Back to Sarah...
Umiiyak ka pa rin habang isa-isang binabalik ang mga bagay na nagpapaalala sayo tungkol sa nakaraan ninyo. Sa mga panahong masaya kayong namamasyal, naglalambingan. Sa mga panahong siya ang laman ng puso mo. Hindi mo naman masisisi ang rason kung bakit kayo naghiwalay. Umalis ka na sa basement at nagtungo na sa kwarto ninyo. Tumabi ka na sa mga kaibigan mong mahimbing na natutulog. Ngayong nandito ka na ulit at kompleto na kayo, ipapakita mo na okay ka na. Hindi mo na gustong mag-aalala pa sayo. Tama na yung sakit na binigay mo noong panahong umalis ka ng walang paalam. Ipinikit mo na ang iyong mga mata at tuluyan ka ng nakatulog.Mag-iisang buwan na kayo sa Pilipinas pero hindi pa rin nakumpirma ng publiko kung totoong nakabalik ka na nga ba. Mag-iisang buwan na rin kayong tatlo ni Yeng at Shin na hindi lumalabas sa bahay. Doon lang kayo nagtatambay. Para kayong preso na hindi makalabas. Isang araw nagkakatuwaan kayong tatlo sa swimming pool ng dumating ang mga kuya niyo na may dala-dalang pagkain.
"Hi girls!" Bati ni Erik sa inyo.
Umahon naman kayo sa pool at pinuntahan sila sa picnic area ng bahay ninyo.
"Hi Kuya! Kamusta rehearsal?" Bati mo dito sabay beso. Ganoon din ang ginawa ng dalawa sa mga boys.
"Okay naman. Kayo, kamusta dito? Mukhang nagkakatuwaan kayo ah? Pinagkaisahan ka naman ba ng dalawa?" Sabi naman ni Mark.
"Uy ha! Grabe ka naman kung makapagsabing pinagkaisahan namin si Sarah. Ano tingin mo sa amin?" Depensa ni Shin na natatawa.
Napuno ng halakhakan, kwentuhan, harutan ang meryendang yun. Iniiwasan din kasing maungkat ang mga nangyari sa tatlong taong nakalipas. Puro kayo kalokohan, kantyawan at syempre hindi mawawala ang kantahan. Tumikhim naman ng malakas si Mark kung kaya napalingon kayo ditong lahat.
"Girls, one month na kayo dito. Wala ba kayong balak lumabas?" Untag sa inyo ni Mark.
Nagkatinginan naman kayong tatlo at ikaw na mismo ang sumagot.
"Napag-usapan namin na magtatayo kami ng D'Champs Cafe. Yung katulad ng business naming tinayo sa New Zealand para naman may pagkakaabalahan kami. Nababagot na kasi kami dito eh." Paliwanag mo sa kanilang tatlo.
"Hindi ba kayo magpapakita sa mga kaibigan ninyo? Tinatanong nila kami kung nandito na kayo. Pero tinatanggi namin. Sinasabi lang namin na wala kayo dito." Sabi ni Erik na kumakain ng mansanas.
"May pakiusap kami sa inyo. Nakakita na kami ng place kung saan pwede itayo ang cafe na balak namin. Malapit lang sa ABS yun. Kayo na ang mag-meet sa owner kasi magma-migrate yun. Kayo na ang magpirma ng kontrata." Shin.
"Don't worry, alam niya na kami ang bibili sa shop niya. Sinabi namin na kayo na lang ang representative sa pirmahan bukas. Tamang-tama naman kasi nasa ABS kayo bukas." Dagdag ni Yeng.
"Sa opening ng D'Champs Cafe, imbitahan niyo lahat ng mga kilala natin. Doon kami magpapakita sa kanila." Dagdag mo din dito.
"Mukhang nakaplano naman kaya sige, susuportahan namin kayo. Siyanga pala, nag-leave kami sa work for two weeks para makapag-unwind tayo. Medyo malayo pa pero planado na lahat. Nakakita na ako ng place na sobrang private sa Palawan. Pwede tayo doon pumunta. Nakahiram ako ng private helicopter sa isang friend ko. Yun ang magdadala sa atin sa Palawan." Sabi ni Christian.
"Wow! Makakapag-Palawan ulit tayo. Thank you Kuya! The best talaga kayo. Kailan tayo aalis?" Masayang tanong mo kay Christian.
"Next month pa. Tatapusin lang muna namin ang mga trabaho." Sagot ni Christian.
Nagpatuloy ang katuwaan niyo sa swimming pool ng nagdesisyon din ang mga boys na samahan kayo. Lumipas ang dalawang oras bago kayo magdesisyong umahon para maghanda ng hapunan. Kayo ni Shin ang nagluto habang si Yeng at Erik naman ay nilabhan na ang mga ginamit niyo sa swimming. Si Christian at Mark naman ay hinugasan ang mga ginamit niyo kanina sa meryenda.
BINABASA MO ANG
One Great Love (AshMatt)
FanfictionHow can two former lovers find love in their hearts after drifting apart? Is there a chance that two former lovers find their way back in each other arms? Find out how Matteo and Sarah struggled in ther love life. A story about love and friendship o...