c h a p t e r t h i r t y e i g h t
THIRD PERSON'S POV
"Dad called."
"We're having dinner tonight."
Napaupo si Ace nang wala sa oras. May tawag siyang natanggap kanina rin lang at ngayon, dadating ang kanilang ama. Bigla ulit bumukas ang pinto at si dumungaw ang kapatid niya sabay sabing, "And wear something formal."
"Where's dad?" tanong ni Ace. Halatang kinakabahan ito. Matagal noong huli silang nagkitakita. Madalas kasi itong nasa ibang bansa para asikasuhin ang kanilang mga business. Ngayon lang ulit sila magkakasama sa hapagkainan makalipas ang sampung buwan. "He'll be here in 10 minutes," kalmadong sabi ni Sophia. Kung si Ace ay kinakabahan, kabaliktaran naman siya ni kapatid niya. Masyado siyang inosente sa mga nangyayari.
Inaya sila ng babae papunta sa loob kung saan nakareserba ang kanilang mesa. Ang kabuuan ng lugar ay elegante at masasabing pang-mayayaman lamang ng makakakayang magpareserba dito. Mataas ang kisame at naglalakihang chandelier ang nakakabit. Tila ang tema nito ay European gothic. Bagaman malawak ito, walang ibang tao ang naroon kung hindi sila lamang.
"Did Dad rented this whole floor?" agam-agam ni Sophia. Wala nang suspetsya para kay Ace dahil lagi nang ganoon noon pa lamang. Alam na niya kung bakit dumating ang tatay nila ngayon at iyon ay kung gusto niya, na hindi madalas, at tuwing may kailangan silang pag-usapan. Masasabing, ang pangalawa ay ang pinakarason kung bakit.
Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-inom ng wine, bumukas ang pinto at pareho silang napatayo. Pumasok ang lalaking nakasuot ng pormal na pananamit at may postura kung maglakad. Matiim ang kaniyang itsura at walang mababakas na kung ano mang saya o pagkagalak sa kaniyang mga mata. Nagtama ang mga mata nilang dalawa at ramdam ni Ace ang lamig ng mga ito.
Inilapag na nila ang pagkain matapos nilang umupo. Hindi mapakali si Ace sa kaniyang pakiramdam. Habang kumakain, kausap ni Sophia ang tatay nila hanggang sa mapunta kay Ace ang pokus. "Well, what about you Ethan?" Nagitla ang binata at sinamaan siya ng tingin ni Sophia.
"Great. I've been busy lately."
"I suppose this was not a young gal."
"What? No. No."
Ang boses ng ama niya ay tila nagbabanta kaysa may agam-agam. "Sophia, honey. I brought gifts and I must've forgotten them on the car. Will you go and take them for me?" Tumigil sa pagkain si Sophia at ngumiti siya ng alanganin. "O-Okay." Tumayo siya at umalis.
Tahimik ang buong lugar maliban sa kutsilyong kumukuskos sa plato. "I suppose you've got something else," may malalim na kahulugan sa sentimento ng ama ni Ace at hindi man lang ito tumingin sa kaniya habang may hinihiwang steak. Nilapag niya ang kaniyang tinidor at hindi nakapaghanda si Ace sa susunod na ginawa ng ama. Ibinato nito ang kaniyang hawak na kutsilyo at tumama ito sa upuang nasa likod ni Ace kasabay ng masakit na pakiramdam sa braso ng binata. Dumaloy rito ang dugo ngunit hindi mapapansin sa kulay ng kaniyang coat.
"I didn't send you to that motherf*cking school to seduce a naive girl. I sent you to get information," tila leon na sigaw ng kaniyang ama. Sa pintuan, nagulat si Sophia sa narinig. Kagagaling niya sa baba at tila nag-aaway ang kaniyang kuya at ama. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang nakikinig.
"Three of the peices were already taken. It's for you to find out who took it," sabi ng ama nila. Hindi naman nakapagsalita si Ace. Gulong gulo naman si Sophia kung anong pinagsasabi nila. "I'm giving you a three week headstart and if you don't find me the pieces..."
YOU ARE READING
The Night Queen
ActionTHE SUPREME TRILOGY BOOK 1 Rain Louise Scott, a candidate for B.A.N.G. Merlin, has sent herself on a quest, finding the pieces of the Witch's knot. But along the way, she came across the reaper of death for all that she was finding was more than wha...