TAKOT SA WILD PIGS!

243 12 10
                                    

February 2013,

Pumunta kami sa isang tribo sa Kalinga...

Kinaumagahan...

"Natatae ako.." sabi ko sa sarili ko...

NAng makita ko yung isang kasama namin...

"Oi tumae ka na?" tanong ko sa kanya...hawak-hawak ko na yung tissue..

"OO" sagot nito na nakangiti pa...successful nga ito

"Saan? saan?" tanong ko na humahawak sa tiyan ko

"Doon sa may padausdos..dun sa may mga mahahabang grass" nginuso niya sa akin yung direksyon...Mukhang gilid na yun ng bundok...

"Saan dun?" diin ko

"Basta pag may nakita kang nagkalat na tissue dun na yun" sabi naman niya..

Dali-dali na akong nagpunta doon..medyo nag-ingat lang ng konti kasi medyo matarik ang lugar...

Nakita ko na ang nagkalat na tissue pero bakit walang "gold mine?"

Bahala na sabi ko sa sarili...

Umupo na ako at binaba ang short nang may nadinig ako na ingay mula sa mga halaman sa paligid at damo na parang may papalapit...

Lumingon ako sa paligid... May papalapit...

Biglang gulat ko ng lumabas ang isang malakit Baboy...

Natakot ako...tinaas ko shorts ko sabay Biglang sigaw

"may baboy dito!" sigaw ko sa iba

Tawanan naman sila...Narinig ko pa yung sigaw nung isa...

"Kakainin niyan yung tae mo pagkatapos!" sigaw niya

"Ano?" sigaw ko naman...

"Eto stick!" sigaw nila habang may isa sa kanila na tumakbo papunta sa akin iniabot ang stick...

Umupo ulit ako...hawak hawak ang stick...Tinatakot ang baboy kaso ayaw talagang umalis...

Inaabangan niya yung gold mine ko...

Dahil hindi ako maka-concentrate...tumayo na ako at bumalik na sa grupo ko...

"Ano naka-tae ka?" tanong nila

"Paano ako matatae eh naka-abang yung baboy?!" reklamo ko naman...

Pumunta na ako sa kuwarto namin sabay reklamo...

"Natatae na talaga ako" sabi ko nang marinig ako ng isa pa naming kasama

"Eh di tumae ka sa c.r" sabi niya

"C.r? may c.r sila?" nanlaki mata ko

"OO meron.."

"aisshhh! nagpapakahirap akong tumae sa may padausdos tapos may c.r pala sila dito" himutok ko na dali-daling nagpunta sa c.r

LESSON:

Magtanong!

DI MO AKALAING BABAIT AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon