Thank you!" Sagot ni Sarah.
"Okay ka lang? Nagkakasiyahan sila sa loob."
"Okay lang po. Ninamnam ko lang yung bakasyon kasi alam kong magiging busy na naman ako."
"Iniisip mo ba yung sinabi ni Boss Vic?"
Tumango naman ito tsaka hinilig ang ulo sa iyong balikat.
"Kung ayaw mong magpa-interview, maiintindihan naman iyon ni Boss Vic. Sabihin mo lang sa kanya. Pero alam mo Sars, mas mabuting magpa-interview ka na lang para once and for all ma-clear ang lahat. Kasi alam mo sa totoo lang, walang konkretong sagot na nakuha ang viewers sa hiwalayan ninyo. Alam ko namang ayaw mong balikan ang mga nangyari three years ago kasi alam naming nasasaktan ka pa din hanggang ngayon. Nandiyan pa rin yung sakit sa puso mo pero kinukubli mo lang sa mga ngiti at bungisngis mo. Pero kung anuman ang mapagdesisyunan mo, suportado ka namin." Mahaba mong litanya sa kanya.
"Mahirap lang kasi tapos na yun eh tsaka okay na naman ako. Tanggap ko naman na hiwalay na kami. Masakit lang talaga kasi wala akong nagawa kasi sarili niya yung kalaban ko."
"Alam mo Sars, kayo ni Matt lang ang makakasagot niyan kasi kayo lang ang nakakaalam ng totoong rason. Yes, nagpa-interview si Matt pero sobrang gulo ng mga sagot niya kasi noong mga time na yun, lutang din siya. Kahit kami walang alam sa totoong dahilan ng hiwalayan niyo. Ang alam lang namin ay nakipaghiwalay si Matt sayo dahil kay Paolo. Pag-isipan mo na lang muna. Andito lang kami para sayo." Niyakap mo siya ng mahigpit bago mo siya iniwanan para makapag-isip.
Hinayaan mo na siyang mag-isip doon at bumalik ka na sa loob kung saan nagbabangayan ang inyong mga kaibigan.
Sarah POV
Balik Manila na kayo at dumiretso na kayo sa ASAP Studio para sa rehearsal ninyo. Pagdating ninyo sa studio, nagulat kayo dahil sinurpresa kayo ng ASAP Artist & Staff. Masayang-masaya sila dahil nakabalik na kayong tatlo lalong-lalo na ikaw."Wow! May ganito pa kayo. Thank you! Thank you sa inyong lahat." Naiiyak mong sabi sa kanila.
"Awwe! Naiyak si bunso. Group hug tayo." Sabi ni Gerrome, isa sa mga ASAP Staff na naging ka-close mo dahil sa Sarah G. Live.
"GROUUPPPP HUUUGGGG!!!!" Sigaw naman ng lahat.
After ng madamdaming welcome sa inyo, nagsimula na kayong magrehearse para sa show bukas. Medyo may mababago sa show bukas dahil halos ng gagawing prod ay may kinalaman sayo. Mababalik din ang YRS, Champions & ang pinakainaabangan ng lahat ang SOS Segment mo sa ASAP. Makakasama mo naman sa isang dance number sina Toni, Alex, Anne & Kim. May prod ka kasama ang mga past leading men mo na sina John Lloyd Cruz, Luis Manzano, Gerald Anderson, Coco Martin at Piolo Pascual. Guest din sina Judy Ann Santos, Sharon Cuneta at Kc Concepcion para samahan ka sa isang prod.
Sunday, 12:00nn (ASAP)
ASAP was opened by all artist of the show excluding you, Rachelle and Yeng. Nasa backstage lang kayong tatlo waiting for the cue to come up on stage. But all your music was use on the said prod. After the commercial break, Toni, Piolo, Kim & Alex went back on the stage.Piolo: Mga kapamilya, you are watching the best Sunday variety show of all time, ang ASAP!
Toni: And because we all do love you, marami kaming inihandang surpresa sa inyo. Alam kong matutuwa kayo dito dahil sobrang miss na miss niyo na sila.
Alex: Tama ka diyan sissumss! Gusto niyo ba ng patikim? (Sinagot naman ito ng isang napakalakas na YEEESSSS!!!! ng mga tao) Ok. Sige. Hit it!
Alex sing some lines of Hawak Kamay, Don't Cry Out Loud and Forevers Not Enough. Naghiyawan naman ang mga tao sa loob ng studio. Everyone is chanting and clapping their hands. Makikita mo sa mga mukha nila ang sobrang excitement.
Kim: Kaya wag na nating papatagalin pa. Mga kapamilya, the persons you all missed, the Pop-Rock Princess Yeng Constantino, the Ultimate Champion Rachelle Ann Go and the one and only Popstar Royalty Sarah Geronimo, let us all witness again as they sing their music that we all love. Please help me welcome..
Piolo, Toni, Alex & Kim: YRS!!!
The hosts then exit as Yeng approach the stage singing her hit songs from Hawak Kamay to Ikaw. It was continued by Rachelle singing also her hit songs from Don't Cry Out Loud to Whispered Fear. Hiyawan naman ang lahat sa paglabas ng nag-iisang Sarah Geronimo. She sings her hit songs Forevers Not Enough and ended it with Perfectly Imperfect. Pagkatapos nun, sinamahan siya nina Yeng at Rachelle singing a medley friendship song. The show went smoothly. And now Sarah is inside the dressing room kasama ang kanyang barkada para suportahan ito sa guesting niya sa The Buzz. Yes, Sarah accepted the offer to answer all the hanging question three years ago para matapos na ito at masagot na ang mga katanungan ng mga tao. Naglalagay siya ng hikaw ng may kumatok sa pintuan.
"Sarah, be ready in 5 minutes. Ikaw na ang sasalang!" One of The Buzz staff said.
You looked one final glance on the mirror and breathe deeply before you stand up. Your friends give you a hug one by one and assured you that everything will be alright.
--------
I really never thought that there will be reading my story. So, I decided to update it again. Medyo may nagbago lang talaga sa flow ng story ko kasi nakalimutan ko na yung ibang plot. Up next na yung interview. Few more chapters, then we will hear the side of Matt. Nahihirapan kasi ako kung paano gagawin yun. Anyway, sana ishare niyo ang story ko sa iba para mabasa then nila.Merry Christmas and a Happy New Year Everyone!
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanfictionHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...