Tuwang-tuwa noon ako nang magkaroon ng kalayaan at makapag-aral sa ibang lugar kaya naman sobrang excited ako na makilala yung tatlong mokong na makakasama ko sa kuwarto....
Nagsidatingan na noon yung ilan sa mga ka-boardmates namin. May anim na kuwarto sa palapag namin at apat ang magkakasya sa isang kuwarto. Halo-halo din yung floor kasi yung ibang rooms eh babae mga nakatira...
Kung maalala ko eh naghihintay lang ako sa tapat ng pintuan para bang yung guard sa Jollibee sabay tanong kung anong room nila...Ganun ako ka-excited...
Nang ilang oras pa ay may dumating na isa...Medyo muscle-muscelan, maitim at halatang mas matanda sa akin...
"Kuya anong room mo?" tanong ko. Sumagot naman ito at parehas sa room ko yung sinabi niya...
Alok kaagad ako na tulungan ko siya sa bagahe niya sabay hanap ng bag niya. Sa gulat ko hindi bag dala niya kundi isang malaking karton na may tali ng straw...Yun ang bagahe niya, eh medyo lampa ako...
"ah sige ikaw na lang magbuhat...ituro ko na lang kuwarto natin" palusot ko...Isang sako nga ng bigas hindi ko mabuhat noon yung isang pang-package na karton pa kaya!
BTW ASLEE pangalan nung unang mokong na yun...
Dating naman ang pangalawang Mokong...Maputi ito at todo-longsleeve na pa-elvis presley pa ang ginawa sa collar...
"Baduy!" yun yung una kong nakomento sa kanya...
Genaro pangalan niya pero tinatawag ko siya sa Apilyedo niya...
Matalino din ang mokong kasi naman ang dami nitong mama-san eh okay lang naman sa akin kasi nadadamay ako sa grasya...Yung katulong kasi ng land-lady eh mama-san niya kaya kapag wala kaming pera pambili ng meryenda..Makikiusap lang kami sa ka-roommate ko at darating ang SBG ng EAT BULAGA na may dala-dalang litro ng softdrinks at grocery items pa...
Ang ayaw ko lang sa kanya eh noong sumobra siya sa kanyang part-time job at sinimulang mamakla...hay! tsaka ko na ikwekwento yun...
Mapunta tayo kay roommate number 3!
Siguro sa aming apat siya yung lapiting talaga ng girls kasi gwaping eh...kaso may Mt. Pinatubo ang mokong sa paa...
Hahaha!
Grabeng pahirap at pasakit sa amin...
Naalala ko pa na sa kakulitan ko habang natutulog ang mokong eh kinuha ko ang air freshener sabay spray sa pambahay na tsinelas niya ...yung gawa sa cotton yung pang-tulog?
Eh habang iniispray ko, nagising naman siya...Dinilat ang mata sabay tingin sa akin na kasalukuyang iniisprayan ang tsinelas...
Syempre gulat ako! sabay karipas ng takbo!
![](https://img.wattpad.com/cover/5785524-288-k307457.jpg)