Chapter 17

568 11 4
                                    

Sarah POV
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Kuya Erik. Sobrang gulo ng isip ko ngayon. Dapat hindi na ako nasasaktan kasi naka-move on na ako eh. Matagal ng tapos ang kung anong meron kami ni Matt. Close chapter na yun.

Magsasalita na sana si Sarah ng biglang...

"Hello everybodyyyy!!!!!"

Napalingon kayo sa pinanggalingan ng boses na yun.

Maya-maya lang narinig niyo ang boses ni Christian.

"Bro, Sars nandito si Kim. Pasok na kayo."

"Tara na, Sars!" Untag ni Erik sayo.

Tumango ka lang at nagpasya ng umahon. Pagdating sa loob ng bahay, nakita mong nagkukulitan ang barkada pero tumigil din noong nakita ka nila.

"Oh, bakit kayo tumigil? Tuloy niyo lang. Magbibihis lang ako." Sabi ni Sarah.

"Hi Kimmy!" Sabay beso kay Kim.

Umakyat ka na sa taas para magbihis. Pero bago mo pa maisara ang kwarto, may humarang dito.

Shin POV

Sinundan niyo lang ng tingin si Sarah habang papunta ito sa taas. Wala kayong imikan. Napagpasyahan mong sundan sa taas si Sarah. Naabutan mong kakapasok pa lang niya sa kwarto niyo.

"Pwede ba tayong mag-usap, Sars?"

"Ate Shin, ikaw pala. Ginulat mo naman ako. Oo naman pero magbabanlaw muna ako, pwede ba?" Sagot ni Sarah.

"Sige. Baka magkapulmonya ka pa." Sabi mo.

Nang pumasok si Sarah sa banyo, napabuntung hininga ka. Nararamdaman mong hindi talaga okay si Sarah. At hindi mo naman ito masisisi kung bakit. Kahit ikaw ang nasa posisyon niya, siguro ganoon ka din. Malalim kang nag-iisip ng biglang may tumalon sa kama.

"Ang seryoso mo naman, Shin!" Yeng said.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Shin.

"Ay bawal ba ko dito? Kwarto ko din naman to ah!" - Yeng.

"Tse! Namimilosopo pa eh." - Shin.

At nauwi sa pillow fight ang pangyayaring yun hanggang umupo sa tabi nila si Sarah. Tumigil naman sila ng maramdaman nilang tumabi si Sarah sa kanila. Hindi pa man kayo nakakapagsalita ng marinig niyo sa TV na wini-welcome si Matteo sa The Buzz.

Matteo POV
Malalim ang iyong isip habang nagdadrive pauwi ng may tumawag sayo.

Matt: Hello! Sino po sila?
Staff: Hi Matt! Si Winnie ito, staff ng The Buzz. Okay lang ba kung iinterviewhin ka mamaya? Marami kasi nagrerequest ng interview mo.
Matt: Ngayon po ba dapat? Wala na kasi ako sa compound. Actually pauwi na kami.
Staff: Hindi ka naman ang unang isasalang Matt. Ikaw siguro ang huli.

Medyo matagal pa ang pag-uusap niyong yun hanggang mapagdesisyunan mong bumalik na lang para sa interview. Wala namang problema kay Paolo na ninanamnam ang pagbabalik sa Pilipinas.

Pagdating sa studio, inasikaso agad kayo ng The Buzz staff at may nagbrief sayo kung ano ang mangyayari sa interview. Nagkukulitan kayo ni Paolo ng sabihin sayo na ikaw na ang sasalang.

Interview Portion
Tito Boy: Mga kapamilya, ang nagbabalik, Matteo Guidicelli! Hello Matt! Good to see you again.
Matteo: Hello Tito Boy! Hello po sa inyo at sa mga nanonood sa kanilang mga tahanan.
Tito Boy: Matt, kamusta?
Matteo: Okay po ako, Tito Boy. Its good to be back in the Philippines. (laughs)
Tito Boy: Nasa ASAP ka kanina, right?
Matteo: Yes, yes po! I sing a song kanina sa ASAP. And it feels great to see old people again. Masaya siya.
Tito Boy: I'm happy to see you again. One of the great person I know. Matteo, diretso na tayo, okay?
Matt: Wooooh! Nakakaba naman ito. Hooooh! (laughs)
Tito Boy: Matt, how's life for the past years? Ano ang buhay mo sa Italy? How you adapt sa changes sa buhay mo?
Matt: Wow! Ang intense naman niyan, Tito Boy. Living without your parents is hard. Sobrang hirap po. Nung mawala yung parents ko at si Giorgia, hindi siya madali para sa akin. At syempre lalo na kay Paolo. Pero I have to be strong kasi kailangan ako ni Pao. Kailangan kong magman up para sa nakakabatang kapatid ko. When I decided to go back sa Italy, sabi ko sa sarili ko na kailangan kong magmove forward dahil yun ang gusto nila Mama at Papa. Kahit masakit at mahirap, kinailangan kong iwan ang buhay ko dito para sa kapatid ko. May company kami sa Italy at doon ako nagtrabaho. Bahay-trabaho-alaga kay Paolo, yun ang routine ko doon araw-araw. Binigay ko po talaga lahat ng oras ko kay Paolo.
Tito Boy: Hanga ako sa ipinakita mo Matt para sa kapatid mo. Mabuhay ka! Matteo, matanong lang. Nagkaroon ka ba ng love life doon?
Matt: No, Tito Boy. Hindi ko po kasi priority ang love life. Mas priority ko po ang kapatid ko.
Tito Boy: Kahit fling, wala?
Matt: Wala po.
Tito Boy: Matteo, nasa ASAP ka kanina. Si Sarah nandoon din. Nagkita ba kayo?
Matteo: Ah opo. Nagkita kami.
Tito Boy: Kamusta ang pagkikita niyo? Nag usap ba kayo?
Matteo: Ahm.. okay naman po. Hi/hello ganoon po. Alam naman po natin kung gaano siya ka-busy sa show. So, yun lang po.
Tito Boy: In short, may awkwardness?
Matt: Hindi naman po mawawala yun. Syempre, matagal din kaming di nagkita pero okay kami.
Tito Boy: Inamin ni Sarah dito na ikaw ang nakipaghiwalay, bakit Matt?
Matt: Kasi Tito Boy, nung time na yun, I'm so lost eh. Hindi ko alam kung ano gagawin ko, kung paano. Marami ang bumagabag sa akin. Actually before pa nung aksidente sa parents ko, sa pagkakatanda ko, hindi kami okay noon. Cool off kami. Thankful ako sa kanya kasi nandoon siya nung kailangan ko ng karamay. Hindi niya ako iniwan nung time na yun.
Tito Boy: Sinabi ni Sarah na tinry niyang i-save ang relationship niyo. Willing siyang maghintay hanggang maging okay ka at bumalik ka. Matt, ang tanong, bakit mo pa din hiniwalayan si Sarah?
Matt: Ayoko lang Tito Boy na masaktan ko pa siya. Ayaw kong maging selfish sa kanya. Ayaw ko siyang matali sa akin. The day before kami umalis noon, pinangako ko sa puntod ng mga magulang ko na hindi ko pababayaan si Paolo at igi-give up ko ang lahat-lahat para sa kanya.
Tito Boy: Alam mo bang umalis ng bansa si Sarah noon?
Matt: Yes po. Noong pumutok ang issue na umalis nga siya. Tumawag si Ivan sa akin, asking kung sumunod daw ba si Sarah sa Italy. Sabi ko hindi, at wala na akong balita sa kanya. At yun, sinabi niya sa akin na nawawala nga si Sarah.
Tito Boy: Matteo, last question. Straight to the heart. Mahal mo pa ba si Sarah Geronimo?
(It takes 5 minutes before Matt answered the question).
Matt: Hindi naman po nawala yun Tito Boy.
Tito Boy: Thank you, Matt! Welcome back! Magbabalik pa po ang The Buzz.

Back to Shin POV
Walang sali-salita at niyakap niya si Sarah. Alam niyong sa panahong iyon, yun ang pinakakailangan ng kaibigan. Sinubsob naman ni Sarah ang kanyang mukha at di mapigilang mapaiyak. Bumalik ang lahat ng sakit at pait ng kahapon. Hinayaan niyo lang siyang umiyak dahil alam niyong masakit para sa kanya. Pinagpi-pray niyo na sana mawala na yung sakit sa puso niya. Pinagpipray niyong maging okay na siya at tuluyang iwan ang nakaraan.

-------------------------------------------------------------

There you have it po. Updated after 2 years? Im sorry guys! Super busy sa school talaga. I can't update regularly talaga dahil sa schedule ko sa school. I can't guarantee ding monthly pero I'll try talaga kahit pakonti2 na update. Thank you for waiting! 😊

One Great Love (AshMatt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon