c h a p t e r t h i r t y o n e
THIRD PERSON'S POV
—an hour before the raid—
Pagdating nila sa villa, agad nagtungo ang lalaki sa kinaroroonan ni Rain. Pumasok ito sa loob ng kwarto kung saan nakahilata si Rain at natutulog. Napangiti ito nang makita ang kaniyang anghel. Linapitan niya si Rain at yumuko sabay sabing, "Hello, love."
Labis ang tuwa niya nang makita si Rain saka humalik ito sa kaniyang noo. Pinadali niya ang kaniyang mga daliri sa daliri ni Rain paakyat sa kaniyang braso nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Spider. "What did you do to Andrews?" pigil ang galit niya. Hindi man lang nagitla ang lalaki at nakangiti pa rin habang nakatitig sa walang malay na Rain. Unti unti niyang iniangat ang daliri niya para isenyas na tumahimik siya.
"My lady's sleeping," saad nito. Unti unting umayos ng tindig ng tayo ang lalaki at nilingon si Spider. Mula sa nakangiting lalaki kanina, tila nawala ang kahit anong bakas ng tuwa sa mukha niya. "What did you do to Andrews? He wasn't picking up my calls and suddenly you barge in here. What the heck?" tuloy tuloy na litanya ni Spider.
"I assume you have already heard the news," kalmadong sambit ng lalaki at lumingon ulit kay Rain. Mabilis ng pangyayari nang bigla na lamang tumilapon si Spider sa pinto at bumagsak sa sahig habang umuubo dahil sa natamo. Bigla kasi siyang sinipa ng lalaki at sa sobrang lakas tumilapon pa siya. May mga patak ng pulabg likido ang bakas sa sahig at galing iyon kay Spider.
"Get the plane ready. Wheels up in 5," utos niya saka tinutukan ng baril si Spider. Wala itong nagawa kundi sumunod sa utos. Isang halik ang iginawad ng lalaki sa pisngi ng dalaga bago tuluyang lumabas.
2019, November
Philippines, 3:30 p.m.Hindi naman mapakali si Lance sa kaniyang kinatatayuan dahil magsisimula na ang huling pagsasanay nila sa sayaw at wala pa rin si Rain. "Dude, did she just stood you up?" natatawang tanong ni Duane dahil ngayon niya lang nakita si Lance na labis na hindi mapakali. Sa totoo lang, lahat sila. Maliban kay Ace na hindi kasama ang mga ito sa mga oras na iyon.
"Maybe she didn't like the way you dance," panggagatol pa ni Rude. Humagalpak naman sina Xan, Duane, at Hadrian. Sinamaan niya lang ito ng tingin at naupo na lamang sapagkat wala siyang magagawa. Ni hindi rin kasi nila alam ang contact niya.
"Mr. Riverdale, is there a problem?" tanong ng instructor. "His partner's missing in action!" sigaw ni Xan. Hindi kasali ang mga ito sa sayaw dahil sa ibang departamento sila. Narito lang sila para manood. "Is Miss Louise not present today?" Tumugon ang mga ito. Hindi pa rin maintindihan ni Lance kung bakit wala si Rain kung kailan huling ensayo na ito.
"You shouldn't probably date her. She's way too good for you," biglang sambit ng isang babae na nasa edad kinse anyos kay Ace na may inaayos na mga papel. Halata rito ang pagiging kabataan niya dahil sa kaniyang buhok na kamakailan lang ay pinalitan na naman niya ng kulay. Dati ay kulay pink at ngayon naman ay ash gray.
"I'm guessing maybe Lance can date her." Ito ang mga katagang nagpahinto kay Ace sa pag-aayos ng mga papel at pabagsak niya itong inilagay sa mesa. Tila ba nainis siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit. Kaibigan niya si Lance at hindi sila nag-aaway sa mga simpleng bagay pero kung ang pag-uusapan ay si Rain, tila nawawalan siya ng tiwala at hindi niya iyon maipaliwanag.
"Tell Dad I'll be late tonight. That fucking Night of the Jubilee will be held tonight," sambit niya at tinanggal ang salamin saka minasahe ang kaniyang sentido. Hindi siya pumasok sa araw na iyon dahil may ipinagawa sa kaniya ang kanilang ama kaya naman hindi siya lumabas ng bahay nang maghapon.
YOU ARE READING
The Night Queen
ActionTHE SUPREME TRILOGY BOOK 1 Rain Louise Scott, a candidate for B.A.N.G. Merlin, has sent herself on a quest, finding the pieces of the Witch's knot. But along the way, she came across the reaper of death for all that she was finding was more than wha...