c h a p t e r t h i r t y
THIRD PERSON'S POV
"A rock!" May malaking tipak ng bato ang biglang bumagsak kaya naman sa sobrang bilis ng takbo ng motor ng binata, tumagis ang likod ng motor sa bato dahilan para matumba sila at gumulong. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ng dalawa pang kasunod na motor kaya naiwasan nila ito ngunit critical ang lagay ni Pin.
Bumaba si Harry para tulungang tumayo ang binata ngunit hindi tinanggihan niya ito at tinuro si Hitler na putlabg putla na dahil sa dami ng tama ng baril at gumulong pa dahil sa kanilang pagkakatumba. "Take Hitler and go!" Utos ni Pin kay Harry. Nanlaki ng mg mata nila dahil sa biglang sinabi ng binata kasabay ng unti unting pagguho ng lugar. "GO!" Halo halong emosyon ang nararamdaman nila sa mga oras na iyon at nagdadalawang isip kung iiwan na lang ba nila si Pin.
Ngunit sa kabila nito, binuhat pa rin ni Harry si Hitler at sinakay sa motor niya. Binarurot ni Joker ang motor niya at pilit na sumunod si Harry. Pabalik blik ang tingin niya kay Pin na naiwan doon. Hindi niya mawari kung tama ba ang kaniyang ginagawa.
Napatingin ang binata sa mga nahuhulog na mga lupa at bato saka sa hita niyang may nakatusok na bakal na galing sa mga nasa gilid ng hindi natapos na sinesemento na hindi nakurba. Tinanggal niya ang kaniyang damit at kinagat ito saka itinali paikot sa tama ng bakal. Hindi niya iyon hinugot sapagkat mas maraming dugo ang mawawala at baka may matamaan siyang ibang ugat na maaaring pumatay sa kaniya.
Halata sa kaniyang mukha ang pamumutla at puno ng pawis ang katawan at mukha niya. Malayo ang kinaroroonan ng kaniyang motor at hindi rin kaya ng isa niyang paa ang maglakad pero pinilit niyang magpunta rito. Madami na rin siyang gasgas at pasa. Habang ppunta siya sa kinaroroonan ng motor, may biglang tumama sa balikat niya dahilan upang matumba ito sa pangalawang pagkakataon at mas lalong sumakit ang sugat niya sa hita. Nahulugan ng bato ang kanang bahagi ng balikat niya kaya naman namamaga na rin iyon.
Kaunti nalang ang pagitan nila sa motor. Ang problema nalang ay kung paano niya ito itatayo. Gamit ang lahat ng natitira niyang lakas, itinayo niya ito kahit na nahihirapan ang balikat niya. Sumakay siya rito at pinaandar ngunit hindi ito umandar. Mas lumalala ang pagguho.
Pinaandar niya pa ng ilang beses kahit na maririnig ang tuloy tuloy na dumadagungdong na pagbagsak ng mga tipak ng bato at lupa. Palakas ng palakas ito.Mula sa kinaroroonan niya, mayroon na namang malaking tipak ng lupa ang nagbabadyang babagsak. Hingal na hingal niyang sabi sa sarili, "Come on. Come on!" Ilang ulit pa niya itong pinaandar at sa huling subok niya, ito ay gumana. Nanginginig ang kaniyang braso sa sobrang sakit ng kaniyang balikat. Kasabay ng pagbarurot ng motor niya ay ang pagbagsak ng lupa. Mabilis siyang nagmaneho palabas ng lugar na iyon. "Harry. Harry. Come in," tawag niya sa earpiece niya habang diretso siyang makalabas.
May mga trabahador ang nagulat nang makita siya kaya naman binilisan niya ang kaniyang takbo. Mayroong sumubok na habulin siya o pigilan siya at maririnig rin ang putok ng mga baril. Armado ang mg ito pero mabilis siya kaya hindi iyon naging problema. Ilang minuto pa ay narinig niya ang boses ni Harry. "Harry to Pin. Mansion," sambit nito. "I'm on my way," sagot ng binata at mas binilisan pa ang kaniyang pagpapatakbo
"Is he still alive?" Pinakiramdaman ng doktor ang pulso at paghinga ni Hitler matapos dumating ang mga ito. Nakahanda kasi sila sa mga ganitong sitwasyon ngunit hindi nila inasahan na malala ang tama nila dahil hindi naman gankto dati. Agad nilang dinala si Hitler sa operation room ng mansion. Lingid man sa kaalaman ng ordinaryong tao, ng mansion na iyon ay hindi lang basta basta. Malawak ito at may mga kagamitan na hindi lang sa hospital matatagpuan.
YOU ARE READING
The Night Queen
ActionTHE SUPREME TRILOGY BOOK 1 Rain Louise Scott, a candidate for B.A.N.G. Merlin, has sent herself on a quest, finding the pieces of the Witch's knot. But along the way, she came across the reaper of death for all that she was finding was more than wha...