Sarah POV
After the welcome party, nagsiuwian na ang lahat. Kayo na lang ang naiwan including Kim. Nagtutulungan kayong lahat sa pagliligpit ng mga ginamit. Nagdesisyon na din kayong umuwi pagkatapos.Bago ka natulog, you posted a picture from the party to your IG with a caption:
"It's good to be back here. Thank you for the unconditional love you all gave me. To my champions, thank you for the friendship, for the patience and for everything. ❤ Love y'all! I'll see you around for the next coming months. Goodnight! Will sleep with a BIG SMILE. :)"
30 minutes had passed and you gain many new followers coming from your friends and supporters.
Hindi na kayo nagulat kinabukasan kung laman kayo ng balita sa tv, radyo at tabloids. Inaasahan niyo na ito dahil na din sa photos at videos na kumalat sa internet kuha ng mga taong pumunta sa party ninyo.
At ngayon ang araw na pinakahihintay niyong tatlo ni Yeng at Shin dahil ngayon ang contract signing niyo sa VIVA & ABS-CBN. Ikaw ang unang nagising kaya naghanda ka na din ng agahan ninyong lahat. Maya-maya bumaba na din si Shin at tinulungan ka.
"Good morning Sis!" Bati sayo ni Shin sabay beso.
"Good morning!" Bati mo din sa kanya.
"Anong niluto mo?" Shin asked.
"Fried rice, omelette, bacon, and our favorite fried bangus."
"Wow! Dami naman. Sige, ako na magtitimpla ng kape natin."
"Sige sis. Tapos na din naman ako dito. Ihahain ko lang ito sa mesa."
"Gisingin mo na din ang boys tsaka si Yeng."
Umakyat ka sa ikalawang palapag para gisingin ang iba niyong kaibigan. Una mong pinuntahan ang kwarto ng mga boys.
"Good morning mga Kuya! Rise and shine. Ready na ang breakfast. Gising na!"
Isa-isa namang naalimpungatan ang mga boys at bumati sayo. Sunod mo namang pinuntahan ang kwarto niyo kung saan tulog mantika sina Yeng at Kim. At dahil nasa mood ka, dinaganan mo silang dalawa.
"Good morning Yenggay, Kimmy! Gising na kayo."
"Sarirayyy... Ang bigat mo! Umalis ka na diyan." Maktol ni Yeng.
"Good morning Ate Sarah!" Asar ni Kim sayo.
"Mga baliw! Baba na kayo. Breakfast na tayo. May meeting tayo sa ABS Yenggay!"
Bumaba na kayo at kumain ng breakfast. Bago kayo kumain, humirit muna si Kim ng isang picture mula sa inyo. She then posted it in her IG Account with a caption:
"Good morning IG! Breakfast with my Ate's & Kuya's. Cooked by the one & only @JustSarahG ! Big day today for YRS. Watch it out in coming weeks guys.
Pagkatapos niyong kumain nagprisinta ang mga boys na sila na ang maglilinis ng pinagkainan. Kaya kayong mga girls ay nagsimula ng mag-ayos. After 30 minutes, papunta na kayo sa ABS Compound kung saan gaganapin ang inyong contract signing. Pagdating niyo sa ABS, dumiretso na kayo sa isang room kung saan naghihintay na ang Big Bosses ng ABS-CBN at Viva.
"Good morning po!" Bati niyong lahat.
"Boss Vic, I miss you po!" Bati mo sa iyong manager at ama-amahan sabay yakap at beso dito.
"Welcome back, Iha! And I miss you too." Boss Vic told you.
Pagkatapos ng konting chikahan, nagpunta na kayo kung para saan ang inyong meeting. Natuwa ang Big Bosses dahil bumalik na kayo.
"Yes! Makakapag-ASAP na ako ulit." Sabi ni Yeng.
"Oo nga. Kaka-miss ang magperform." Segunda naman ni Shin.
"Ahm Sarah, Shin, Yeng, napag-isip2 kasi namin if pwede ba naming gawing isang movie yung nangyari sa inyo sa nakalipas na taon?" Tanong ni Mam Charo sa inyo.
"Ahm, pwede naman po, di ba Yeng, Ate Shin?" Sagot ni Sarah.
"Kung okay naman po kay Sarah, okay rin po sa amin." Sagot ni Shin.
"Sino po ang gaganap pag nagkataon?" Tanong ni Yeng.
"Dahil isturya niyo ito, kaya kayo mismo ang gaganap. Magsto-storycon tayo next month." Sagot ni Ms. Cory Vidanes.
"And oo nga pala, we have a gift to the three of you, including you Kim, Mark, Erik & Christian. You will have your week off para mag-bonding kayo. Next week ang launching niyo sa ASAP." Mr. Gabby Lopez told them.
"Wow! Thank you po, Sir Gabby! Thank you." Pasasalamat niyo sa kanya.
Pero bigla kayong natahimik ng marinig niyo ang sinabi ni Boss Vic sa inyo.
"Ahm, Sarah! Alam kong ayaw mo ng pag-usapan ito kasi okay ka na. Pero you left the country three years ago without answering any issues involving you. I received a call from The Buzz if pwede ka daw nilang ma-interview regarding sa side mo. Yes, nakumpirma na ang breakup pero hindi kasi malinaw ang pagsagot ni Matt. And in the middle of the interview, sasamahan ka nina Yeng at Shin. That, if okay lang sa iyo." Mahabang litanya ni Boss Vic sa inyo.
"Boss Vic, pwede po bang pag-isipan muna? Alam ko naman po na I owe an explanation pero po kasi matagal na yun. Pag-iisipan ko po muna then tawag na lang po ako sa inyo." Nahihiya mong sagot dito.
Tumango naman ang iyong butihing manager. Isa-isa na din kayong nagpaalam sa mga nandoon. Binisita naman ninyo ang D'Champs Cafe bago kayo umuwi para pag-usapan kung saan kayo magbabakasyon.
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanfictionHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...