Shin POV
Nasa kalagitnaan na kayo ng party at naisipan mong time na para ishare sa mga bisita niyo ang nangyari 3 years ago."Hi guys! Its really good to be back here. Tatlong taon din ang nakalipas mula ng mangibang bansa kami. Tatlong buwan na ang nakalipas ng bumalik kami dito. I just want to share what we get through on those 3 years." Mahabang litanya mo sa lahat.
"Three years ago when I got the opportunity to play Gigi in Miss Saigon West End Revival. I was grateful for that opportunity then. Pero isang araw, nakatanggap ako ng missed calls kay Yeng, 30 missed calls to be exact. Sabi ko pa nga sa sarili ko, "Bakit napatawag sa akin si Yeng ng ganoon karami?" Hindi naman kasi ugali ni Yeng ng ganoon karami. And for a fact na tumawag siya sa akin ng ganoon karami and I was in other country. She knows also na nasa rehearsal ako by that time. So napaisip ako na may nangyari dito. Pagdating ko sa aking condo, I called her, and then there she told me that Sarah leaves without telling them."
That moment naalala mo ang lahat ng mga pinagdaanan niyo. Ipinagpatuloy mo na ang kwento sa kanila.
"Noong una, parang ayaw ko pang maniwala na umalis si Sarah. Kasi syempre Sarah Geronimo siya eh at hindi niya gawain yun. Pero noong marinig ko ang sabi ni Matt three years ago. I then cut the call and pack my things. Right there and then, sigurado na akong umalis nga si Sarah. I was busy packing my clothes ng maalala ko isang beses ang kwentuhan namin ni Sarah."
Flashback
Breaktime ng rehearsal niyo sa ASAP and nakita mo si Sarah na nag-iisa sa isang sulok kaya pinuntahan mo. Nasa kasagsagan si Sarah noon sa issue involving Maja and Gerald. Many are questioning what really happen between her and Gerald. They are also asking her friendship with Maja who was then romatically linked to the Action-Drama Star."Okay ka lang sis?" Tanong mo sa kanya.
"Oo naman." Tipid na sagot niya sayo.
Namutawi ang katahimikan sa inyong dalawa. You, waiting for her to open up about her problems. And her, staring at nothing blankly. Aalis ka na sana ng bigla siyang magsalita.
"Ate Shin, anong lugar ang gusto mong puntahan kung gusto mong takasan ang mga problema mo? Ako kasi gusto kong sa New Zealand kasi tahimik tsaka walang masyadong makakilala sayo." Sabi niya sayo.
Nagulat ka sa tanong niya pero hinayaan mo lang siya sa pagsasalita.
End of flashback
"Then afterwards, I called Yeng to inform her na magkita kami sa New Zealand. It took us 6 months bago namin makita si Sarah. We are losing hope na makita si Sarah doon by that time kasi halos nalibot na namin ang New Zealand pero wala kaming trace kung nandoon nga siya. It is just our luck na makita siya sa isang coffee shop. Pagod na kami ni Yeng noon sa paghahanap, ang boys umuwi na sa Pinas noon kasi their two weeks off is already over, and then ng makakita kami ng coffee shop, pumasok kami. We were in the middle of drinking our coffee ng pumasok sa loob ang manager. She was greeted by her staff. Pag-angat ko ng aking ulo. Si Sarah pala ang binati ng mga staff. Yes, Sarah was the owner of the coffee shop. Timing din noong pag-angat ko, tumingin din siya kung nasaan kami ni Yeng. Ilang minuto bago nag-sink in sa utak ko na si Sarah yun. Kung hindi pa sumigaw si Yeng, hindi pa ako tatayo. Niyakap namin siya ng sobrang higpit. Iyak lang kami ng iyak noon. After that night, magkasama na kami. Sarah had an apartment kaya doon kami tumira. Hindi naging madali sa amin ang mga nangyari noon. Everyday, we are dealing with Sarah's pain, stubborness at quietness. Yes, mahiyain si Sarah pero alam naman ng lahat kung gaano siya kakwela at kakulit. Those time were different. Wala na ang sweet ni Sarah. Ang mga lambing niya, ang pangungulit niya. Ibang Sarah talaga ang kasama namin. Kinakausap namin siya pero oo at hindi lang sagot niya sa amin. Minsan nga wala na talaga eh. She is really avoiding us. Hindi kumikibo, hindi kumakain, hindi lumalabas ng kwarto. Umiiyak lang siya parati at nakatulala. At dahil mahal ko siya, mahal siya namin, we are patient to her. Dinadalhan namin siya ng makakain breakfast man yan o lunch o dinner. Kinukwentuhan namin siya kahit walang imik. That time, Sarah is really broken inside. Hindi mo kasi siya makakausap ng matino. Ilang buwan ang nakalipas, ganoon pa rin siya. Its like she's killing herself. Nangayayat na siya, nagkasakit pero wala pa rin kaming magawa sa kanya. Until that fateful night came, nag-away kaming dalawa kasi hindi ko na ma-take ang ginagawa niya sa sarili niya."
Flashback
Pinuntahan mo si Sarah sa kwarto niya dahil magla-lunch na kayong tatlo."Sars, lunch na tayo. Baba ka na." Sabi mo sa kanya.
Lumabas ka na para tulungan si Yeng sa paghahanda. Lumipas ang isang oras pero hindi bumaba si Sarah. Kaya hinayaan niyo na lang siya at kumain na lang kayo. Dinalhan mo na lang siya ng pagkain sa kwarto niya.
"Sars kumain ka na. Wala pang laman ang tiyan mo simula kanina." Untag mo sa kanya dahil nakatulala naman ito.
Hindi ka pa rin iniimik ni Sarah kaya napabuntonghininga ka na lang at umalis na. Tatlong buwan na kayong magkasama pero parang hindi niyo pa rin kasama si Sarah dahil lagi lang itong tahimik at nakatulala. Medyo nag-aalala ka na sa kanya pero wala kang magawa dahil alam mong nasasaktan pa rin siya. Hapon na ng maisipan mo siyang silipin sa kwarto niya. Nakatulala na naman ito at napatingin ka sa pagkain na hindi man lang nagalaw. Hindi mo na nagustuhan ang pinagagawa niya kaya nagalit ka sa kanya.
"Sars, hindi mo naman ginalaw yung lunch mo. Hanggang kailan ka magiging ganyan? Maawa ka nga sa sarili mo. Sarah, alam kong nasasaktan ka hanggang ngayon pero naman hindi solusyon yang pagmumukmok mo dito at hindi pagkain. Look at you now. Oo, break na kayo pero you have to accept it and moved on. Maawa ka naman sa sarili mo kasi ako awang-awa na sayo na ganyan ka. Tulungan mo naman ang sarili mong bumangon. This is not yet the end. So please lang, ayusin mo yang buhay mo." Sabi mo dito.
Tiningnan ka lang ni Sarah at pumunta sa veranda. Dahil dito, hindi mo napigilan ang magalit lalo.
"Tatalikod ka na lang kasi sinabihan kita? Kung hindi ka nag-aalala sa sarili mo, pwes kami nag-aalala sayo. Ilang buwan ka ng ganyan. Hindi ka man lang naawa sa amin." Umiiyak mong sabi.
Nagulat ka ng harapin ka ni Sarah at nagsalita.
"Hindi ko naman sinabi sa inyo na sundan niyo ako dito. Hindi niyo ako obligasyon para alalahanin pa. Kaya ko sarili ko kaya pabayaan niyo na lang ako."
"Sarah obligasyon kita. Ipinangako ko sa Mommy at Daddy mo na aalagaan kita, na hindi kita pababayaan. Kaya huwag mong sabihing hindi ka namin obligasyon. Hindi ako nagagalit sayo dahil umalis ka ng walang paalam. Nagagalit ako dahil halos patayin mo na ang sarili mo sa pagmumukmok. Sarah wake up! Alam kong mahal mo si Matteo. Hindi ko man alam ang rason kung bakit kayo naghiwalay, alam kong hindi niya intensyon na masaktan ka. Alam kong alam mong mahal ka niya, minahal ka niya. Pero you have to deal with it."
"Ate Shin, hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit mawala ang taong mahal mo. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon. Durog na durog ang puso ko ngayon kasi wala akong magawa noong nakipaghiwalay siya. Durog na durog ako. Hindi ko alam kung paano magsimula ulit. He was my great love alam mo yan. Sa kanya ko lang naranasan kung paano mahalin ng totoo. We are not a perfect couple. We have flaws and differences pero masaya kami at kontento kung ano ang meron kami. Until that accident happened to his parents."
Niyakap mo na lang si Sarah pagkatapos niyang sabihin yun. Awang-awa ka na sa kanya. Nasa ganoong posisyon kayong naabutan ni Yeng.
"Ssshhhh! Tama na Sars. I'm sorry sa mga sinabi ko. Tahan na. Hindi ko dapat sinabi sayo yun. I'm sorry. Everything will be alright. You will be healed. Okay? Be strong. We are just here for you." Naiiyak mong alo dito.
After that incident, hinayaan na lang namin siya. Pero hindi siya namin pinabayaan. Until one day, kumakain kami ng breakfast ni Yeng ng bigla siyang tumabi sa amin. Kumuha siya ng kanyang plato at nagsimulang hainan ang kanyang sarili. Nagkatinginan kami ni Yeng pero hindi kami umimik. We are happy dahil alam naming start na yun ng bagong buhay niya. And hindi nga kami nagkamali kasi she is okay now. Hindi man totally pero alam naming okay siya. She is now out of her darkest life. Sinabi ko ito sa inyo hindi dahil gusto kong kaawaan niyo si Sarah. Sinabi ko ito dahil alam kong gusto niyong malaman anong nangyari sa kanya three years ago. Hindi niyo man nakuha ang full information atleast you know what Sarah had gone through before.
Maluha-luha mong tinapos ang kwento mo. Nakita mong umiyak ang mga bisita niyo. Nilapitan mo si Sarah at niyakap ng sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanfictionHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...