Chapter 13

909 19 4
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging busy ang lahat lalo na si Sarah. Balik na siya sa dati na walang pahinga. Kahit busy na sila, hindi nila pinabayaan ang kanilang Cafe. Salitan sila sa pagbantay dito. Naging smooth naman ang mga sumunod na buwan nila. Balik normal na ang lahat lalo na sa part ni Sarah. Naipalabas na din ang movie nilang tatlo na pinamagatang "In Everything, Friends Are Real" na pinilahan ng marami at naging isa sa mga highest grossing film of all time. Marami man ang nagbago sa kanilang buhay, iisa lang ang hindi nagbago, ang solid ng kanilang pagsasamahan bilang magbabarkada. Isang taon na ang nakalipas mula ang pagbabalik Pinas nila, and heto sila ngayon, hindi magkandaugaga sa paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon. Sabi nga nila, "Bagong Taon. Bagong Pag-asa" pero para kay Sarah, "Bagong Taon, Bagong Karanasan." Busy ang lahat sa pagprepare para sa kanilang media noche. Marami sila ngayon dahil na din nandoon sina Kim, Iya, Nikki, Anne, Toni, Alex, Vhong & Luis. Nagulat na lang sila sa pagbiglang pagsulpot nila sa inyong pintuan at sinabing doon sila magbabagong taon. Okay na din para mas masaya yun nga lang medyo magulo nga lang. Katulad na lang ngayon, nagkakantiyawan sila sa kusina habang abala ang lahat sa kani-kanilang ginagawa.

"Kim, kim kim!!!" Tawag ni Vhong kay Kim na abala sa pagpupunas ng mga pinggan.

"Hoy Vhong Navarro, bakit andaming Kim nun? Iisa lang naman si Kim dito. Wala dito si Kuya Kim Atienza at si Kim Jones." Sigaw ni Anne na nasa labas na nagluluto sa dirty kitchen kasama sina Luis at Toni.

"Hoy Anne! Wag kang sumigaw at baka natalsikan na ng laway mo ang niluluto mo diyan baka mamaya magbabagong taon nasa ospital tayo namimilipit sa sakit ng tiyan." Balik sagot ni Vhong kay Anne. Tawanan naman ang lahat sa naging hirit ni Vhong kay Anne.

"Ano yun Kuya Vhong? At ako na naman ang nakita mo dito." Sabi ni Kim na patapos na sa ginagawa.

Nilapitan naman ni Vhong si Kim sabay sabing, "Alam mo Kim, pasalamat ka nga at nakikita ka pa kasi... kumakain ka pa ba? Tatlong taon nawala sina Yeng, ganyan ka pa rin. Buti na lang hindi ka nilipad sa mga nakalipas na mga bagyo."

"Walanghiya ka talagaaaa! Nang-aasar ka naman." Sabi ni Kim na tatawa-tawa habang pilit na hinahabol si Vhong. Humalakhak naman ang lahat sa naging hirit ni Vhong kay Kim.

"Alam niyo lahat kayo nagbago, pero yung isa dito hindi pa din nagbabago." Sabi ni Luis.

"Sino?" Sabay-sabay na sagot nilang lahat.

"Eh sino pa ba? Eh di ang partner Sarah ko. Hanggang ngayon tahimik pa ring nakaupo sa gilid. Pero infairness nag-level up siya, tahimik siyang kumakain. Hahaha!" Sagot ni Luis na biglang lumayo dahil binato siya ni Sarah ng kanyang kinakain. Pagkatapos nilang magkantiyawan, naging abala na ang lahat. Ang ibang girls ay nagpahinga na sa taas pwera kay Sarah, Shin at Toni na inaayos ang mesang pagkakainan nila. Habang ang limang lalaki naman ay siniset up ang videoke. Masaya ang lahat sa pagsalubong ng bagong taon. Nagkantahan sila, nagsayawan, nagkuwentuhan at syempre hindi mawawala ang kantiyawan. Past 3am na sila natulog ang lahat. At dahil marami sila, sa sala na silang lahat natulog. Magkakatabi ang mga girls. Ganoon din ang mga boys. Lumipas ang New Year at Valentines ay naging busy na ang lahat.

Sunday (ASAP Studio)
Shin POV
Naghahanda ka na para sa opening ng ASAP. Mag-isa ka lang ngayon dahil nasa Davao sina Sarah at Yeng para sa shooting ng bagong music video nila. Nagkaroon ng collaboration ang dalawa sa isang kanta na may pamagat na "Kaibigan Mo" na sinulat mismo ni Yeng para kay Sarah sa latest album niya na The Great Unknown. Busy ka sa pagbabasa ng mga tweets ng marinig mo ang usapan ng hairstylist at makeup artist mo.

Hairstylist: Alam mo na ba ang balita ngayon na nagbalik na siya?
Makeup Artist: Sino?
Hairstylist: Si Matteo Guidicelli. Nakita ko sila kagabi ng kapatid niya palabas ng NAIA.
Hairstylist: Ay talaga? Ang bongga naman! Teka, alam na ba ito ni Sarah? Shin!!!

One Great Love (AshMatt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon