Kung nakita ko nang nagkukumpulan ang ilang mga matatanda sa bahay namin sabay nagtatawanan tapos titingin pa sa akin..tumpak! ako pinag-uusapan at ang topic ay kung ano ang itsura ko noong bata ako...
Dahil pala-ihi daw ako nng bata ay hindi na ako sinusuotan ng salawal ng lola ko...dinadamitan na lang ako ng mahabang damit para kahit papaano ay matakpan ang tinatago-tago ko...
Marami ding nag-aalaga sa akin..baby-sitte ko ang buong neighborhood kaya naman pag may bisita kami na dati naming kapitbahay... ang komento nila ay
"Ang guwapo na ng batang inalagaan ko huh!"
Ang perks..hindi lang isa nagsasabi kasi madami akong baby-sitter noon...
Ang isa pa na hindi nila malilimutan sa akin ay ang pagtakbo ko sa kalsada habang sakmal-sakmal ang malaking baby bottle na naalala ko ay parang isang marble na ang laki ng butas kaya naman mabilis ko lang ubusin ang laman nito...
Dahil muntikan akong namatay dahil sa powdered milk...sosyal...bawal sa akin noon ang powdered milk..sabi ng doctor ko ay painumin na lang ako ng Ahm...Yun yung habang kumukulo yung sinaing mo na bigas ay kukunin mo yung sabaw tapos lalagyan lang ng asukal or something...
Matuloy ako...
Ang nakakahiya pa ay tsaka lang ako tumigil magdodo sa bottle nung five years old ako...
"Na! itapon niyo na yang bottle ko" sabay bigay kay lola ang Mickey mouse na extra large na bottle...
"Sigurado ka?" tanong ng lola ko
"OO sigurado ako..." sagot ko naman...
KINAUMAGAHAN...
"Na! saan na yung bottle ko! gusto ko ng gatas!" umiiyak na
"Akala ko ba pinapatapon mo na?" nakangiting tanong ng lola ko
"Hindi nagbago isip ko!"
Binuksan naman ni Lola ang aparador at nandun si Mickey mouse na bottle!
Sparkling eyes!
Yeay!
LUMIPAS ANG ILANG BUWAN...
"Na! ayoko ng uminom sa bottle..tinatawanan na ako ng mga kalaro ko" sabay bigay ng bottle
"sigurado ka? itatapon ko na talaga" tanong ni Lola
"OO tapon niyo na..Big boy na ako eh" nagmamayabang na binigay kay Lola ang bote
KINAUMAGAHAN...
"Na! nasaan na yung bottle!" tanong ko
"Tinapon ko na"
"Ano?! bakit niyo tinapon?" umiiyak na
"Eh di ba sabi mo itapon ko na..bago pa magbago isip mo tinapon ko na"
"HAnapin niyo yun!" sigaw ko
"Wala na nga.."
At umiyak pa ako...
REGRETS KO...
SANA di ko pinatapon para may remembrance ako ng childhood ko..hahahaha
