LAPITING NG MGA BADING #1

362 19 6
                                    

Sa hindi malamang rason eh lapitin lang talaga ako ng mga bading...

One time habang naisipan kong bumili ng bagong damit sa RRJ...

Lalapitan na sana ako ng isang saleslady ng inagawan ito ng Manager na gwaping...ang hindi ko alam bading pala...

"Sir anong bibilhin niyo?" tanong nito na maarte alam niyo na kung paano magsalita ang bading

"Ah...mamimili lang ako ng damit..." sagot ko...

tapos sinimulan niya na akong pormahan..ilang mga tanong tungkol kung taga-saan ako at kung ano-ano pa...nang...

"Available ka ba sa Tuesday? Kain tayo sa Daungan libre kita?" tanong nito na agad kong ikinabahala

"Ah...may date ako kasama ang girlfriend ko bukas" *SINUNGALING

"Eh sa wednesday?"

"Ah..pupunta kami sa park kasama mga tropa ko!" * SINUNGALING ULIT

"SA friday?" tanong ulit nito..ang kulit din ng lahi eh

"Ahhh..may papanoorin ako kasama ko ulit gf ko tsaka barkada" * SINUNGALING

Sabay dahil naiirita na ako, dumampot na lang ako ng kahit anong damit sabay tanong kung nasaan ang dressing room...

Habang nasa dressing room..tinging sa damit na kinuha..

PATAY! hindi ko type...

Hubad ng damit ng biglaang binuksan ng bading na manager ang dressing room...

Nagulat ako at dali-daling sinuot ang damit tapos sara ng kurtina...

Paglabas...pumunta na ako sa counter para magbayad kahit hindi ko na gusto yung damit...

"Pangalan sir?" tanong nito na siya na rin ang pumunta sa counter

"ISAIAH!" * SINUNGALING

"Taga-saan?" kailangan pa ba yun sa resibo?

"Centro" * SINUNGALING...

Punch dito, punch doon tapos abot sa akin yung damit at resibo kasama ang sukli..

"Sir, gusto niyo bang bumili ng short or pantalon?" tanong nito

Na-alarma ako..ano ako bibili ng shorts tapos bigla mong bubuksan ang dressing room?

"Ah hindi okay na ako dito! Sige bye!" paalam ko..

Pag-uwi...

"Jay, sa iyo na ito" sabi ko sa pinsan ko sabay abot ng biniling damit...

KUNG GUSTO NIYO PA NG MADAMING KUWENTO VOTE LANG!

DI MO AKALAING BABAIT AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon