Ang mga susunod na updates eh experiences ko sa Baguio...
Teen-ager ako noon nung first time kong pumunta sa Baguio, nag-stay kami sa isang base at ang kuwarto namin eh nasa attic...
Tuwang-tuwa naman ako dahil ang dream room ko eh manirahan sa attic...
Cool ang tingin ko kapag nasa attic yung kuwarto mo...
So...syempre masaya ako...
Sa tabi ng room namin noon eh ang storage room kung saan naka-store lahat o di kaya karamihan ng mga gamit ng base na yun..mga gamit ng mga bisita ika nga...
Eh nung nalaman ko na storage room syempre ang bida niyo eh mangangalkal...
"Ui! ang daming unan!" sabi ko eh sadyang marami akong mag-unan kung matulog...Sa ngayon dalawa unan ko pangatlo si Angelina Jolie, yung malaking asong stuff toy na mukhang garapata... SIla mga katabi ko sa pagtulog...
So balik tayo...
Dali-dali akong kumuha ng tatlong unan..malalaki sabay palabas na sana ako nang nasa may pintuan pala yung in charge ng hospitality sa lugar na yun...
Mukhang galit na nakapameywang pa...
"Isa lang kunin mo!" utos nito sa akin..kaya mabilis ko naman isinauli yung dalawa...
PERO HINDI NATAPOS DUN!
Time ng pagligo...
"Bro malamig ba ang tubig?" tanoong ko sa kasama namin na naunang naligo...
"Malamig bro parang naligo ka sa yelo!" sagot naman nito
"eh may heater naman sila diyaan huh!" natatawang sagot naman nung isa ko pang kasama
"Ui saan?" tanong ko kaagad
"Di mo nakita dun sa storage room?" tanong nito
"Hindi eh..kuha ako?" tanong ko sa kanila
"Sige ba.."
"Kuha ako tatlo para mas madaling uminit yung tubig" sagot ko sa kanila
Eh sadyang ignorante ako nung panahon na yun...Akala ko kung mas maraming de saksak na heater gagamitin mo mas mabilis uminit..Isa lang pala kailangan..
So balik ako sa storage room..sabay kuha ng tatlo hanggang apat na heater..at nakangising lumabas ng kuwarto ay nandun na naman si Manang Hospitality...
PATAY!
Huli na naman!
"Isa lang!" utos na naman ito na tonong galit...
Nakayuko kong binalik yung iba...
LESSON:
Makuntento sa isa hahahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/5785524-288-k307457.jpg)