Adik sa Naruto, adik sa computer games at easy go lucky!
ako yun!
College...Sandaling bumaba ang teacher namin ng Calculus may pinuntahan sa first floor...
Nakita ko na naiwan niya yung tatlong meter stick...(GOOD IDEA!)
Kinuha ko yung isa sabay bigay sa dalawa ko pang lalakeng classmate yung dalawang meter stick
"Noli, Oliver..sword fight tayo kuno" alok ko sa mga dito
"Sige ba!" umayon naman ang dalawa
yah! yah! yah!
subukan niyo masaya!
yah! yah! yah!
CCCCCRRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAACCCCCKKKK!!!
patay!
Naputol ang isang meter stick!
"Hala kayo!" tumatawang panananakot ng mga madaldal na babae
Sabay dating si teacher...
"Bakit maingay kayo!" sigaw nito
"Sir sila Ricky kasi naputol nila yung meter stick mo" sumbong ng mga ito habang kaming tatlo ay tahimik lang...
"Ano?"
ANG RESULTA...
"Akin mga kamay niyo!" utos ni teacher sabay labas ng mga kamay namin...
Pinagpapalo niya mga kamay namin na parang Elementary kids....
Tawa naman nung mga babae...
"Bilang parusa kailangan niyong palitan yung meter stick" dagdag pa ni teacher...
Ang sakit kaya ng palo niya sa kamay tapos idagdag pa yung gagasto sa meter stick?
Eh sana pinalitan na lang namin...
LESSON?
HUWAG ISIP BATA hahahahaha
