Chapter 29

6.8K 196 0
                                    

c h a p t e r      t w e n t y   n i n e

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos sabihin ni Rain kung sino ang mga pupunta sa kabila at kung sino ang sasama sa kaniya, tinahak nila Cliff, Joker at Harry ang kaliwang bahagi ng lugar.



Agad nilang ginawa ang inutos ni Rain na set up. Ngunit bago pa nila iyon matapos, nagsidatingan ang mga armadong katao. "I knew it," sambit ni Cliff habang hinahanda ang sarili sa maaaring mangyari. "Queen's right," dagdag pa ni Harry habang pinapalibutan sila ng mga kalaban. "Cliff, do what you have to do. We'll cover you," ani Joker saka sumugod. Hindi nagtagal nagsimula ang labanan.



Panay ang suntok, sipa, at putok ng baril ang maririnig. Kabilang na dito ang mga daing ng mga kalaban. Sila Harry at Joker ang lumalaban habang tinatapos ni Cliff ang pagset up sa gamit. May sumugod papunta sa kaniya at walang awa niya ito binaril kahit na hindi niya ito tinitignan.



"How much time do you need?" putol putol na tanong ni Harry habang umiilag sa suntok ng kalaban. Nakahanap ito ng tiyempo at nahuli ang braso nang kaniyang kalaban saka niya ito ibinalibag. "Just 4 more minutes," sagot naman ng binata.



Ngunit wala pang isang minuto nang marinig nila si Rain na magsalita. "Abort...mission. Abort mission," mahina nitong bigkas at paputol putol ang linya. Nanigas ang mga kalalakihan sa kanilang kinaroroonan lalo na si Cliff nang marinig ang boses ni Rain. Mahina man ito ngunit napakalinaw ng mensaheng kaniyang narinig. "F—ck!" bulalas niya. Nandilim ang paningin nito at habang hindi maitatanggi ang kanilang kaba sa ideyang maaaring totoo.



"Cliff! Get it done!" sigaw ni Joker at galit na sinakal ang isang kalaban na may hawak na katana at saka itinapon ito sa iba pang natitirang nakatayong mga kalaban. Mabis ding umagapay si Harry sa pagpapatumba sa mga ito. "Page Queen," dali daling sabi ni Cliff kay Harry matapos matumba ng huling kalaban. "She's not connected anymore," sagot nito.



Nagliyab sa galit si Cliff at iisa lang ang gusto niyang gawin sa mga oras na iyon. Agad nilang tinungo ang kinaroroonan nila Pin.



Nadatnan nila ang nakikipaglaban na sina Hitler at Pin. Mabilis inatake ng tatlo ang mga natitirang kalaban. Pagkabagsak ng huling kalaban ay tinutukan niya ng baril si Hitler ngunit sa hindi inaasahan parehas silang nagtaas ng baril.



"Lay your cards you son of a bitch!" galit na galit na singhal ni Cliff kay Hitler. Kahit na alam na nila ang katotohanan, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Hindi niya inasahan ang kaniyang nasaksihan. Napangisi si Hitler.



"You know what I learned?" nakangisi niyang sabi na parang wala lang sa kaniya na may nakatutok na baril sa mukha niya. "A killer will always be a killer," matigas niyang pagbibitaw. Ninanais ni Cliff na hindi iyon totoo.



Biglang bumalik sa memorya niya ang mga pinagsamahan nilang tatlo nila Harry pati na ang ibang mga kasama nila sa anim na taong nakalipas.



"Hit, have you ever had a girlfriend?" Cliff asked with full of curiosity while removing his boxing gloves. They had just finished their training for the day. "Tss. I don't need one," Hitler answered without a hint of interest about the topic. Hindi naman kasi ito gaya ng ibang usapin nila.



"He doesn't need one because he already have one," panunukso naman ni Harry na kagagaling lang sa counter at may hawak na protein drink. "Can't you see? He's inlove with Qu—" binato ni Hitler si Harry ng boxing gloves na hawak nito bago pa man matapos magsalita si Harry at saka iniwan sila doon. Ngunit hindi sila tumigil at sinundan si Hitler dahil nasisiyahan sila sa reaksyon ng binata. Hindi man ito mahahalata ni Rain ngunit sa kanilang mga lalaki, alam agad nila kung may nararamdaman ang kapwa nila lalaki.



The Night QueenWhere stories live. Discover now