STYLE NG INSTANT DATE!

229 9 6
                                    

"Tita pupunta po ako sa Baguio makiki-contest ng quiz bee, may ipapadala po ba kayo para kay S****** ?" tanong ko kay tita

"Talaga? oo meron..."

YES! may rason ako makita siya hahahahah

BACKGROUND OF THE STORY: May crush ako sa anak ni Tita, matagal na...

SA BAGUIO, sa SM kami nagkita...tinext ko siya at sa sobrang excited maaga akong nakarating sa mall..

Ilang minutong naghintay at nang dumating siya...

"Here's the package your mom gave me" sabay abot...english yung dialogue kasi english speaker sila...SOSYAL

"Thanks!" sagot niya

"Ah...You want to watch movie? My treat!" alok ko

Tinignan naman niya ako..siguro akala eh nagbibiro ako...

"Talaga?"

"OO, I'll treat this time..." sabi ko at pumila kami sa sinehan..,

Ang Pinanood namin...ENCHANTED...dapat pala HORROr noh?

PAgkatapos manood...

"I'll treat you next time!" sabi niya sa akin..na-excite naman ako..may next time pa...

KAYA...

THE NEXT YEAR...

"Tita may makiki-contest ulit ako ng quiz bee sa BAguio may padala kayo?"

"OO meron!"

AYOS! May rason ulit...

NAgkita kami ulit..kaso this time kasama niya buong classmates niya...

Yun tuloy tameme lang ako habang linibre niya ako ng lunch...

Hayy..not what I wanted!

DI MO AKALAING BABAIT AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon