c h a p t e r t w e n t y o n e
THIRD PERSON'S POV
2019, November
B.A. 6, 11:05 p.m.Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ni Lance habang pinagmamasadan ang paglayo ng kalaban niya na walang iba kundi si Rain. Hindi niya maikaila ang paghanga.
Kahit na ilang saglit lang na nagtama ang mga mata nila, ang mga oras na iyin ay napakamakabuluhan para sa kaniya. Matagal na niyang hinihintay ang taong ito. Hindi pa siya sigurado noon kung babae nga ba ito ngunit ngayong nalaman na niya, hindi niya mapigilan ang sariling matuwa. Hindi man ito makikita sa kaniyang mukha pero sa isip niya, sobrang paghanga ang tingin niya sa dalaga.
Ang katotohanan niyan, noong nakaraang limang taon, una niyang nasaksihan ang mga matang iyon. Hindi niya mapagtanto kung sino ito sa kaniyang mga galaw kaya hindi siya sigurado ngunit alam niyang para siyang kunehong nahulog sa isang patibong. Hinahanap niya ito at nagbabakasakaling makita niyang muli ang mga matang iyon ngunit walang nangyari. Hanggang sa araw na ito. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang tuwa.
Sa kabilang dako naman, napakuyom ng kamao si Ace habang nakatitig kay Rain na naglalakad papunta sa taong nagpaputok ng baril. Pilit niyang inaanalisa ang galaw na napanood niya kanina, ang galaw ng dalaga. Hindi siya natutuwa sa nangyari.
Bumalik sa kaniya ang pangyayaring hindi na niya nais balikan at gusto na lamang burahin ngunit hindi niya magawa dahil kinain siya ng galit at poot. Nagngangalaiti ang binata sa galit at naglalagablab ang kaniyang mg mata.
"The Night Queen," bigkas niya nang may tapang at pagkasuklam sa pangalang iyon. Hindi na niya mapigilan ang sarili at hinugot ang isang punyal at ibinato ito papunta sa kinaroroonan ni Rain. Gulat na lumingon ang mga kasama niya sa kaniya. Ngunit nahawi ito ni Rain gamit ang kaniyang katana na pagkuwa'y humarap sa taong biglang umatake.
RAIN'S POV
I felt something coming towards me and I knewnit was from him. What the heck is his problem? Kasabay ng paghawi ko sa punyal ay ang pagharap ko sa kaniya. Tahimik lang ang mga nanonood. Yayapak na sana si Pin pero pinigilan ko siya.
Naglakad ako ng tatlong yapak sa gitna ng ring at iniangat ang kamay ko saka sumenyas na lumapit siya. Rinig niya ang mga pagtawag ng mga kasama niya sa kaniya habang naglalakad ito palapit sa akin, nakakuyom ang kamao at mukhang mangangain.
Nang isang metro nalang ang namin sa isa't isa sumugod siya gamit ang double blade na pagmamay-ari ni Lance. Maririnig lamang ang pagtalsik ng mga nagtatamang espada namin at ang mga paang lumilipat, tumatalon at sumisipa.
THIRD PERSON'S POV
Hindi makapaniwala ang mga kasama ni Ace. "He's gone mad. He really is," sambit ni Duane. Sumang-ayon naman ang iba maliban kay Lance at Alex. Nagtagal ang labanan ng halos kalahating oras. Ramdam nilang nilalaro lamang ng Night Queen si Emp.
Sa huling pagsugod ni Ace, hindi niya inasahan ang mabilis na takbo ng dalaga kasabay noon ng mabilis na paghiwa nito sa kaniyang tiyan. Bumagsak si Ace habang nagsisihiyawan ang mga tao. Mabilis namang umagapay ang mga kasama ng binata at dinala siya sa emergency area ng B.A.N.G. at doon ginamot.
Sa huling pagkakataon, nasulyapan ni Lance ang Night Queen at umalis sila para tulungan si Ace. Lumapit naman ang isa pang Supreme kay Rain at kasabay noon ay ang kanilang biglang paglaho. Hindi iyon napansin ng mga nanonood.
RAIN'S POV
"Taking the spotlight all to yourself?" I rolled my eyes. Tss. Who would've thought that he will attack me? He's seriously insane. I have no mercy in the field of B.A.N.G. and I nearly killed him but I spared him. I still need to know why he attecked me. If he knew me personally or whatever that's behind his motive to do that, I need to know.
YOU ARE READING
The Night Queen
ActionTHE SUPREME TRILOGY BOOK 1 Rain Louise Scott, a candidate for B.A.N.G. Merlin, has sent herself on a quest, finding the pieces of the Witch's knot. But along the way, she came across the reaper of death for all that she was finding was more than wha...