Chapter 42

5.2K 174 2
                                    

c h a p t e r       f o r t y     t w o

RAIN'S POV

"I should've known," Alex said when he woke up. His was outraged by what happened and also the fact that he was kidnapped. I was behind the interrogation room, watching them in a tinted mirror while Pin does the interrogation. Hindi ko nais palagpasin ang isang pangyayaring maaaring magdulot sakin ng problema lalo na't arami nh parami ang nakakakilala kung sino ako.



"I'm not going to ask twice. Do you have a copy of the footage? If so, where and whom did you give it?" tanong ni Pin. I am certain that Alex wouldn't be so dumb to just keep one file in his laptop. That's never going to happen. He must've sent them already to the other members of the Thanatos. He scoffed when Pin asked the question like he was expecting it already. He's got some wits with him despite his situation. Nakatali lang naman siya patiwarik and beneath him were sharp looking knives pointed upwards.


Tumingin siya sa kinaroroonan ko at ngumiti na parang nang-aasar. "I know you were watching," he said. Iniwan ko sila doon at nagtungo sa opisina ko. I have to look for the other clip. Hindi ako naniniwalang si Alex lang ang may kopya noon. Kung sakali mang mayroon pang isa, kung hindi ako nagkakamali, ito ay walang iba kung hindi ang taong iyon.






THIRD PERSON'S POV

Nakatulala si Ace sa kawalan. Inaalala niya ang mga nangyari. Hindi pa umaabot sa kaniya ang balita na sinugod ang bahay nila Alex at bugbog sarado ang mga kaibigan niya. Bumalik sa kaniyang ala-ala ang sinabi ng kaniyang ama kani-kanina lamang matapos umalis ni Lance.



"If you can't find her in three days, you know what's going to happen."



Masyadong nabahala si Ace sa banta ng kaniyang ama. Hindi niya lubos maisip na maaaring mangyari ulit ang nakaraan. Biglang tumunog ang kaniyang phone. Inabot niya ito at nakita ang email ni Alex dahilan ng kaniyang pagkalito. Bubuksan niya na sana ito nang biglang isang malakas na kalabog ang narinig niya. Agad niyang nilisan ang kwarto at tumakbo pababa. Doon, naabutan niya si Lance na nakatayo at ang kaniyang pintuan na bumagsak sa sahig.



Nawala ang emosyon sa mukha nito at sinipa ang isang vintage vase na nakapatong sa mesang katabi niya, papunta kay Lance. Sinangga naman ng binata ang braso niya at nabasag ito. "I told you not to show up or you'll regret it," bigkas ni Ace at sinugod si Lance. Sumuntok siya ngunit nakailag ang binata. Panay suntok, sipa at balibag ang ginawa nila. Maraming bagay ang nabasag at nasira at parehas silang may mga pasa at sugat.


Hindi nagtagal parehas silang nakahandusay sa sahig at naghahabol ng hininga. Tumunog ang telepono ni Ace at sinagot niya ito. Nanlaki ang mga mata niya ng malaman ang nangyari kila Xan at ang pagkawala ni Alex. Tinignan niya si Lance at binigyan ng nakakamatay na tingin. "You knew Alex was missing," sambit nito.



"What else do you know?!" hinigit niya sa kwelyo ang binata. Naalala nito ang email ni Alex kaya binitawan niya si Lance at hinanap ang kaniyang telepono ngunit hindi pa niya ito naaabot ay malakas na alingawngaw ng putok ng baril ang kanilang narinig kasabay ng pagtalsik ng pirapirasong parte ng telepono. Napunta ang tingin nila sa taong naroon. Hindi nila matukoy kung sino ito dahil maliban sa nakasuot ito ng itim na kasuotan, nakatago rin ang kabuuan ng kaniyang mukha at pati na ang kaniyang ulo. Ngunit, nanlaki ang mga mata nila nang makita ang maskara nito. Kutuzov, isip nilang dalawa. Nandilim ang paningin ni Ace at sinugot ito. Ngunit may isa pang lumaban sa kaniya. "Jared..." aniya. "Not so fast, Emp."



Hinila ni Jared si Ace at ibinalibag ito ngunit hindi rin bumitaw ang binata sa pagkakahawak niya sa manggas ng lalaki at agad itong hinila pabagsak sa sahig. Sumuntok ito ng dalawang beses at sinipa si Jared. Nagpaputok naman si Rhys ng kaniyang baril. Siya si Kutuzov, ang twin brother ni Rain at ang Supreme ng BA8 (Germany). Humugot pa ito ng isang baril at saka itinutok sa dalawa, Ace at Lance. "What do you want?" Ace asked. Nagngangalit ito sa galit at nandidilim ang kaniyang paningin. "Not so fast," sagot naman ni Rhys. Ace grinned and said, "You sure know how to make a mess, Scott."





The Night QueenWhere stories live. Discover now