ADIK SA BUNOT-BUNUTAN!

748 23 23
                                    

Sa harap ng school namin eh may hile-hilerang mga tindahan na nagtitinda ng kung ano't ano. Nandiyan yung mga teks (mga baraha na hango sa mga anime kung alam niyo), mga meryenda at syempre ang favorite ng mokong na ito nung Elementary...and Bunot-bunutan!

May iba't ibang uri ng bunut-bunutan. Nandiyan yung may premyong laruan pero ang gustong-gusto ko noon eh yung may premyong pera. Mantakin mo naman hanggang 100 yung mga naka-display na premyo...

RULES:

1. Syempre bawat bunot eh isang piso. Dahil Public school lang ako nung elementary di ganun kalaki ang baon ko noon. Kaya naman silaw na silaw ako sa perang premyo noon! 

OO na! Mukha akong PERA!

2. so bubunot ka, tapos may numero pag yung nabunot mong numero eh may lamang pera sa iyo na yung pera. As simple as that!

So balik tayo sa istorya...

Nung Grade 5 kami eh may project kami sa Home Economics kung saan ididikit mo yung mga pato na linagyan mo ng kung ano-ano sa loob. Ang bayad...tumataginting na 45 pesos!

Syempre binigyan ako ng Grandparents ko ng pambayad...Laki pala ako sa side ng grandparents ko kaya may pagka-wild ako hahaha...

Eh isa ako sa mga maagang pumasok sa school...daig ko pa si Manung Guard na ang tawag namin sa kanya ay Kuya Daga. So dahil wala pa ang mga katropa kong adik sa anime at computer games syempre tambay-pogi ako sa tapat ng school! Yeah!

Bunot-bunutan time...

Ang galing nga eh...nananalo ako...maalala ko umabot nga sa 200 pinanalunan ko...

After 30 minutes,

Nagulat na lang ako...

UBOS na ang pera ko!

Hehehehe

Kasali yung pambayad ko sa project ko...Eh last day of payment na...

Patay!

Buti na lang pinaglihi ako sa artista at sadya lang talagang maparaan ang kuya niyo kaya....

PAALALA: MGA BATA, HUWAG GAGAYAHIn...ang sasabihin ko...ITO ay HINDI MAGANDANG HALIMBAWA

Ang ginawa ko?

Umuwi ako sa bahay na umiiyak...

"Oh anong nangyari sa iyo?" tanong ng Lolo ko na concern na concern

"Eh kasi nawala ko yung pera ng pambayad sa project ko!" sagot ko sabay tulo ng luha. Ewan ko pero magaling talaga akong mag-drama eversince nung bata pa ako... Madami akong napapaniwala

"Huh?! Sige sige" tugon naman ni Lolo sabay labas ng another 45 pesos!

'PROBLEM SOLVE!' sabi ko naman sa sarili ko

HAYUN... nabayaran ko project ko at simula nun hindi na ako bumalik sa bunut-bunutan na yun...

DI MO AKALAING BABAIT AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon