Chapter 32

6.3K 177 0
                                    

c h a p te r        t h i r t y   t w o

THIRD PERSON'S POV

Hindi pa nagagawang magpokus ni Rain dahil sa kaniyang pagkahilo, biglang dumating si Spider. Hindi ito nagdalawang isip na binaril si Rain ngunit gumulong ang dalaga patago sa likod ng pader. Panay ang pagpakawala ni Spider ng mga putok ng baril sa kinaroroonan ni Rain. "Come on Queen, I didn't know you like hide and seek," mapanlokong sambit ng binata. "I don't," sagot ni Rain saka ibinato ang vase na nasa tabi niya.




Binaril ito ni Spider kaya naman kinuha iyong pagkakataon ni Rain para magpadulas papunta sa kinaroroonan ng lalaki at sinipa ang mga paa nito na dahilan ng kaniyang pagbagsak. Kakabitin pa sana iyon ng lalaki ngunit nasapak siya ng dalaga at siniko ni Rain ang braso niyang may hawak ng baril. Napadaing sa sakit si Spider at nabitawan nito ang baril.




Ilang beses na pinagsusuntok ni Rain ang mukha ng lalaki ngunit may natitira pa itong lakas at hinila si Rain at nagpagulong gulong sila sa mga basag na salamin. Pilit kumakawala ni Rain ngunit dumadagdag sa pagkahilo niya ang paggulong nila. May nakita siya na isang piraso ng basag na salamin kaya naman inabot niya ito at isinaksak sa mata ng binata.




Bumitaw ang binata at sumigaw sa sakit. Tumayo si Rain kahit na naduduwal ito at hinanap ang kinaroroonan ng baril. Pagewang gewang siyang naglakad papunta rito at pinulot ang bagay ngunit tumalon sa likod niya si Spider at pilit siyang sinasakal. Bumagsak sila sa sahig at nakagapos sa leeg ni Rain ang braso ng binata. "I told you didn't I? That if we meet again, you'll going to die," may tagumpay na sambit ng lalaki.




Kaunti na lamang at maaabot na ni Rain ang baril at nagawa nga niya. Naabot ni Rain ang baril at pinaputukan ng walang pag-aalinlangan ng ulo ng lalaki ng tatlong beses. Bumagsak ito sa gilid niya at bumangon siya sa pagkakadapa. Itinutok niya ang baril sa nakahandusay na lalaki at binaril ang mukha nito hanggang maubos ang bala.




Ginawa niya ito ng nakangiti. Matapos maubos ang bala napatingin siya sa baril at unti unting lumingon sa kaniyang dibdib kung saan dumadaloy ang kaniyang dugo. Naramdaman niyang may gumalaw sa kaniyang likuran kaya naman unti unti siyang lumingon. "Hello?" sabi niya na animo'y nagbago ang tono ng kanoyang pananalita. Tila para itong bata na may kausap na estranghero.




Naglakad siya papalapit ng papalapit sa kinaroroonan ng lalaki na dumadaing sa sakit pero natigil nang mapagtanto ang nangyayari. Sa pagitan ng binti ng dalaga nakita niya sa likod nito ang lalaking duguan ang mukha.




Hinanap niya kung nasaan ang mga baril niya ngunit nasa malayo ito. Inangat ni Rain ang hawak niyang baril at kinalabit ito ngunit walang lumabas sapagkat naubos ang bala doon sa isang lalaki. Hindi pa nakakapagsalita ang lalaki nang saksakin siya ng dalaga sa dibdib at hiniwa ito.




Sumigaw sa sakit ang lalaki. Parang batang kumikislap ang mata ng dalaga ng makita ang isa sa mga bagay na matagal na niyang hinahanap. Gamit ang kaniyang kamay, ipinasok niya ito sa loob ng sugat at kinuha ang isa sa mga piraso. Nang makita niya ito sa malapitan dinilaan niya ang dugong nakabalot dito.




"Queen!" Napunta roon ang atensiyon ni Rain kaya naman mabilis pa sa alas kwatrong tumakas ang lalaki. Ang kaninang kakaibang personalidad ni Rain na hinding hindi mo nanaising makita ay biglang nagbago kasabay ng pagbagsak niya. Hindi niya alam kung ano ang sumunod na nangyari.














RAIN'S POV

May biglang pumitik sa noo ko. What the heck? Hinanap ko kung sino ito at walang iba kung hindi si Pin. I shoot him with dagger eyes. Tss. "Time?" I asked because I couldn't find any watch around the place. It was all pure white. Hindi siya sumagot. He rolled his eyes and took something at a pushcart. He's got the nerve to roll his eyes on me?




The Night QueenWhere stories live. Discover now