TOWEL KING

213 11 1
                                    

May pagka-bossy lang talaga ako ng kaunti...

May silent rule sa bahay namin na kung mas matanda ka ikaw yung pala-utos...

Pag nandiyan ate ko ako nauutusan...

Nang umalis naman siya ako na ang boss at pag wala ako..susunod yung pinsan ko...

Balik tayo sa kuwento...

COllege sa boarding house...

Papasok na ako sa klase..nakaligo na ako...

Ngek! di pa pala ako naka-plantsa ng uniform...

NArinig ko naman sa mga kuwarto ng mga babae na kasalukuyan silang namamalantsa...

Tinapis ko na lang yung tuwalya...nakasuot lang ako ng brief sabay punta sa bungad ng pintuan nila...

"Nory! paplantsa naman ng uniform ko oh? sige na!" pa-cute sabay bato ng uniform

"Plantsahin mo sarili mo!" masungit naman na reply nito...Masungit lang talaga yung babaeng yun...

"Gladys ikaw na lang mamalantsa! please?" pacute ulit

"Ay naku reck...malalate na ako!"

"Eh mag-classmate naman tayo paano ka malalate?" 

"Basta.."

"eto!" aakmang lalapit ako nang natanggal ang tapis ng tuwalya...

WHAT?!

nanlaki mata ko..nagulat din sila...

Sumandal kaagad ako sa pintuan para hindi na dumausdos pa ang tuwalya..kaso kalahati lang ng puwet ko natakpan....

"Ibato mo sa akin yung uniform ko dali!" sigaw ko sa kanila

May mga naglalakad pa sa hallway

"Ibato mo na!" sigaw ko ulit..binato naman...

Tinakpan ko sarili ko gamit ang uniform at dali-daling pumasok sa kuwarto namin...

LESSON?

Siguraduhing maayos pagkakatali ng tapis mo!

DI MO AKALAING BABAIT AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon