TSISMOSONG BATA

346 14 27
                                    

Kung hindi niyo pansin, may nunal ako sa labi...

at madaming kasabihan tungkol diyan, keso madaldal daw at meron pa noon nagsabi sa akin na isang saleslady ng Comic Alley habang bumibili ako ng Anime DVD.

"Sir nunal po ba yang nasa labi mo?" tanong ni Sales lady na naka-smile. Syempre pag makikita mo pagmumukha ko mag-smile ka talaga. hahahaha

"Ah oo bakit?" tanong ko naman habang itinigil ang pangangalkal sa mga dvd

"Sabi nila good kisser daw pag may nunal sa labi. Ganun ba kayo sir?" tanong ulit niya

Naku! Anong alam ko diyan eh wala pa akong first kiss....nahihiya naman akong sabihin sa kanya

"Siguro, " yung lang sagot ko na nahihiya...

PERO!

hindi yun yung kwento ko ngayon...

ang kwento ko ngayon eh kung gaano ko tinalo si Boy Abunda makakakuha lang ng scoop...

Aminado akong tsismoso ako nung bata...Nung bata lang...

at ang palagi kong biktima....syempre ang Ate ko...

May time kasi na may nagboarding na classmate niya sa bahay namin at alam niyo naman ang mga babae pag sila nag-usap sa may kuwarto maraming mga sikreto ang pinag-uusapan kaya naman curious ako palagi...

Naalala ko pa na kailangan kong magtago sa ilalim ng kama niya at maghintay ng ilang oras bago pumasok ang ate ko tsaka yung classmate niya at sinimulang pag-usapan ang crush nila...

Pinipigilan ko ang tawa ko habang naririnig ang mga sikretong detalye ng mapansin ata nila ang paimpit na pagtawa ko...hayun sumilip sila sa ilalim at sabay lakas naman ng tawa ko...

Lumabas ako sa ilalim ng kama ng punong puno ang buhok ng kung ano-anong agiw eh sadyang wala akong pakialam kahit madumihan ako..makakuha lang ng scoop!

DI MO AKALAING BABAIT AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon