Nakabalik na kayo sa Manila at naging puspusan na ang paghahanda niyo sa grand opening ng inyong cafe. Mga kagamitan na lang ang kulang doon. Hinihintay niyo na lang ang inorder niyong mga gamit sa America. Napagkasunduan niyo ding tatlo ni Yeng at Shin na susurpresahin sila ng isang YRS prod number pero mauuna silang magpakita sa mga tao. Dumating na ang araw kung kailan grand opening na ng inyong cafe. Excited na kayong magpakita sa kanila. Miss mo na ang kakulitan nina Toni, Alex, Luis, Vhong, Anne at Billy. Naisip mo din si Kim na naging close sayo dahil sa issue kina Maja at Gerald. Nabalitaan mong hindi na talaga sila nagkabating magkaibigan kahit na hiwalay na ngayon ang dalawa. Siyempre ang Brazilian Ladies na sina Teacher Georcelle, Ate Garlic at KC. Pati na din sina Ate Juday mo, Kuya Ryan at Ate Sharon pati mga anak nila. Naiisip mo na kung ano ang magiging reaction nila pag nakita kayo. Hindi mo naman talaga alam kung sino ang ininvite ng mga kuya mo pero siguradong nandoon ang ASAP Artists at ASAP Staff na mostly ay mga staff din sa Sarah G. Live. Personal request mo naman ang mga ate mo sa showbiz. Nasa ganoon kang pag-iisip ng magsalita si Erik sa pintuan.
"Girls, kompleto na ang mga bisita. Start na tayo!" Sabi ni Erik sa inyo.
Huminga ka muna ng malalim bago tuluyang lumabas kasama sina Yeng at Shin na tulad mo ring kinakabahan pero nababakas sa mga mukha nila ang pagka-excited.
Third Person POV
Nakarating ka na sa venue kung saan grand opening ng cafe nina Erik, Christian at Mark. Actually naging close ka sa kanila dahil kay Sarah. Noong kasagsagan kasi ng issue naging malapit na magkaibigan kayo at sinasama ka niya palagi sa mga lakad nila. Noong una nahihiya ka pa kasi nga close talaga sila sa isa't-isa pero dahil na rin siguro sa kakulitan at kakengkoyan nila, naging magaan ang loob mo. Noong biglang nawala si Sarah, isa ka sa mga nalungkot ng sobra, hindi dahil wala ka ng kasa-kasama sa ASAP kundi dahil hindi mo man lang alam na may dinadala na siyang problema. Noong inamin ni Matteo ang breakup nila sa mismong araw ng pagkawala ni Sarah, isa ka sa nanalangin na sana bumalik na si Sarah. Pero lumipas ang buwan at taon, walang Sarah Geronimo na bumalik. Alam mong may alam sina Mark kung saan si Sarah at sina Yeng at Shin na biglang umalis din noong napabalitang pag-alis ng kanilang kaibigan. Iginala mo muna ang iyong paningin sa paligid para hanapin ang nasabing cafe pero napatigil ka ng makita mo na ang hinahanap mo. D'Champs Cafe, yun ang basa mo sa signage. Naalala mo si Sarah dahil member din siya ng ASAP Champions. Ipinapanalangin mo na sana kung saanman ang kaibigan ay sana okay lang siya. Huminga ka muna ng malalim at pumunta na sa nasabing cafe. Ipinagbilin ka na ng upuan ni Alex na naging kasa-kasama mo noong wala si Sarah. Pagpasok mo sa cafe, medyo marami na ang taong dumating. Iginala mo ang iyong mga mata ng marinig mo ang boses ni Alex na tinatawag ka."Kimmy!" Tawag sayo ni Alex.
Agad-agad ka namang pumunta sa pwesto nila.
"Hi! Sorry ngayon lang ako. Kanina pa kayo?" Sabi mo sa kanila sabay beso kina Alex, Toni at sa ibang taong nasa table niyo.
"Hindi naman. Kararating lang din nina Vhong, Anne at Jasmine." Sagot sayo ni Toni.
Tumigil lang kayo sa pag-uusap ng marinig niyo ang boses ni Erik. Mukhang magsisimula na ang program na inihanda nila.
