SI MANONG SISA!

412 17 9
                                    

Highschool...

Dahil ako'y hindi na absingero syempre madami ng natuwa sa akin...Isa nga ako sa mga Group Leader. So may sampu akong mga utusan at kawawa sila kasi baliw leader nila, yun tuloy pag may group activity...second to the last kami..kasi EASY GO LUCKY ako...

Madiretso ako sa punto,

so sa Filipino subject namin isang araw nag-announce si Ma'am

"Sa susunod na meeting ang mga Group Leaders ay gaganap bilang Sisa!" sambit ni Ma'am. Nanlaki ang mga mata ko...

Group leader ba sabi niya?

Eh ako yun huh!

Si Sisa di ba girl role yun...

Magrereklamo sana ako pero dahil hindi na nagreklamo yung isa pang lalakeng group leader eh di na ako nagsalita...

Itong si Johnry naman kasi (yung isang lalakeng group leader), sobrang mahiyain..di man lang nagsasalita...pero matalino talaga ang mokong na yun...UPCAT passer nga siya at ngayon eh nagtratrabaho na sa munisipyo namin...

"Dapat naka-costume din kayo!" dugtong pa ni Ma'am

Ano?! Costume!

Ibig sabihin magdadamit babae ako?!

Patay!

Yari!

Anong Nangyari?

Syempre sumunod ako...Binulabog ko ang Lola ko at humiram ako ng daster niya..maalala ko eh kulay pula yun at dahil walang wig sa bahay, hindi na ako nag-wig...

Pahirap naman ito oh!

Ang itsura?

Imaginin niyo, Spikes ang buhok na nakasuot ng daster...Ganun itsura ko noon...At dahil Actor talaga ako...Di ako nagandahan sa mga performance ng mga ibang group leader...

Wala silang ka-art-art! Mani lang yan sa akin..

Eh magaling akong magpakitang -gilas syempre todo act ako...

"Crispin! Basilio!" Sigaw ko sabaw sabunot sa buhok tapos gulo ng damit...

"nasaan kayo?!" takbo dito, takbo doon...

"Yung utang niyo bayaran niyo!" hehehe hindi yan kasali...dinagdag ko lang

Tapos saglit lang natapos din..Yun lang naman linya ni Sisa eh...

Pag-upo ko ngumingisi itong bestpren ko na matalas ang dila...

"Joe...ang laswa ng itsura mo kanina" nakangiting bulong niya sa akin

"Huh?! Malaswa?" tanong ko na medyo nasaktan

"Para kang nagpapasarap kanina eh!" tawa pa nito

Mokong na ito! sabi ko sa sarili ko...Kung hndi lang kita Bestfriend, tinadyakan na kita...

DI MO AKALAING BABAIT AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon