Highschool,
dahil hyper-active ako at ang trip ng araw na iyon eh magmistulang si Ken sa street fighter eh nag-ala martial artist ako nung araw na iyon...
Sipa dito..sipa doon...nang
RRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIPPPPPPPPPPP....
Napunit ang pantalong ng mokong na ito...at dahil sa mumurahin lang ang black pants ko eh sobrang laki ng punit nito..mula sa right leg ko hanggang sa left leg ang punit...parang boot cut na sa loob ang punit...
Dali-daling pasok sa c.r sabay kulit sa isang klasmeyt na pahiramin sa akin yung stapler niya...
Ang pangit lang walang lock ang c,r
Binaba ko na yung pantalon ko sabay yuko para simulan ng lagyan ng staples ang pantalon nang...
Bumukas ang pintuan at nasaksihan ng buong klase ang kaseksihan ko..ehemmm ehemmm...
KUNG MINAMALAS NGA NAMAN OH...
Ito kasing isa kong klasmeyt iihi sana...
Dahil napahiya na ako...umarte na lang akong natatawa...sabay upo sa upuan habang sinabihan ko si bestfriend na maging lookout
"Jonald, siguraduhin mong walang titingin dito tutal lalake tayo lahat sa row na ito..lagyan ko lang ng staples pantalon ko" utos ko dito
Sa kamala-malas ulit..naubusan ng bala ang Staples at wala ni isang staple ang nagawang idikit ang punit ng pantalon ko...
RESULTA.................
Umuwi ako na parang chinese na gisaeng...
Nakadikit ang mga legs na dahan-dahang naglakad papunta sa sundo kong tricycle....
MALAS!