College sa Boarding House namin...
NOTE: MAdali akong ma turn-off sa babae...Mga bagay na ayaw ko...Umiinom ng alak, naninigarilyo at bungangera na may pagka maldita...
So...sa boarding house namin may nagustuhan ako...funny siya kaso nalaman kong nasa kanya yung mga ayaw ko sa babae at mas grabe pa...
Isang araw habang masipag akong gumagawa ng assignment sa kuwarto...Eh masipag eh!
Pumasok siya bigla sa kuwarto...ako lang kasi yung nasa room namin noon...
Umupo siya sa may harapan ko habang ako ay nakadapa habang nagsusulat..
"Ricky gusto mo tayo na lang?" tanong niya sa akin...Napatigil ako sa pagsusulat...Tinignan ko siya
"Eh di ba Boyfriend mo yung kapit-bahay natin? paano yun?" tanong ko sa kanya
"Eh di pag break kami, ikaw isusunod ko!" sabi niya sa akin ng nakangiti...
INIS naman ako...Anong tingin niya sa akin Panakip-butas?
Tinanggihan ko siya! In short Binasted ko!
After 2 years...Nauna siyang nag-graduate kesa sa akin...
Habang namimili ng damit sa mall...OO na mahilig ako sa damit din...
Nagkita kami...eh nung panahon na yun di na ako chubby...Payat na ako at eheem ehemm mas guwapo...
Panay tingin niya sa akin sabay lapit...
"Ikaw na ba yan Ricky?" tanong niya sa akin
"Ah oo..guwapo ko na noh?" sagot ko naman sa kanya sabay alala na binasted ko tong babaeng ito...
After nun umalis na siya... Ako naman napangiti na lang...
Sabi ko na lang sa sarili...
I'LL search for someone better than her!
MAY MGA LALAKE PA RIN NA TULAD KO NA HINDI BASTA BASTA TUMUTUKA KAPAG NANDIYAN NA ANG FEEDS...
MAY PRINSIPYO DIN KAMI...
![](https://img.wattpad.com/cover/5785524-288-k307457.jpg)