Shin POV
Nasa backstage na kayong tatlo na naghihintay sa cue ng paglabas ninyo. Katulad sa plano niyo, mauuna kayong lalabas ni Yeng at susunod naman si Sarah 30 minutes after. Napatawa ka ng bigla kang kalabitin ni Sarah na parang bata."Kinakabahan ako Ate Shin, Yenggay! Baka batuhin nila ako ng kamatis paglabas ko." Sabi niya na may kasamang pout.
"Kapag binato ka nila Sars, pauwiin mo na sila." Natatawang sagot ni Yeng.
"Hahaha! Kapag binato ka nila, batuhin mo din sila. Mas masakit yang hawak mong microphone kaysa kamatis." Sakay mo din dito.
Tawa kayo ng tawa sa naging pag-uusap niyo pero tumahimik naman kayo ng marinig ang boses ni Mark.
"Good evening everyone! Unang-una nagpapasalamat kami dahil binigyan niyo kami ng oras ngayon. Salamat dahil pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon." Rinig mong sabi ni Mark.
"Ngayon nga ang grand opening ng D'Champs Cafe. Hindi ko na naman sigurong kailangan pang i-explain kung bakit yun ang napili naming pangalan. Basta kung saanman ngayon ang mga girls, sana masaya sila." Dagdag ni Christian.
"Alam naming miss na miss niyo na ang mga girls kaya mag-aalay kami ng awitin para sa inyo." Pagtatapos ni Erik.
Yun naman ang cue niyo ni Yeng para lumabas at kumanta. Kinanta niyo ang kantang Count On Me ni Whitney Houston. Habang kumakanta, hindi mo maiwasang igala ang iyong mata sa paligid. May umiiyak, may nakangiti. Mayroon ding parang may hinihintay pang lumabas. Pagkatapos ng kanta, umakyat naman ang mga boys para i-welcome kayo.
"Mga kapamilya, ang mga totoong owner ng D'Champs Cafe, everyone The Ultimate Champion Ms. Rachelle Ann Go and The Pop-Rock Princess Ms. Yeng Constantino." Welcome sa inyo ni Mark.
"Hello, Good evening po! Taos puso po kaming nagpapasalamat sa pagpunta niyo dito. Namiss ko po kayo! Bati mo sa kanila.
"Good evening! Thank you for being here tonight. It's nice to see familiar faces and new faces as well." Sabi ni Yeng.
"Ilang minuto na lang po, iseserve na ang mga pagkain, meanwhile Yeng and Shin will be roaming around. We are happy that they are really back." Sabi ni Erik.
Bumaba naman kayo at pumunta sa mga kilalang kaibigan. Pumunta ka sa table nina Kyla samantalang si Yeng naman ay pinuntahan ang grupo nina Angeline. Nag-uusap kayo ni Kyla nang mapadako ang mga mata mo sa table nila Kim. Isa si Kim sa adopted ng Champions. Naging close kayo dahil palagi siyang sinasama ni Sarah sa get together niyo. Noong una, tahimik lang ito pero di naglaon, naging magaan na ang loob niya sa inyo. Napagpasyahan mong lapitan siya kaya nagpaalam ka na sa kausap mo.
"Sis, puntahan ko muna si Kimmy ha? Namiss kita sobra. Punta kayo sa bahay, bonding tayo." Sabi mo sabay yakap ng mahigpit dito.
Napatagal pa ang pagdating mo sa table nila Kim dahil nadaanan mo pa ang mga table ng ibang artist katulad nina Sir Gary, Sir Martin, Ms. Zsazsa, Ms. Vina at iba pa. Hinahanap nila si Sarah sayo pero nginingitian mo lang sila.
"Kimmyyy!" Tawag mo kay Kim sabay yakap dito ng mahigpit.
"Ate Shinnn! I miss you. Miss na miss ko kayo. Grabe kayo, tatlong taon din kayong nawala." Maktol nitong sabi.
"I miss you too, sweety! Babawi kami sayo, okay? Doon ka matulog sa bahay mamaya. Payakap nga ulit bunso." Sabi mo dito.
Nasa kalagitnaan kayo ng pag-uusap ni Kim ng marinig mo ang pagkanta ni Sarah ng Forever's Not Enough. Napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa ng marinig nila ito. Napatili pa si Kim sa tabi mo sa paglabas ni Sarah. Hindi mo naman mapigilan ang mapaluha dahil after three years, Sarah is back! Nakontento ka na lang na yakap-yakap si Kim habang ito naman ay nakahilig ang ulo sa iyong balikat na nakayakap din sayo.
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanfictionHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...